"We will" wika niya tsaka ako hinawakan ng saglit sa pisngi. Hinalikan niya ako sa noo. Akala ko ay aalis na kami ngunit mali. Naglakad siya papunta sa likuran ko kaya napaharap ako ulit sa mama niya dahil sinundan ko ang likod ni Jacob.
"Jacob!" Nakangiting wika ng mama niya tsaka siya hinalikan sa pisngi. Kapansin pansin ang pagpipigil ni Jacob. Hinayaan niya ang ina niyang halikan siya sa pisngi.
"I know you're here for Mary. She'll be here in a minute" nakangiting wika ng mama niya. Nakatayo lamang ako doon habang pinanonood sila.
"Ma, let's stop this" mahinang wika niya.
"Stop what?. Anak" kunot noong tanong ng mama niya at nagkukunwaring nagmamaang maangan at walang alam.
Hindi ko alam kung maiinis naba ako dahil umaakto siyang parang wala siyang ginawa sa akin. She smiled genuinely, o baka plastik?. Hindi ko nalang talaga mawari kung nagpapakatotoo ba siya sa harap ni Jacob ngayon. Natatakot din ako na baka mag away pa silang mag ina ng dahil sa akin. I don't want that to happen.
"You know I am here for Althea. . At hindi ko na hahayaang saktan mo pa siya" rinig kong wika ni Jacob.
Bumakas sa mukha ng ina ni Jacob ang pait dahil sa sinabi ng kanyang anak sa kanya.
"What are you saying? Anak. Your fiancé is Mary. Ano ba talagang ipinakain sayo ng babaeng yan at parang patay na patay ka sa kanya?" May galit sa mata niya nang lingunin ako.
"Because I am mom, at alam kong alam mo yon" may frustrations sa boses ni Jacob nang banggitin ang mga salitang iyon. Batid ko ay palaging sinasabi ni Jacob iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi matanggap tanggap ng nanay niya. Patay na patay si Jacob sa akin?. Minsan napapaisip narin talaga ako. May ipinakain ba ako kay Jacob at bakit ganyan siya sa akin?.
"Jacob! Naririnig mo ba ang sarili mo?!"napahawak na sa dibdib ang nanay niya at pakiramdam ko ay maiiyak na siya anytime.
"Maaa, please, just accept the company and let me go" nagulat ako dahil sa sinabi ni Jacob. He is giving that company up.
Lumapit ako kay Jacob.
"Jacob"
"Leave it to me" wika niya nang hindi ako nililingon. Nakatuon parin ang atensiyon niya sa nanay niya.
"Stop controlling me, mom. Please. Can I have my own life now?" Ramdam ko ang pagpipigil ni Jacob.
"Ano bang ipinasok ng babaeng yan sa utak mo?! Hindi ka naman ganyan dati, Jacob!" Galit na wika ng mama niya. Hinawakan ko na si Jacob sa braso dahil mas mabuti nalang na umalis kami doon. Punong puno ng camera ang paligid. Pansin ko. Alam ko.
"Jacob, let's go" mahinang wika ko. Hindi parin siya gumalaw.
"Itong babaeng to, ma? Itong babaeng ito ang nagturo sa aking magpatawad, I forgive you ma. Kaya tama na.
Please. . "Pagmamakaawa ni Jacob. Lumambot ang facial expression ng ina ni Jacob at tumulo nalang bigla ang mga luha sa mga mata niya dahilan para kabahan si Fanny na nasa tabi niya."Hindi ko siya matatanggap" iyon ang huling sinabi ng mama niya bago tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa amin. Doon lamang humarap si Jacob sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Hindi ako naiiyak. Hindi ako naluluha. Pero nasasaktan ako para sa lalaking mahal ko. Magkakalamat ang relasyon nilang mag ina ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang bigyan si Jacob ng sapat na pagmamahal para hindi siya makaramdam ng kulang. Alam kong hindi ko mapapantayan ang pagmamahal ng isang ina pero susubukan ko. Susubukan kong mahalin si Jacob ng higit pa sa inaakala niya.
Yung inaakala naming tapos na ay nagtuloy pa pala. Sa hindi kalayuan ay rinig namin si Fanny at ang ina ni Jacob na nagsasagutan. Shit. Puro gulo nalang ang dala ko. Kung alam ko lang na kapartner pala ni Fanny ang kompanya ng nanay ni Jacob. Hindi na sana ako nagpunta pa rito.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...