Evident ang takot sa mga mata niya.
"I knew, this day would come" mahinang wika niya.
"I am sorry dahil hindi ko sinabi sayo, but this, this feeling is not in the plan Althea" punong puno ng pagmamahal ang boses niya.
"Niloko mo ako" seryosong wika ko sa kanya.
Tinitigan ko lamang siya. Napapaisip tuloy ako. Damn. Sayang ang mga pinagsamahan namin. I didn't know we'll end up this way.
"Salamat nalang, Jacob. But please, don't do this anymore. Iisipin ko lang na totoo ang lahat ng pinakita mo. I should be mad at you" wika ko tsaka tumalikod na.
Minadali kong maglakad para hindi niya ako maabutan. Saktong papasok ako sa pinto ay palabas na si tita kaya hinintay ko nalang siya.
"Where have you been?" Alalang tanong niya.
Luminga siya sa paligid at ewan ko, malamang ay nakita niya si Jacob kaya nag iba ang timpla ni tita.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at nagtanong.
"Magkasama ba kayo?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi, tita" walang buhay kong sagot. I am tired. Gusto ko nalang umuwi. I think, i won't last a day pag puro ganito ang eksena. I feel so weak pag nandyan siya. He made me fall para lang pahirapan ng ganito. I don't know how the case is going dahil hindi naman namin pinag uusapan ni papa iyon. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari pag si papa ang nanalo doon. Siguro ay makukulong ang papa ni Jacob or even him, well, deserve nila iyon. Kung totoo ang sinasabi ni papa na nagnakaw sila sa kaban ng bayan, then, they deserve a punishment.
Naglakad kami papunta sa kotse ni tita. hindi ako nagsalita sa durasyon ng byahe namin pauwi. Pakiramdam ko ay may gustong tanungin si tita kaya ako na ang nagsalita nang malapit na kami sa bahay.
"Spill it, Tita Shine" wika ko nang hindi siya tinitignan.
Tumikhim pa siya bago nagsalita.
"Is the news true? Kayo ba talaga ni Gov?" Tanong niya.
Umiling nalang ako.
"I knew it, gawa gawa lang ng mga bakla ang issue"
"Tita, niloko niya ako. He is just using me" mahinang wika ko.
"Paano mo nasabi?."
"He's used to do that,iyon ang sabi ng mga colleagues niya" sagot ko.
Tumawa ng bahagya si tita bago nagsalita. "He was never this serious before, i knew him dahil naging modelo ko din siya dati, noong teenager pa siya" nagulat ako sa kwento ni tita kaya bumaling ako sa kanya.
"It's the first time i saw him look at a woman like that, malungkot, masaya, masakit" tumawa na naman ng mahina si tita.
"He likes you, i can tell" pagkukumpirma pa ni tita.
"Gagamitin niya ako" wika ko pa.
"Hmmmm, you think so?"
"Narinig ko sila, nag uusap, ako ang pinag uusapan nila. Dapat naniwala ako kaagad kay papa" wika ko.
Malapit na kami sa bahay dahil tanaw ko na ang gate. Bumukas iyon at ipinasok ni tita ang kotse niya.
"I knew him, yes. He used to fool girls, that was back in the days Althea. Nagbago na siya. How I wished he can prove that to you"mahabang wika ni tita habang hinahatid ako papasok sa bahay. Mag uusap pa daw kasi sila ni mama bago siya umalis. Nang makita niya si mama ay umakyat na ako kaagad sa kwarto ko. I don't know.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...