Chapter 1: Paano Nag simula

8.9K 76 9
                                    


Lisa's POV

Papunta ako ngayon sa Big Burger kung saan nandoon ang mga kaibigan ko. Nag kaayaan kasi kami na kakain dahil wala naman kaming pasok ngayon.

"Lisa! Lisa, dito!" Rinig kong sigaw ni Miyeon na nakaupo sa isang table habang kumakaway saakin. Agad naman akong lumapit sakanya. Katabi nya si Soojin, at may kaharap silang dalawang babae.

"Lisa, eto nga pala si Sana saka si Jennie, friends namin sa University." Pakilala ni Soojin sa dalawang babae sa harap nila.

"Hello." Bati ko sakanila ng nakangiti at nakipag kamay.  Agad ko naman napansin yung babaeng may matatambok na pisngi.

Jennie, kay gandang pangalan at walang dudang kasing ganda nya din.

Jennie, kay gandang pangalan at walang dudang kasing ganda nya din

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

At dahil gusto ko syang maging kaibigan ay tumabi ako sakanya. Syempre, mahirap ng palampasin ang pagkakataong makakatabi ka ng isang chix.

"Nakaorder na pala kayo." Sabi ko na tamang rinig lang ng katabi ko. Sinadya ko yun para mag simula ng unang pag uusap saming dalawa.

"Oo, inorderan ka na din nila." Sagot ni Jennie saka nya ko nginitian. Kay gandang tanawin. Gummy smile ang pinakawalang ngiti.

"Ah buti naman." Nasabi ko nalang. Kahit gusto ko syang kausapin ay natutuliro yung utak at puso ko. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko, nakakatameme ang ganda nya.

Habang nag dadaldalan yung mga kaibigan namin ay pareho lang kaming nakikinig sakanila. Hindi kasi ako palasalita na tao, at napansin kong ganun din pala sya. Sa araw na iyon ay wala kaming masyadong napag usapan, kaya nakuntento nalang ako sa pasulyap sulyap sa magandang binibini. Mabuti nalang at may mga pictures na inupload sina Miyeon kaya nalaman ko yung pangalan nya sa social media. Isang beses sinubukan ko syang kamustahin at sa swerteng dumadaloy sa dugo ko ay nag reply sya. At doon na nag simula ang pagiging mag kaibigan namin. Madalas na kaming mag kachat.

"Lisa! Tara, sama ka samin. Tapos naman na klase natin." Pag aya sakin ni Soojin. Pupunta nanaman sila kina Sana ngayon para mag bonding kasama ang buong tropa nila. Puro lang naman sila babae kaya safe ang lahat. Madalas na din akong kasama sa tuwing nag ba-bonding sila. Hindi ko nga alam bakit parang sinasadya nila para mapalapit ako kay Jennie.

"Mag kamukha kayo." Sabi ni Ate Minji, bestfriend ni Sana. Nandito na kami ngayon sakanila at nakaupo lang kami sa sofa nila habang nag kekwentuhan.

"Ha? Parang ang layo naman Ate." Tanggi ni Jennie nung mag katinginan kami.

"Oo kaya. Magkahawig na kayo. Magkapatid ba kayo na di nyo lang alam?" Seryosong tanong ni Ate Minji. Natawa naman ako. Kami? Mag kapatid? Wag please. Ayokong maging kapatid ang babaeng gusto ko.

Habang nag kekwento si Miyeon sa nangyare sa buong buhay nya, tahimik lang na nakikinig si Jennie sa katapat kong upuan. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi sya titigan. Parang araw araw ay lalo syang gumaganda. Parang araw araw lalo ko syang nagugustuhan. Hindi man kami palausap sa personal ay close naman kami sa chat. Pero sana pati sa personal. Ang hirap naman kasi maging mahiyain. Aish! Kelan ba hindi dadagain tong puso ko at makausap ko sya ng maayos.



EXtensyonOnde histórias criam vida. Descubra agora