IKA TATLUMPU'T DALAWA

3K 59 0
                                    

Umiling naman ako at nahiga na. Siya man din ay pumunta na sa pwesto niya. Pero hindi pa siya ngumiti, itinuko niya ang siko sa may headboard ng higaan at bumaling sa akin. Tinignan ko naman siya.

"Please. Isa pa" shit. Hindi talaga ito titigil ehh. Natawa nalang ako ng mahina tsaka pumikit. Hindi ko na pinansin ang request niya. Nang dumilat ako ay nasa ganun parin siyang pwesto.

"Matulog na tayo" utos ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at bigong nahiga ng maayos. Natatawa ako sa kanya.

Nang makahiga naman siya ay mabilis akong yumakap sa kanya. Nag unan ako sa kanyang braso. I'm getting used to this. Natatakot ako. Natatakot ako na baka mamaya, mas piliin ko na siya sa kahit na ano.

"Singapore was good. Sana sa susunod. Mamasyal tayong dalawa doon" wika ko.

"We will" sagot niya. Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

Bumangon ako ng kaunti at itinapat ang mukha ko sa mukha niya. I want to kiss him again. Pumikit ako at hinalikan siya ulit. Ang kaliwang kamay niya ay hinahaplos ang bewang ako. Itinigil ko ang paghalik at tumitig sa kanya. Suddenly, ang mga traydor kong luha ay hindi ko na napigilan.

"Shhhh, why are you crying?" Ang kanang kamay niya ay pinunasan ang mga luha ko.

Umayos na ako sa pagkakahiga at yinakap siyang muli.

"Why are you crying?" Tanong niya na naman.

Umiling iling nalang ako.

"Althea" malambing ang boses niya. Tumingala naman ako para makita siyang nakatingin pala sa akin.

"Because I love you" sagot ko sa kanina niya pang tanong. Napapikit pa siya dahil sa sagot ko. Sira talaga to.

"Damn" mahinang mura niya. Hinalikan niya ako sa ulo.

"Matulog na tayo, bago ko pa makalimutan ang mga pangako ko sa sarili ko" wika niya pa tsaka ako yinakap ng mahigpit.

Natawa nalang ako doon. Everything looks perfect. Sa aming dalawa.

Pag gising ko kina umagahan ay nasa tabi ko parin siya. Pakiramdam ko ay totoo nga ang sinasabi nila sa akin. Binitiwan na niya ang kompanya niya. Kaya lagi siyang nandito dahil marami na siyang oras. He doesn't seem much affected about it.

Pinag masdan ko ang perpekto niyang mukha, ang tangos ng ilong niya at ang mga labi niyang malalambot at mala rosas. Ang mga pisngi niyang walang kapore pores. Lalaki paba ito?

Hinalikan ko siya sa pisngi bago sana ako bumangon ngunit hinitak niya ako para mapahiga ako ulit sa tabi niya.

"Jacob"

Tinampal ko pa siya ng mahina sa dibdib.

"It's saturday" mahinang wika niya.

"Kaya nga babangon na ako" wika ko pa.

Hindi na niya ako pinigilan, bumangon na ako. Ipinusod ko pa ang buhok ko bago tuluyang tumayo at nagpunta sa banyo para maghilamos at mag brush.

"Betty!" Sigaw ko dahil maingay sa labas. Sunod sunod ang tunog ng chimes.

Sabado nga ngayon at day off ni Betty. Imposibleng si Betty iyon. Nagmadali ako sa pag aayos ng sarili at lumabas kaagad patungo sa studio. Naabutan ko si papa na naka upo sa may sofa at halatang inaabangan ang paglabas ko.

"Pa" kinakabahan kong wika. Tumayo siya kaagad nang makita ako. Galit si papa at pakiramdam ko ay alam ko kung bakit. Ipinagdarasal ko nalang na sana ay hindi lumabas si Jacob sa kwarto ko.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon