IKA - APAT

5.3K 119 1
                                    

"Thank you" sagot ko nalang tsaka hinila ang kamay ko. Napansin niya iyon kaya naupo nalang siya ng maayos at tumingin na naman sa harap.

Pinulot ko ang sandals ko sa sahig at tumayo na. Nagulat naman siya doon kaya bigla siyang napatayo dahilan para tumama ang kanang braso niya sa kaliwang braso ko, buti nalang at nahawakan niya ako sa magkabilang braso.

"I'm sorry" wika niya.

Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya. With the inch gap, pakiramdam ko ay nahuhulog ako sa isang kumunoy, mahirap maka ahon.

"Give me time" wika ko sakanya.

Hinawakan naman niya ako sa magkabilang braso, hindi ko alam kung anong balak niyang gawin. He is looking at my eyes, ang kulay asul niyang mga mata ay nangungusap.

"Please, Althea, I'll protect you" wika na naman niya. Hindi ko maintindihan. Bakit mo ako kailangang protektahan?.

"Jacob" wika ko. Gusto kong pumalag. Gusto kong tanggalin ang hawak niya sa braso ko pero hindi ko magawa.

Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, ang mga mata ko ay mistulang naduduling dahil sa palipat lipat na tingin ko sa magkabilang mata niya.

"Jacob" halos pabulong na iyon dahil amoy na amoy ko na ang mint sa bawat niyang paghinga.

No heart. Don't beat too fast.

"Althea" he said my name. I closed my eyes for it. Hindi ko sinasabing hinihintay kong halikan niya ako pero parang iyon ang pinaka tamang gawin sa mga pagkakataong iyon.

In a second, i felt his soft and hot lips in mine. Dampi lang iyon noong una ngunit nang tumagal ay lumalim ito. I opened my mouth because he is seeking for an entrance at pinayagan ko siya. My heart is pounding habang hinahalikan niya ako. Tumigil siya at ganun din ako. I slowly opened my eyes, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko kaya gamit ang mga daliri niya ay pinunasan niya iyon..

"You deserve all the love in the world, Althea. And I am willing to give it to you" mahinang wika niya. Rinig na rinig ko iyon dahil ilang pulgada lang naman ang pagitan niya sa akin. Halos magkadikit narin ang mga katawan naming dalawa.

"Uuwi na ako" wika ko naman sa kanya. Ni hindi ko siya matignan sa mga mata dahil sa sinabi niyang iyon. Awkward. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Tumango tango siya.

"Ihahatid na kita" wika niya.

Umiling ako doon. Hindi. Huwag. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Hindi na. Hindi pa tapos ang party mo" pagpipigil ko sa kanya. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.

"No, ihahatid kita" pagmamatigas niya. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob at pumasok sa isang kwarto. Nasa dalawang minuto ata ang iginugol niya sa loob. Akala ko ay wala na siyang balak lumabas. Paglabas ay may dala siyang tsinelas na pang lalaki. Now. Hindi nga ito hotel room, pent house niya ito.

"Wear these" utos niya sa akin..ibinaba niya ang tsinelas sa tapat ng mga paa ko. Isinuot ko naman iyon.

Paglabas ay naglakad kami sa hallway papunta sa likod ng hotel dahil nandoon ang garahe. Iginaya niya ako sa kotse niya. Binuksan din niya ang pinto at hinintay akong pumasok bago niya isinara. Pagsakay niya ay umalis narin kami doon. Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Hindi parin kasi maproseso ng utak ko na pumayag akong halikan niya. I gave him the way. Parang, binigyan ko siya ng permiso. Pakiramdam ko ay tinraydor ko ang sarili ko dahil sa ginawa kong iyon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit parang ayokong matapos siya kanina. Pakiramdam ko ay nadismaya ako nang tumigil siya.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon