JACOB
"Jacob! Gago, titig na titig kana naman sa kapatid ko! Kung hindi lang kita kilala pagkakamalan kitang manyak, gago"
Nilingon ko ang maingay na si Art.
"Gago" bulong ko nalang tsaka ibinalik ang titig ko sa babaeng pinapangarap ko. Damn. Mukha ba akong manyak sa lagay na ito?. Eh hanggang tingin lang nga ako dahil sa kumag na to.
Nag enrol kaagad ako sa private na ito noong nalaman ko na dito siya mag aaral. Umuwi pa ako galing Canada para lang dito, umaasa na sana ay ngayon pwede ko na siyang ligawan pero wala eh. Bantay sarado ng mokong na ito.
"Art, bro, let me court her. . Pababalikin na naman ako sa Canada nito" wika ko
"Edi bumalik ka! Huwag mong pormahan yang kapatid ko. .bata pa yan. . Masasapak kita" wika niya ng may pagbabanta kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Araw-araw ko siyang tinitignan mula sa malayo. Hindi ko magawang lumapit dahil narin sa takot kong baka ma badshot ako kay Arthur, mamaya, siraan pa niya ako ay Althea.
"Ma, please, ayoko po" wika ko kay mama.
"Kung hindi ka pupunta, i hohome schooling kita" pagbabanta ni mama.
I am young at 12 pero pinipilit akong bumalik sa ibang bansa para doon na mag aral. They want me to study abroad. Ayoko. .
"Ma, hindi ba pwedeng dito nalang ako?" Paki usap ko kay mama
"Jacob, makinig ka sa mama mo" diin ni papa. Kaya wala akong nagawa.
I spent the rest of my days here in the Philippines watching her. Wala eh. Bata pa kasi kami. Pero babalik ako. At pagbalik ko, i will make her mine, I'll make sure of that.
"Ako ang mapapangasawa ng kapatid mo" seryosong wika ko kay Art.
"Asa ka. " pang aasar niya.
"Guard her, Art. . Babalik ako. ."
Mga huling salita ko kay Arthur bago ako umalis. Sa Canada ay nag aral ako sa isang prestisyosong paaralan. I became successful, at 20 ay nakapag patayo ako ng sarili kong kompanya, dahil na rin sa tulong ng mga professor ko at ni papa.
"Uuwi ako ng Pilipinas" wika ko kay papa habang naka VC.
"No, Jacob. . Magulo ngayon. . What you need to do is to obey your mother. Makipag engaged ka muna sa anak ni Senator Peralta, he will help us maintain our stand sa business industry. . Di bale, para lang naman ito sa kompanya" mahabang wika ni papa.
"Pero pa. . Bakit hindi nalang si kuya?"
"Ikaw ang gusto nila anak, sorry" si mama iyon.
Mistula akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin nila sa akin iyon. They planned my future already. Magpakasal? Sa isang babaeng hindi ko naman kilala, para sa negosyo?.
A month after that call ay nakilala ko si Mia, the girl everyone mentions na maganda at bagay sa akin. I beg to disagree. Iisang babae lang ang nababagay sa akin.
We got engaged at nangyari ang merging of companies ni mama at ni senator Peralta.
"Uuwi na ako ng Pilipinas" wika ko ulit kay papa.
"Yes, Jacob. . I need your help" bakas ang pag aalala sa mga mata ng tatay ko.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...