****
Maraming salamat po sa mga nagbabasa. Kung nagustuhan niyo po, maari po kayong mag iwan ng comment para ma recognize ko po kayo. Salamat po😘😘
*****"Baba na po kayo, naghihintay po si sir sa baba" nakangiting wika ng matanda pero ako ay hindi natuwa. This is kidnapping.
Tumango naman ako at sumunod nalang sa kanya. Mahaba ang daan papunta sa dining area.
Nakatalikod palang ang nilalang ay alam ko na kung sino. Bigla akong ginapangan ng kaba sa buong katawan. Natigil ako sa paglalakad nang nasa dalawang metro nalang ang layo ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung anong una kong aayusin. Kung ang damit kong lukot o ang mukha kong nangangasim sa kaba?.
"Tara na ma'am" napansin ata ng matanda ang pagtigil ko kaya lumingon siya sa akin at tinawag ako ulit.
Tumango nalang ako. This is a bad idea. He has a girlfriend, a fiancée to be exact. Hindi na dapat ako nandito.
Hinawakan ko ang kamay ng matanda para matigil siya sa paglapit kay Jacob.
"Nay. . Uuwi na po ako" mahinang wika ko.
"Mag almusal kana muna" wika ng matanda. Medyo napalakas iyon kaya't napalingon si Jacob.
Shit. Napangiwi nalang ako dahil doon. His eyes are still mad as before.
Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa mga tingin niya.
"Come and eat" matigas niyang wika tsaka bumaling na ulit sa harap ng hapag. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng inis. Una, anong ginagawa ko dito!
Umirap ako tsaka binitawan ang matanda. Aakma na akong tatalikod nang pigilan naman ako ng babae.
"Kain kana muna ma'am" seryosong wika niya.
"No thanks. Uuwi na ako" medyo malakas kong wika. Hindi parin siya lumilingon.
"Nasaan po ang damit ko, manang?" I asked her.
"Nasa laundry po. Dalhin ko nalang sa inyo" tumango naman ako at naglakad na paakyat ulit.
I ignored him this time. Like what he did to me months ago. Hindi ko nanga maalala kung kailan ba ang huling encounter naming dalawa. I chased him too much kahit masakit na masakit na. I believed in him, na sana ay bumalik siya sa akin. Na kahit nahirapan siya ay babalik siya at sasabihing "ayus na" pero wala. I waited for nothing. I waited for him but he gave up, he gave up on us. Hindi ko naman hinihiling na sana ay sa akin siya pero wala eh. He made me feel loved and wanted pero iniwan niya ako sa ere.
Pumasok ako sa kwarto at hinanap ang iba ko pang gamit. Nakita ko ang bag ko sa sofa. Kinuha ko iyon. Nang makarinig ako ng katok sa pinto ay dumeretso ako kaagad para buksan iyon.
Natulala ako nang makita si Jacob.
Tumitig lamang ako sa kanya pero hindi ako nagsalita. I run out of words. Lunok nalang ang nagagawa ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Here" wika niya tsaka inabot ang mga damit ko.
Tinignan ko ang ibinibigay niya pero wala akong lakas abutin iyon at kunin sa kanya.
"Go change" utos niya. Tinignan ko lamang siya ng masama. He is aware. Tinignan niya ako ngunit bumagsak ang tingin niya sa hindi ko alam kung saan. Basta hindi siya makatingin sa akin. At naiinis ako dahil doon.
Kinuha ko ang damit ko pero hindi ko isinara ang pinto. Nakakabastos pag ginawa ko iyon. Hinayaan ko lang siyang nakatayo sa labas. Pumasok ako sa banyo at doon nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko kaagad ang bag ko at isinukbit iyon sa braso ko.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...