IKA WALO

4.1K 92 0
                                    

"Anong sabi mo?" Tanong ko na naman.

"Sabi ko, sorry po. Sarado po ang studio ngayon, actually ate, yung PA niya ata iyon"

Si Mary Calmer, iyong artistang kasama ni Jacob nang muntik akong mabangga. Iyong babaeng kung makapulupot ng braso kay Jacob ay akala mong pag aari niya. Yung tipong ang tingin sa sarili ay napaka ganda. Duh!. Hindi ako nagseselos. Hindi. Hmm.

"Very good, Bet, huwag tayong tumanggap ng artista, mahirap yun" wika ko.

Imbes kakaunti lang ang kliyente namin ay dadami pag ganun. Hindi naman sa ayaw ko ng trabaho pero, basta, ayokong maging sobrang busy.

"Have you eaten?" Nagulat ako dahil sa biglang pumasok. Napalingon kaming dalawa ni Betty doon.

Naglakad palapit sa akin ang nilalang na napaka ganda ng hubog, mukha siyang macho dancer sa isang sikat na club, hindi, joke lang, mukha siyang artistang heartthrob na nalaglag mula sa lupa. He is perfection. Naka suot siya ng suit at halatang kagagaling lang sa interview, oo nga pala. Ibig bang sabihin nun ay dumeretso na siya kaagad dito?. Why is he doing this to me?

"Ahh oo" antagal kong binawi ang pagkakamangha ko sakanya.

He is too hot to handle. Hindi kami nababagay sa isa't isa. I know that.

"Magpapadeliver nalang ako dito" wika niya tsaka dumeretso sa akin at inilapat ang likod ng palad niya sa noo ko. Dahilan para mapatitig nalang ako sa kanya.

"Hindi na, Gov, hinintay ka lang talaga namin kasi uuwi na sana kami" pagsingit ni Betty kaya napabalik ako sa ulirat.

"You're not well, yet" baling niya sa akin.

"I am . . Betty!"  Tinawag ko si Betty.

"You can't go" pagmamatigas niya.

"Gov, madami pa kaming trabaho, okay?" Wika ko na.

Ibinaba ko ang mga paa ko sa sahig. Nasa tapat ko na siya actually.

"Althea, you're health is more important here, anong work ba yan?" May inis sa boses niya.

Pakiramdam ko nga ay nainis na siya. I mean, he is tired, dumeretso siguro siya dito, thinking na makakapagpahinga siya.

"With Mary Calmer" deretso sa matang wika ko.

Natigil siya ng bahagya doon at mistulang may inisip.

"What?" Kunot noong tanong niya.

"Oo, she wants me to be her photographer, kaya pwede? Uuwi na kami"

Tinawag ko ulit si Betty para isakay na ako sa wheelchair. Dinaluhan naman niya ako. Tutulungan pa sana ako ni Jacob pero inirapan ko siya kaya napa atras siya.

"Huwag mong tanggapin" seryosong wika niya nang maka upo ako sa wheelchair.

"Why not?" Tanong ko.

Mukhang nag isip na naman siya bago sumagot. Napakahirap bang sumagot? Hah. Jacob

"Its not good for you, hindi ka pwedeng ma stress" wika niya.

Sus. Maniwala naman sayo. Haha.

"Okay lang, artista yon eh" sagot ko sakanya.

"Don't take it" utos niya.

Umirap nalang ako doon.

"Betty, tara" pag aaya ko kay Betty. Nahawakan na niya ang handle ng wheelchair.

"Althea, don't take it" hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya ngunit nakatingin siya sa akin.

"Bakit naman?"

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon