Chapter 10: Kim Jisoo is better than Lisa Manoban

1.3K 21 6
                                    

JENNIE's POV

"Tara. Gala tayo?" Aya ni Jisoo saakin. Kakatapos lang kasi ng shift namin.Tuwing weekends kasi wala naman pasok sa university kaya maaga pasok at out namin sa work.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya na nakakunot ang noo.

"Sama tayo sakanila oh." Turo nya dun sa mga katrabaho namin.

"Saan ba sila pupunta?" Tanong ko uli. Medyo wala kasi ako sa mood dahil sa away namin ni Lisa at nauwi lang sa break up. Pero ayoko muna syang makita. Baka umiyak lang ako kapag nakita ko sya. Ayokong mangyare yon.

"Girl! May nag chat sakin, hinahanap ka." Sabi ni Whee In habang nakatingin sa phone nya.

"Sino?" Tanong ko. Kinakabahan ako baka Lisa yun.

"Lisa Manoban." Sagot nya at iniharap sakin yung screen.

Lisa Manoban

Hello.
Katrabaho ka ni Jennie di ba?
Nandyan ba sya?
Pakisabi iintayin ko sya.
(Seen 5:09pm)

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at takot. Ayokong makita si Lisa. Pag tapos ng pag aaway naming dalawa.

"Pakisabi naman na hindi mo alam kung nasan ako at kung sino kasama ko." Sabi ko sakanya.

"Okay." Sagot ni Whee In. Buti nalang at madali syang kausap. Hays ayoko makita si Lisa. Hindi ako handa na harapin sya. Stress ako sa work tapos dadagdagan nya pa.

"So ano? Sama ka samin?" Tanong ni Jisoo na may malapad na ngiti.

"Saan ba yan?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan masaya ka lang." Natatawang sabi nya.

"Sira." Natatawang sabi ko din. Hindi talaga sya nawawalan ng pag aalala sa nararamdaman ko. Kahit hindi ko sabihin, nararamdaman nyang hindi talaga ako okay.

"Kain muna tayo bago tayo umalis." Aya nya.

"Sige." Pag sang ayon ko dahil gutom na din talaga ako.

"May alam akong masarap na kainan dito." Sabi nya at nag simula ng mag lakad. Nasa loob kami ng mall kasi nasa likod lang naman nito ang telexperts.

"Sige nga tikman natin yan." Pag hahamon ko. Gusto kong kumain ng masarap ngayon.

Stress eating. Woa Jennie easyhan mo lang baka lumobo ka.

Bigla ko namang naisip na ang laki ng pag kakaiba nila ni Lisa. Si Lisa kasi yung tipo ng tao na ikaw ang pipili sa lahat ng bagay, yung binibigyan ka nya ng freedom para piliin at gustuhin yung mga bagay na gusto mo talaga.

Pero si Jisoo naman ay yung tipo ng tao na gusto nyang ipa experience sayo yung mga bagay na alam nyang magugustuhan mo, yung taong confident sa mga kagustuhan nya at gusto nyang ishare sayo.

Yung bagay na nag kukulang kay Lisa...





Confidence.



Na punong puno sa pag katao ni Jisoo.



At minsan kailangan ko ng gantong klase ng tao sa buhay ko.

Pag dating sa restaurant na gusto nyang kainan namin ay namangha ako sa aliwalas na lugar. Hindi na ako mag tataka kung magugustuhan ko nga ang pagkain dito. Filipino-Italian restaurant sila na may mga dim yellow lantern sa paligid. Para syang isang luxurious restaurant sa ibang bansa.

Si Jisoo na din ang umirder ng kakainin namin. Gusto nya daw matikman ko ang best selling at specialty nila dito.

"Masarap di ba?" Nakangiting tanong nya.

"Woa. The best to!" Sagot ko habang naka thumbs up bago tuluyang kumain ng Chicken Rollatini na sobrang sarap, sorry favorite ko ang chicken e. At Filipino-Italian Tomato Soup. Wow! Hindi ko alam na magugustuhan ko pag pinag sama ang Fil-Italian Foods.

"Masaya akong nagustuhan mo at nag eenjoy ka." Nakangiting sabi ni Jisoo. Ngumiti din ako dahil sa tuwa na nag effort pa syang dalhin ako dito para lang gumaan ang pakiramdam ko.

Pag tapos namin kumain, pumunta na kami sa parking lot dahil doon ang kitaan namin nila Whee In, Jinho at Chaeryeong.


"Oh tagal nyo ah? Kumain lang ba talaga kayo?" Pang bibiro ni Jinho. Binatukan naman sya agad ni Jisoo.


"Ano pa bang ginagawa sa restaurant ha Jinho?" Sabi nito.


"Malay mo, may lovey dovey pang kasama." Pang aasar pa ni Whee In.

"Ayan nanaman kayo. Baka mamaya mapikon na si Jennie nyan." Pag papatigil ni Jisoo sa mga katrabaho.

Tumigil na sila at pumasok na kami sa kotse ni Jinho. Si Jinho ang driver at si Whee In ang nasa Shotgun seat. Sa back seat naman si Chaeryeong, ako at si Jisoo.


Naalala ko naman bigla si Lisa. Nasan na kaya sya? Umuwi na sana sya.

Dahil sa nag aalala pa din naman ako sakanya ay nag bukas nalang ako ng phone ko baka nag message sya sakin.

Love ❤️

Nasaan ka? Pumasok ka ngayon di ba?

Nasa telexperts ka? Iniintay kita.

Nasa labas ako. Mag usap tayo.

Jennie, please.

Hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nag uusap.

Umuwi kana Lisa.

Ayoko.

Kakasakay ko lang. Kaya umuwi kana.



Pag tapos non ay inoff ko na yung phone ko at napabuntong hininga. Nakuha ko naman ang atensyon ni Jisoo na ngayon ay nag aalalang nakatitig sa akin.


"Uh, mga dude next time nalang tayo tumuloy. Baba nyo nalang kami dun sa terminal." Sabi ni Jisoo sa mga katrabaho namin.

"Oh bakit?" Takang tanong ni Whee In.

"Mukhang pagod na si Jennie e. Next time nalang dude." Sabi ni Jisoo na pinag simulan nanaman ng kantyawan.

Napangiti nanaman ako ng bahagya sa inasal ni Jisoo. Ramdam na ramdam ko kung gaano sya kaalert pag datin saakin. Na kapag hindi ako okay ay kaya nyang ikansela ang lakad namin. Pero kung si Lisa yan ay pag sinabi nyang dapat matuloy kahit na hindi okay sakin ay gagawa sya ng paraan para ituloy pa din.

Sobrang layo nila sa isa't isa.

Nakikita kong mas gusto ko yung ugaling pinapakita sakin ni Jisoo ngayon kesa yung ugali ni Lisa.

Pakiramdam ko nga mas better si Jisoo sakanya, kasi hindi naman siguro ako maguguluhan ng ganito kung sa tingin ko ay sapat na si Lisa saakin. Nawala na siguro yung pag mamahal ko sakanya dahil sa mga bad sides nya at yung pag loloko nya sakin ng isang beses. Dahil don, nag bago yung tingin ko sakanya. Hindi ko na maibalik yung dating ako na ayaw ko syang mawala sakin. Ngayon, kahit hindi ko sya makita ay okay lang.

Sa tingin ko, si Jisoo ang taong para saakin. Si Lisa, madami pa naman syang makikilala, yung babaeng mas deserving sakanya. Hindi ko sya kayang piliin sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong sobrang mali ng gagawin ko pero wala, hindi ko na kaya mag stay sa kung anong meron kami ni Lisa noon. Lahat ng yon nag bago mula ng pumasok ako sa telexperts, nag bago ang tingin ko sa mundo. Mas lalong lumawak ang mundong ginagalawan ko. At lahat ng yon ay dahil kay Kim Jisoo.

--

EXtensyonWhere stories live. Discover now