Naramdaman ko si mama na nasa likuran at hinagod niya ulit ang likod ko kaya napalingon ako sa kanya. Yinakap ko ulit si mama. Nananaginip lang ata talaga ako. Sana. . Sana ay hindi na ako magising.
"Mama. . Mahal na mahal kita" umiiyak kong wika.
Ang sakit sakit. Sana ay hindi nalang nangyari ang lahat ng ito.
"Papa" lingon ko kay papa.
"Papa. . Mahal na mahal ko din po kayo. . Sobra" umiiyak kong wika.
Yinakap ako ng mga magulang ko.
I hope this day won't end.
"You go change. . Kakain na tayo" utos ni mama. Tumango nalang ako at tinalikuran sila. Lumingon pa ako sa kanila bago ako pumasok sa kwarto ko. Nakayakap si mama sa gilid ni papa. Nakangiti silang dalawa sa akin. Binuksan kong muli ang pinto at sinilip kung nandoon pa sila sa labas pero wala na sila. I knew it. I am dreaming.
Pumasok ako sa closet at naghanap ng damit. Hinanap ko ang plain na bistidang may malaking puso sa gitna. Hanggang talampakan din iyon. Pumunta ako sa vanity at nag blower ng buhok. Nag ayos din ako. Gising naba ako?. Am I awake?.
Ramdam ko ang init na pinoproduce ng blower. Gising nanga ata talaga ako. Lutang parin ba ako?. O nasa cottage parin ba ako at hinihintay si Jacob?. Pakiramdam ko ay parang mababaliw ako dahil sa dami ng iniisip ko.
Nang makapag ayos ako ay lumabas ako kaagad. Bumungad sa akin ang mga katulong.
"Nasaan si mama?" Tanong ko kay ate Sugar.
Ngumiti lamang siya at hindi sumasagot. Bakit?. Anong nangyayari?.
"Gising kana pala, ma'am" ani kuya Henry.
"Nasaan po si papa? At mama?" Tanong ko sakanya.
Pagkababa ko ng hagdan ay wala paring sumasagot ng tanong ko.
Dumeretso ako sa kusina at nakita ang mga kalat, halatang katatapos lang magluto. May mga katulong na abala sa paglilinis. Why is it that everything seems normal?..
"Ate Gigi, anong meron?" Kunot noong tanong ko sa katulong naming abala sa paglilinis sa kusina.
Tumingin lamang siya sa akin at umiling tsaka ngumiti.
Napaparanoid na ako sa nangyayari. Nananaginip ako. I am certain. I am in a very beautiful dream.
Lumabas ako sa kusina at naglakad papunta sa pool area, i just want to check kung nandoon ba si mang mario at naglilinis.
And the view shocked me.
"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sigaw ng lahat sa akin. May mga confetti at balloons ang nagliliparan sa bungad na ginawa nila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako makangiti. I felt my tears, tumutulo ito at hindi ko mapigilan.
Si mama at nakayakap parin kay papa. Si kuya naman ay nasa tabi ni papa. Ang mga pinsan ko ay nandoon din. Pati si Betty. Ang mga katulonh naman namin ay abala parin sa paglalagay ng mga pagkain sa mga lamesa. This scene is too good to be true. Nawala narin ako sa takbo ng oras.
Hindi ako gumalaw. Ayoko. Baka kasi pag gumalaw ako ay bigla nalang akong magising. Hindi. Ayokong gumising. I don't even know that today is my birthday. I don't freakin' care. Ang importante ay ang nangyayari ngayon. Kumpleto ang pamilya ko. I felt so happy and damn scared.
Lumapit si mama sa akin, hawak hawak niya ang cak habang kumakanta ang lahat. Lord! Please. Huwag mo akong gigisingin.
"Happy birthday, sweetie" mom said tsaka iniharap sa akin ang cake para mahipan ko ang kandila. This is it. Sana pagbukas ko sa mga mata ko ay nandito parin sila.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...