IKALAWA

7.4K 132 0
                                    

Tumango nalang ako doon. Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa mga kasamahan niya. Lalo na doon sa nagmomonitor ng boto. I checked my phone at sinearched ang vote counts. Wala paring update. Maski ako ay kinakabahan.

"Hello, ma"

Nagulat ako nang biglang tumawag si mama.

"Anak, where are you?"

"Nandito sa bahay ni Gov"

"How many times do I have to tell you na tigilan mo na ang pagsama sama sa mga pulitiko?" May konting inis sa boses ni mama.

"Pero ma"

"Thea, your dad will not like it" wika ni mama.

"I'm fine" wika ko naman.

"Uuwi ka ng bahay next week, your dad will win again"

I just rolled my eyes dahil sa sinabi ni mama. Kelan ba natalo si dad sa eleksyon. Last term na niya ito at siguro naman ay magkaka oras na siya sa aming magkapatid.

"I don't want to" sagot ko.

Tumingin ako sa dereksyon ni Jacob, at nakita siyang nakatingin sa akin kaya kumaway ako sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti.

"You stubborn kid! Wala ka manlang bang konsiderasyon sa papa mo?" May inis sa boses ni mama.

"Ma, hindi naman ako kailangan ni papa, he's better off without me, diba nga?. I am his misfortune?"

Bumaling ako sa kabilang parte ng balkonahe para hindi ako makita ni Jacob.

"Thea, magkapatawaran na kayo ng papa mo, please, anak" lumambot ang boses ni mama.

"I'll try" sagot ko nalang.

"Salamat anak, see you" wika ni mama.

"Fine" wika ko pa.

Ibinulsa ko ang phone ko at naupo sa upuang nandoon. Tumingin ako sa kawalan at napaisip.

My dad is a successful lawyer bago siya pumasok sa politics, I am his only daughter kaya napaka higpit niya sa akin kaya ako naglayas well actually,more like PINALAYAS, pero alam din naman nila kung nasaan ako eh kaya wala ring silbi ang paglalayas ko. I don't want to get involve in my Father's business, pero hindi ko maintindihan kung bakit ako sumasama kay Gov at kay Jacob. I know a lot about politics dahil laging pinag uusapan ni mama at papa iyon kapag kumakain kami. Madumi ang mundong ito, maraming kalaban at ang iba ay namemersonal, ang iba ay nagagawa pang manakit ng iba, pumatay, nakakatakot ang mundong ito, natatakot ako para sa papa ko dahil alam kong marami siyang kalaban, magaling si papa, at masasabi ko na tuwid at tapat siyang namumuno.

"Hey" nagitla ako dahil sa nagsalita.

"Hi" bati ko naman tsaka bumaling sa kanya.

"Magpahinga kana muna" he said tsaka ini abot ang susi sa akin. Kinuha ko naman iyon.

"Salamat, mamaya nalang"

Tinignan ko ang oras mula sa relo ko at nakitang alas dose na pala, malamang ay kanina pa nagsimula ang bilangan.

"Nagsimula na?" Tanong ko pa.

Naupo siya sa tabi ko at tumango.

"I'm nervous" he said.

Napangiti na lamang ako doon. When I first saw him, para siyang yung taong walang kinatatakutan, he looks fearless, the way he looks at me the first time, para siyang mangangain ng tao but now, the person beside me is like a kid.

"You'll win" wika ko.

Naupo siya ng maayos sa tabi ko at huminga ng malalim.

I looked at him and scanned his face, he'll be a great leader, i can tell. He has these features na talagang magiging isang magaling na pinuno, he is a businessman, he leads kaya panigurado, madami siyang magandang magagawa para sa lugar namin.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon