Lalong humigpit ang hawak ni Jacob sa akin at this time, hinawakan ko na rin ang kamay niya.
"I am sorry, Mary. But Jacob and I are still talking" singit ko. Hindi ko alam kung kakagatin niya ang sinabi ko. I don't care, really. I envy her so much dahil pwedeng pwede lang sila ni Jacob. No hindrances. Pero pag ako, mahirap?. Life is really unfair sometimes. Huh.
Tumingin si Mary sa akin at inirapan ako.
"I don't care" wika niya tsaka hinihila ulit si Jacob.
"Mary, please" si Jacob iyon na parang naiinis na rin.
Padarag na binitawan ng babae ang braso ni Jacob at umatras ng bahagya.
"Jake, my father sacrificed his life for this. Hindi mo ako pwedeng iwan sa ere!" Tumingin siya sa akin ng masama bago nagsalita. "We are not done yet! Akin ka, Jacob. You are mine! And mine alone!" Matinis niyang wika tsaka nagmartsa paalis doon.
Nakahinga ako ng malalim nang hindi ko na marinig ang huni ng kanyang takong. Nakakainis. Nakakainis na napaka perpekto ng babaeng iyon!
Nag aalalang humarap si Jacob sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Konting panahon nalang, Althea" he said tsaka ako niyakap ulit. Mas nag aalala ako. The way Mary talks, pakiramdam ko ay malaki ang pinanghahawakan niya kay Jacob kaya hindi siya maka alis sa sitwasyon niya ngayon. Natatakot ako.
"Ihahatid na talaga kita" he said tsaka pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa. Naglakad kami palapit sa kotse niya. Natigil lamang ako nang lumapit si Garry, iyong body guard ko.
"Garry. . Si Jacob na ang maghahatid sa akin"
Tumango lang si Garry, sumakay kami sa kotse ni Jacob. Si Garry ay sumakay sa van kasama ni Kuya Manny.
"What happened?" Tanong ko nang maka alis kami sa dome. This is the first time I am asking this. Hindi ako umaasa na sasagutin niya ang tanong ko. He's been avoiding me. That's what I know.
"I've been a coward" sagot niya. Ang atensiyon ay nasa daan parin. I didn't know that COWARD is a big word right now. Paano?
"Why?" Tanong ko. Bumaling ako sa kanan para hindi ko siya makita.
"5 years ago, I was engaged to Mary. Dahil iyon sa business, all the things mixed up, gumulo ang lahat, I met you. . I quit in that engagement, little did I know that my mother had this contract signed with senator Peralta. . I wasn't this successful years ago, Althea" hinaplos niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.
"Tumakbo ako para itago ang nangyari sa lahat, they plan to use you, kaya ako ang nagprisenta, you're innocent and fragile, hindi ka nila pwedeng gamitin. . I called off that engagement doon sa araw na muntik na kitang mabangga, Mary and I are fighting over it dahil ayaw niya" hinawakan ni Jacob ang kamay ko at hindi ko siya pinigilan doon. Ayaw maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya.
"Ano namang kinalaman ko doon?" Kunot noong tanong ko.
Tumikhim pa siya bago nagsalita. "Senator Livén and senator Peralta are not in good terms, Althea. They were once best friends, with dad. But then, because of an incident, nagkaroon ng gap ang tatlo, the silent war has been long started" mahinang wika niya.
Kung ganon, masyadong magulo. Paano?. Paano na kami ngayon
"Anong dapat kong gawin?" Tanong ko. Pakiramdam ko ay matatalo parin ako. Matatalo kaming dalawa."Wala kang dapat gawin, all you have to do is to stay, with me. Trust me" wika niya tsaka hinalikan ang likod ng kamay kong hawak hawak niya.
His face never changed, mag iisang taon ko siyang hindi halos nakita. Kung makita ko man siya ay wala naman kaming pagkakataong mag usap dahil, sobrang cold niya sa akin. Pero ganun parin. He still looks good.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...