IKA LABING SIYAM

3.3K 65 0
                                    

"Jem. . " tumingin sa akin ang medyo matabang lalaki pero hindi siya ngumiti.

"Anton" nakipag kamay sa akin ang pinaka malapit na lalaki. Humigpit naman ang hawak ni Jacob sa bewang ko kaya saglit lang akong nakipag kamay.

"Nasa loob sila ng van?" Lingon kong tanong sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at narealize ko na napakalapit niya pala sa akin.

"Yes"

Inutusan niya ang mga tao niyang mag handa na dahil aalis nanga kami.

Pagdating nga tanghali ay nagbihis na kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pinagsusuot niya ako ng isang leather jacket. Binigyan niya rin ako ng isang high cut na rubber shoes. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon pero isinuot ko nalang.

"Sa likod tayo dadaan" he said. Nagsusuot din siya ng sapatos.

"What's this for?" Tanong ko sa kanya. Tumayo ako nang maisuot ko lahat ng binigay niyang dapat kong suutin.

"We are riding a motor" he said tsaka tumayo na rin. Now, we look like a rider.

Lumabas kaming dalawa dahil doon. May gate sa likod ng bahay niya at nakita ko ang isang motor na mataas pero sakto lang sa kanya. It looks like a ducatti.

"Lalabas ang van sa harap tapos tayo, lalabas dito sa likod. We are going to ride the chopper sa Ramon, sa may Magat" he said.

Tumango nalang ako. Humarap siya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.

Isinuot niya sa ulo ko ang helmet. Hindi ko alam pero kumalabog na naman ang puso ko dahil doon. Nagtagal siya sa paglalagay ng lock ng helmet ko.

Pagkatapos niya doon ay isinuot niya na ang helmet niya.

Sa hudyat niya sa mga tao niya ay lumabas na kami sa gate sa likod ng bahay niya. Maiiwan pa daw sila para hindi matunugan ng mga tao kung anong oras kami umalis at para hindi kami masundan.

Hindi ako kumapit sa bewang niya dahil nahihiya ako pero nagulat nalang ako nang bigla niyang mahanap ang kamay ko at inilagay iyon sa bewang niya.

"Hold tight" wika niya.

Dahil doon ay lumapit nga ako sa kanya.  Ang dalawang kamay ko ay ikinapit ko sa bewang niya. I can feel his breathing dahil doon. Hindi naman traffic kaya mabilis ang patakbo niya. Dumaan kami sa San Mateo, ang daan kung saan sinasabi nilang maraming natatambangan pero maliwanag pa naman kaya safe pa. May nakasunod din sa aming van na kulay itim. He told me that those are his men.

Nang makarating kami sa Magat Dam ay agad isinara ng guard ang gate para walang makapasok. Pumunta kaagad kami sa chopper na nasa may helipad. Nang ready na ay siya narin mismo ang nagpaandar noon. Nakita ko pang humahabol si Jem, nang makasakay siya ay umalis na kami kaagad doon.

"Negative, sir" iyon lang ang nasabi ni Jem. Ang durasyon ng byahe namin ay tahimik. Tanging ang chopper lamang ang maingay. Ayoko din namang storbohin si Jacob dahil alam kong nag coconcentrate siya kaya tumingin nalang ako sa labas at nakita kung gaano kataas ang lokasyon namin ngayon. Nakamamangha ang paligid.

Ang kulay berdeng taniman ay nagmumukhang maliit dahil nandito ako sa itaas. Napaka aliwalas tignan ng aming probinsiya. I would always love to live here. Pero bakit nagkakaganito, anong nangyayari?.

Ilang minuto pa ay lumapag ang chopper sa helipad ng isang building. Nasa isang liblib na lugar ito pero alam kong nasa Aurora na kami dahil nakapunta ako dito noon. Namasyal lang. That was last year. Bumaba kami sa chopper.

Jacob was serious at hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi.

Tumayo siya sa gilid ko at hinihintay akong makapag ayos dahil nagulo ang buhok ko sa lakas ng hangin nang bumaba ako.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon