Mamula mula ang mga mata niya at bakas ang pagod. He opened his arms, senyales na gusto niyang lumapit ako at yakapin siya. Ibinaba ko muna ang mga binili kong kanin at ulam sa lamesa bago lumapit sa kanya at yumakap.
Kumalas ako agad at humarap sa kanya.
"Tired?" Tanong ko.
Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo dahilan para mapapikit ako.
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at naabutan siyang nakatitig sa akin.
"Bakit?" Nakangiti ngunit kunot noong tanong ko.
"I want to be selfish, Love" mahinang wika niya. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
His deep bluish eyes are evidently tired. Gusto kong tanungin kung anong ginawa niya pero hindi ko magawa. Hihintayin ko nalang na magkwento siya sa akin.
"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya at tipid na ngumiti. Nagulat nalang ako nang halikan niya ako ng mabilis sa labi.
"Pero busog na ako" wika niya tsaka ako yinakap ulit. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. Shit. Dipa ako nagshower. Amoy pawis pa ako dahil maliligo palang sana ako pag uwi ko.
"Jacob, I smell awful. Dipa ako naka shower" wika ko sa kanya. Umiling iling naman siya. Ramdam na ramdam ko ang mga labi niya sa leeg ko at ang mainit niyang paghinga. Damn.
"Jacob" wika ko tsaka hinaplos ang buhok niya gamit ang kanan kong kamay.
"I'm sleepy" wika niya.
Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at nakitang alas sais na. Nagtagal pala ako sa pagbili sa labas.
"You should sleep inside" wika ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango ngunit ilang minuto na ay hindi parin naman siya gumagalaw. Nakayakap parin siya sa akin.
Nag aalala ako. Alam ko na may mga nangyayari ngunit hindi lang niya sinasabi sa akin. Hindi naman siya masyadong nagsheshare sa akin. I don't want to ask too, hihintayin ko nalang na magkwento siya.
"You know what, may lakad ako bukas" bulong ko sa kanya.
"Hmmmm"
"Sa camp Vizcarra, may launching si Fanny Serrano" wika ko pa .
"I'll go with you" mahinang wika niya.
"Kaya ko naman pumunta mag isa" sagot ko. Baka ma issue pa kami. Hindi panga sila lumalabas ni Mary sa tv para iklaro ang kung anong meron o wala sa kanila.
Umiling na naman siya tsaka niya napagdesisyunang kumalas at tumingin sa akin.
"We will go, TOGETHER" pagdidiin niya sa huling sinabi. Tumango nalang ako.
I don't know what the future holds. Hindi ko alam kung magiging okay talaga kami ni Jacob. Madami pa kaming dapat ayusin sa isa't isa.
After an hour ay napagdesisyunan niya naring magshower at mahiga na. Ako naman?. I stayed up late dahil ginugol ko ang oras ko sa panonood sa kanya habang natutulog ng mahimbing. Hawak hawak niya ang kamay ko at halatang ayaw niyang bitawan.
Nang makaramdam ako ng antok ay nahiga narin ako ng maayos at yumakap sa kanya. Hindi na niya ako tinanong ulit ng tungkol sa kasal. Baka nagbago na ang isip niya?.
I don't know. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod pang bukas. Things will get complicated?. Huwag naman sana. Sana ay maging maayos na ang lahat sa aming dalawa at sa mga pamilya namin. Mahal ko si Jacob at mahal niya rin ako. Napakasimple nalang naman sana kaso, hindi ako gusto ng mama niya, may finacé siya at hindi ko alam kung okay naba ang bagay na iyan dahil wala naman siyang nababanggit sa akin. Natatakot din akong malaman na hindi pa, na kabit ako. Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako. Ano ba ang dapat kong gawin?..tama paba na mag stay ako sa relasyon na ito? When everyone tells me na hindi kami pwede?. Na hindi kami bagay?.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...