IKATLO

6.1K 125 0
                                    

I don't know. I just don't like eating street foods. Pakiramdam ko ay masama talaga iyon sa tyan.

"Wala, natatakot kasi ako" sagot ko naman.

I heared him chuckle a bit. Damn. Ang gwapo ng tawa niya.

"We should try it. May restaurant akong alam na ang specialty ay street foods. Don't worry. Safe doon" wika niya tsak iniliko ang kotse sa isang pang one way na daan. Maliwanag ang paligid dahil anong oras palang naman.

"Okay" sagot ko nalang.

100 meters lang ata ang daan na pang one way. Paglabas doon ay bumungad na sa amin ang highway. Itinigil niya ang kotse sa harap ng isang restaurant. Mukha ngang maayos naman ito. Bumaba siya sa sasakyan pero hindi pa niya pinapatay ang makina. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka ako bumaba.

"Hintayin mo ako dito? Okay" utos niya sa akin. Tumango nalang ako habang pinanonood siyang pumasok sa kotse niya. Sinundan ko ng tingin iyon at nakitang pumasok sa isang garahe na nasa tabi lang ng restaurant. Ako naman ay naglakad na palapit sa pinto.

"Tara?" Pag aaya niya nang makalapit sa akin.

Pagpasok namin ay puro usok ang loob ng restaurant. Damn. Pero mabango at amoy masarap ang usok. Pagtingin ko sa mga table ay may ihawan sa gitna nito. At ang mga kumakain mismo ang nag iihaw ng pagkain nila.

"Sir Jacob" bati ng lalaking naka apron ng black. Ngumiti naman ako doon.

"Trev, sa VIP" wika ni Jake.

Tumango naman ang lalaki at iginaya kami sa makipot na daan. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Jacob ang kanang kamay ko. Pang isang tao lang kasi ang kasya sa daanang iyon. Nasa unahan ko siya at hawak hawak niya ang kamay ko. Kumabog ng bahagya ang marupok kong puso.

"Dito po" binuksan ng lalaki ang pinto sa harapan.

Pumasok kami doon. Oo nga. VIP nga talaga ito. May pagka Japanese style ang ambiance at walang upuan sa loob pero may lamesang mababa at iba ang design ng ihawan. Hmmm. Naglakad kami papunta doon at naupo. Si Jacob ay nasa tapat ko, nasa pagitan namin ang lamesa.

"Order na tayo" wika niya tsaka tinignan ang menu. Ini abot niya rin sa akin ang isa.

Pagtingin doon ay nagulat ako sa presyo. What???. Talaga??. Ang pinaka mura lang ay 499, yun na yung pinaka maliit na bucket ng street foods. Ang mahal naman.

"Kahit ano na" wika ko naman.

Tumango tango siya doon at kinausap si Trev.

"Trev, give us number 5 and 6"

Isinulat naman ng lalaki ang order namin. Tinignan ko iyon sa menu at nalula sa presyo. Damn. Apat na libo?. Para sa ihaw ihaw??.

"Thank you" bati ni Jacob.

Lumabas ang lalaki at naiwan kaming dalawa ni Jacob sa loob.

"Be ready tomorrow"

Tumingin siya sa akin at ganun din ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.

"Ipapakilala kita bilang first lady ko" seryoso iyon at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla.

"Sira" pagwawala ko sa kabang nararamdaman ko.

"I'm sure I made it clear, 3 years ago and earlier" wika niya pa.

Oo nga. Naaalala ko. Noong pumunta kami sa Canada para sa Ad ng kompanya niya ay inaya niya rin ako sa date pero tumanggi ako. Sinabi niya ring liligawan niya ako pero tatlong taon na ang nakalipas ay wala naman siyang ginawa kundi ang magmessage. Ni hindi siya nagpakita noong pasok o sa kahit anong okasyon.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon