Chapter 26: Dance with you

1.1K 29 0
                                    


JENNIE's POV

Isang linggo akong nag stay sa bahay na yon hanggang sa nakareceive ako ng tawag galing kay Chen. Gusto nya daw makipag kita sakin dahil may importante daw syang sasabihin.




Iniwan ko na muna don yung gamit na dala ko at si Champ. Bumili din si Lisa noon ng robot na lagayan ng pagkain ni Champ na kapag nadetect na lumapit sya doon ay automatic mag lalagay yun ng cat food. Para daw sa tuwing aalis kami ay hindi magugutom ang baby Champ nya. Spoiled talaga kay Lisa ang magiging anak nya.





Nakipag kita ako kay Chen sa isang coffee shop malapit sa condo nya.






"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong ko. Akala ko naman ay kasama si Lisa pero kaming dalawa lang ang nandito.



"Gusto ko lang ipaalam sayo na mamaya na ang uwi ni Lisa kasama si Chae. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit kita pinapunta." Sabi ng lawyer na kaharap ko.


"So bakit nga?"


"You'll need to attend the business gathering for new businessmen and women. You have an invitation, same as Lisa." Pag ka sabi nya non ay nilapag nya sa lamesa yung invitation card. Nakalagay ang pangalan ko don at pangalan ni Lisa. 




"Does it mean, kailangang mag kasama kaming pumunta?" Tanong ko. Isang invitation card lang yon at hindi ko alam kung maganda bang mag sama kaming dalawa. I mean gusto ko syang makausap pero hindi sa ganito kabilis na sitwasyon.

"Depende sa pag uusapan nyo." Nakangising sabi nya.


"Pag iisipan ko Chen. Tatawagan nalang kita pag nakapag decide na ako. Mauna na ako may pupuntahan pa ako." Sabi ko saka tumayo na. Gusto ko muna makausap si Jisoo about doon. Ayokong mag desisyon ng hindi nya muna nalalaman at sure akong ganun din si Lisa kay Chaeng.














Third person's POV


"Ready kana?" Tanong ni Lisa sa ka date nya.  Tumango naman ito. Aattend sila ngayon ng Young Entrepreneurs Party.

"Tara." Sabi ni Chaeng at kumapit na sa braso ni Lisa. Napag desisyunan ni Lisa na si Chaeng ang isama ng tumanggi si Jennie. Nalaman nya yun kay Chen kaninang umaga pag gising nila ni Chaeng. Di daw makakasama si Jennie as co-owner ng Jellysa dahil sya ang magiging date ni Jisoo. Invited din si Jisoo kasi sya ay isang shareholder sa isang sikat na Japanese Restaurant which was owned by a friend of her known as Momo.

Hindi naman makakatanggi si Jennie dahil girlfriend nya si Jisoo at sya lang ang inaasahan nitong makakasama.


Pag pasok ni Lisa at Chaeng sa loob ng event, namangha sila sa laki ng event hall. The owner of the hotel and the event sponsor was one person only. Pero wala sya sa event ngayon because of personal reasons but he made sure na magiging successful yon. Iniwan nya sa pangangalaga ng kanyang anak na si Bambam ang magiging takbo ng event.


"Ang gaganda naman ng mga suot nila." Manghang sabi ni Chaeng habang nakatingin sa mga bisita. Mga naka gown at dress ang mga girls at naka tuxedo naman ang mga boys.


"You're stunning Chae. Mas maganda kapa sakanila." Puri ni Lisa sa kadate.


"Alam ko." Saka sila tumawa at naupo na sa reserved seat para sakanila.


"Lisa? Wow. Andito ka rin pala. Good to see you here." Nakangiting bati ni Miyeon sa kaibigan.

Kasama sya sa reserved seat sa big round table kung saan nakaupo sina Lisa at Chaeng.


EXtensyonWhere stories live. Discover now