Tumayo ako at uminom ng tubig.
"Bakit ka nandito?" I tried to sound cold.
"Are you mad at me?" Tanong niya.
Halata sa itsura niya ang frustrations dahil doon.
"Wait lang hah" wika ko tsaka nagmadaling pumunta sa kitchen.
Nagmumog nalang ako at nagmouth wash.
Pagbalik ko ay naka upo na si Jacob sa sofa.
Lumapit ako sa kanya kaya tumayo siya.
"Can we talk?" Paki usap niya. Tumango naman ako.
"Sa labas?" Pag aaya niya at aamba na sanang lalabas pero pinigilan ko siya.
"Hindi" wika ko.
Hindi pwedeng makita kaming magkasama sa labas. Magagalit si papa.
"Why?" Kunot noong tanong niya.
Naglakad ako papunta sa likod ng studio. May konting space pa kasi doon at naglagay ako ng coffee table.
"Althea"
"Upo ka" wika ko nang makaupo ako.
Umupo nga siya sa upuan na nasa harapan ko.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"No, busy lang ako" sagot ko naman. Humalukipkip ako at sumandal sa upuan.
"Ganun naba karami ang trabaho mo? Ni hindi ka makapagtext?" Kunot noong tanong niya. Inilapag pa niya ang kanang kamay sa mesa na parang sinisisi niya ako sa hindi ko pagtitext.
"Oo" sagot ko nalang.
"Are you mad at me? For what I did?" Mahinahong tanong niya.
"No, madami lang akong iniisip ngayon" tumingin ako sa kaliwa para hindi ko siya makita.
"Althea, hindi ko alam kung anong iisipin ko sa assembly habang hindi ka nagtitext"
"Akala ko, iniiwasan mo ako"
"What if I do?" Kunot noong tanong ko.
Tumingin ako sa kanya at nakitang kumunot ang noo niya. Halatang naiinis. Aba?.
"Ano bang ginawa ko Althea? Tungkol ba to sa halik? Nagulat ba kita?"
Lumambot ang ekspresyon niya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. Hindi naman ito dahil doon. Naalala ko na naman iyon. Nahihiya ako.
"Jacob, mas mabuti siguro kung layuan mo na ako ng tuluyan" mahinang wika ko.
"What??" Tanong niya tsaka hinawakan ang kamay ko.
"I'll change, may ayaw kaba sa akin? I'll change Althea" pagkukumbinsi niya sa akin.
"Hindi, governor kana. You should focus on your work, plus, may kumpanya kapa" wika ko sakanya. Umiling iling naman siya doon.
"Don't you like me?" Hopeless niyang tanong. Tumingin lamang ako sa kanya at hindi sumagot.
"May ayaw kaba sa akin?" Hindi parin ako sumagot at halatang natatakot siya.
Takot? Takot na oo ang isagot ko, ganun kaya?. Ayokong mag assume.
"Layuan mo na ako, Jacob. I am no good for you" wika ko tsaka binawi ang kamay kong hawak niya. Nakita ko pa ang pag iinsist ng mukha niya doon pero wala siyang nagawa.
"Althea, I will change" paulit ulit niyang wika.
"Don't reject me, please"
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya ka persistent sa akin. Sino lang naman ako?.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...