Chapter 4: She's my home

1.9K 44 2
                                    

Lisa's POV

Napatayo ko na yung bahay na titirahan namin ni Jennie kapag ikinasal kami. Paano ko naipatayo? Simple lang. Napag desisyunan namin na mag simula ng maliit na business at tinawag namin yong Jellysa Sweets meaning puro sweets and desserts lang tulad ng Jellies and Gummies in ice cream or ice cream flavored Jelly, unicorn gummies na kulay pastel pink and baby blue, at bouquet of roses na gawa sa pastilla. Nag simula kami nung nag four months yung relationship namin at 3rd month ng baby namin. Minsan ay nag aalok kami sa mga friends namin at classmates, tinulungan din kami nina Miyeon at Soojin, pati na rin sina Hwasa at Yoonie. Kaya unti unti lumalago yung kinikita namin. Nag ipon kami galing don na hindi ko inakala na ganun pala kalaki ang maiipon namin kaya pag lipas ng tatlo pang buwan ay malapit ng sumakto ang pera sa pag papatayo ng bahay sa lupa na pag aari ng pamilya namin. Pinayagan ako ni Mama na buohin doon ang bahay na gusto ko at dinagdagan nya ang pera namin para maipagawa na iyon agad. Dalawang buwan lang ang nakalipas ng matapos na ang bahay na ako mismo ang nag disenyo, mahilig kasi akong mag sketch ng mga bahay. Dalawang buwan nalang at isisilang nya na ang anghel ng buhay namin. Nakaisip na din kami ng ipapangalan sakanya. Leo. Leo Kim-Manoban ang magiging pangalan ng baby namin.

Dito na ako tumutuloy sa bahay na pinagawa namin. Minsanan naman ay dito tumutuloy si Jennie, patakas syang nag dadala ng damit dito tuwing may pag kakataon sya para may maisuot sya kapag nag stay sya sa bahay. Kapag nandito sya ay hindi nya nakakalimutang asikasuhin ako na para bang mag asawa na talaga kami. Kitang kita ko yung pagiging wife material ng girlfriend ko, at hindi ako nag kamali na sya ang minahal ko. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama ang babaeng to at bumuo ng future kasama sya.

Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi na to tulad ng mga nakaraan kong karelasyon. Seryoso na ako ngayon at pang habang buhay na ang nararamdaman ko ngayon. Si Jennie ang pang habang buhay ko.

"Jennie, I love you." Sabi ko sakanya. Nanunuod kasi kami ngayon ng movie. Dito sya mag papalipas ng gabi dahil miss nya daw ako. Sa tingin ko ay ako ang pinag lihihan ng girlfriend ko, kaya malamang ay kamukhang kamukha ko ang magiging anak naming dalawa.

"I love you too Lisa." Sagot nya at niyakap ako. Pag tapos namin manuod ng movie ay umiiyak sya.


"Love, palabas lang yun. Wag kana umiyak." Pag papatahan ko habang hinahagod yung likod nya.


"E kasi naman e hindi ko matanggap ang ending ng story. Bakit kailangan mamatay yung babae. Dapat nag katuluyan nalang sila." Sabi nya at tuloy pa din sa pag iyak. Hinayaan ko nalang muna sya umiyak habang yakap ako at mga ilang minuto ay tumigil na din sya. Sa totoo lang iyakin kasi talaga sya pag dating sa mga movie na pinapanuod namin.


"Mag palit kana ng pantulog love at matutulog na tayo. Bawal ka mag puyat." Sabi ko habang inaayos yung nagulo nyang buhok. Tumango naman sya dahil siguro sa pagkaubos ng lakas nya kakaiyak. Pagtapos nya mag palit ay nag palit na din ako. At pag tapos non ay natulog na kami.


Nagising ako ng marinig ko yung alarm ng phone ko. Kinapa ko naman si Jennie sa tabi ko pero wala sya dito kaya napabangon ako. Tumayo ako at hinanap sya sa cr pero wala sya roon kaya lumabas na ako ng kwarto at nakaamoy ako ng nakakagutom na amoy. Agad akong kumaripas sa kusina at napangiti.

Nag luluto sya ng pancake at nang mapansin nya ako ay ngumiti sya.

"Goodmorning gorgeous." Bati ko sakanya.

"Goodmorning love." Sagot nya din. Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya sa likod. Pinatong ko yung baba ko sa balikat nya.

EXtensyonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora