Umiling iling ako doon.
"Ate, inaapoy ka ng lagnat!" Alalang wika niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at naki usap na sana ay tulungan niya ako para maka upo. Kaya inalalayan niya ako.
"Order ka nalang . . . Ng foods " hinawakan ko pa ang leeg ko dahil sumasakit ang lalamunan ko.
"Opo ate" sagot niya tsaka lumabas na.
Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain. Kahit mahirap ay sinubuan nalang ako ni Betty. Damn it. Hindi ko akalain na magiging ganito ang epekto ng pagbibisekleta ko. Sana ay hindi nalang ako pumunta.
Pagkatapos kumain ay nahiga na ako ulit at natulog. Nagising ako dahil sa boses ba nanggagaling sa studio.
"Where is she?" Boses palang ay kilalang kilala ko na.
"Gov, ahmm. " betty! Bakit hindi ka sumasagot. Itaboy mo. Utos ng utak ko.
"I know she's here, we've talked yesterday" pamimilit ni Jacob.
Wala na akong narinig na salita doon. Pero naramdaman ko ang pagbubukas ng pinto ng kwarto ko.
"Damn" narinig ako ang marahang mura ni Jacob. Kahit nakapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko ay alam kong siya iyon. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya.
"Kagabi pa po ata siya ganyan, Gov. Kumain naman po siya kanina" si Betty. You're not helping bet.
Naramdaman ko ang mainit na palad na lumapat sa noo ko. Mainit iyon at tila kuryente na dumaloy sa katawan ko.
"Betty, prepare her things, dadalhin ko siya sa hospital" naramdaman ko ang pag upo ni Jacob sa gilid ng kama kung saan ako nakaharap.
Tinulungan niya akong umupo. Ibinangon niya ako. Shit. Ang sakit sakit ng paa ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng paa ko. Hindi pa iyon nakikita ni Betty dahil naka kumot ako.
"Aray" mahinang daing ko nang makaupo dahil sumagi ang kumot sa paa ko.
"Nasaan ang masakit?" He asked.
Ang mukha niya ay nasa tabi na ng mukha ko. Ramdam na ramdam ko iyon. Kulang nalang ay halikan niya ako sa sobrang lapit. Pero hindi yan ang nasa isip ko ngayon. Ang iniisip ko ay kung paano ko matatakasan ang sitwasyong ito. Baka magtaka siya pag nalaman niya na nasaktan ang paa ko dahil sa bisekleta.
"Wala" mahinang wika ko.
"How did this happen? Okay ka lang naman kagabi" may pag aalala sa boses niya. Tell me, its real.
"Gov"
Ibinukas ko ang mata ko para makitang inabot ni Betty ang isang bag kay Jacob."Can you walk?" Tanong niya.
Umiling ako doon.
Mula sa likod ay hawak niya ang magkabila kong braso. Hinahanda niya ako para akayin pero umiling ako. Hindi pwede . Sobrang sakit ng paa ko at mistulang namaga na, lumobo ito.
"Althea"
Tinanggal niya ang kumot na bumalot sa mga paa ko at tanging mahihinang mura nalang ang naririnig ko.
Hinawakan niya ang itaas ng paang may pasa at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. Ang mukha niya ay mistulang nagtataka ngunit mas nangingibabaw ang pag aalala.
"When did this happen?" Tanong niya.
Hinawakan niya ang likod ko gamit ang kanan niyang kamay at ang kaliwa ay sumiklop sa mga binti ko. Naisandal ko na lamang ang mukha ko sa braso niya, ni hindi ko magawang hawakan siya dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...