Chapter 31: Reason

1.2K 34 5
                                    


CHAENG's POV

Paano ba ako mag sisimula?

Kinakabahan ako! Kanina pa ako kinakabahan simula ng tanungin nya ako kung may nagugustuhan ba ako. Paano ko ba aaminin sakanya? Magagalit kaya sya?



"Chae. Ayos ka lang?" Tanong ni Bambam habang inaayos yung butones ng pajama nya.


"Oo naman." Sagot ko saka tumungga ng tubig sa basong hawak ko.



"Okay. Tulog na ako ah. Goodnight."


"Night Bam." Walang ganang sagot ko. Ngumiti muna sya sakin bago nya ako iwan dito sa kusina.



Matatanggap kaya ni Lisa? Hindi kaya sya magagalit? Maiintindihan nya kaya ako? Sana naman oo kasi hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi nya ako pansinin pag nag kataon. Ang haba na ng nilakbay namin na mag kasama at hindi ko kayang bigla nalang yun mawala dahil lang sa nararamdaman ko.



Nagulat ako ng may taong nag patong ng isang bote ng whiskey sa harapan ko.



"Inom tayo." Nakangiting sabi nya at naupo sa tapat ko.



"Napagod ako sa dami ng pinuntahan natin kanina." Panimula nya habang nag sasalin ng alak sa baso nya.



"At ang sakit ng likod ko. Ang bigat mo na ngayon." Pag rereklamo ni Lisa bago tumungga.



Nilagyan ko naman yung baso ko.


"Kapag bumalik na ako sa New Zealand, siguradong mamimiss kita." Malungkot na sabi ko saka ko tinungga yung alak na nasa baso.




"Hindi ka ba mag stay dito?" Tanong nya. Umiling naman ako.



--

JISOO's POV

"Jen, tama na. Lasing na ako." Pag rereklamo ko habang tinutulak yung basong puno ng whiskey palayo sakin.


"Ang kj mo naman eh! Inumin mo na." Iritang sabi nya. Lasing na sya kanina pa pero ayan pangalawang bote na namin yan. Mukhang malaki ang problema ng babaeng to kaya lang ay wala syang balak mag open ng problema nya.


"Jisoo, kung ayaw mong inumin yan. Pwede bang mag kwento ka na lang sakin about don sa babaeng mahal mo, about sa relationship nyo. Para naman maniwala pa ako kahit papaano sa pag ibig." Sabi nya na ikinagulat ko. Nakapatong yung baba nya sa may lamesa habang pinag lalaruan yung basong may alak at yelo.


"Bakit ako mag kekwento?" Tanong ko.


"Kung ayaw mong patulugin kita sa labas ng bahay namin." Ngayon ang sama na ng tingin nya sakin.



"Hays! Oo na." Wala na akong magawa kundi mag kwento. Ayoko ngang matulog at lamukin sa labas ng bahay nila.



FLASHBACK

"Baby, anong gusto mong dinner?" Malambing kong tanong sa babaeng pinaka mamahal ko.


"Pasta." Masiglang sabi nya na ikinatawa ko. Nakaupo sya sa kitchen counter habang naka sandal naman ako sa katapat nyang mga cabinet.



"By the way, ang hot mo pag naka apron Ms. Kim Jisoo." Puri nya sakin.


"Okay okay. Mag luluto na ako. Nang uuto nanaman ang baby ko." Nakangising sabi ko saka nag simula na akong mag pakulo ng tubig para sa pasta ng baby ko.



Apat na taon na kami ni Chaeng. Kaya lang nag hiwalay kami nung pangalawang taon namin dahil nalaman kong nahulog sya sa kaklase nya na walang iba kundi si Lisa. Naging sila pero nag hiwalay din makalipas ang ilang buwan, sabi nya hindi daw sila nag kaintindihan at gusto nya lang mapag isa. Dahil mahal ko pa din sya ay ako naging takbuhan nya. Kahit masakit sakin na nararamdaman kong may part pa rin sakanyang mahal nya pa rin si Lisa ay tiniis ko. Hanggang sa naging kami ulit. Ilang buwan bago ang araw na to, nalaman kong nag kakausap nanaman pala sila ulit. Ang balita ko may girlfriend na daw si Lisa pero ang ikinataka ko bakit nag uusap pa din sila ni Chaeng, dahil ayoko naman na lumaki pa yung issue hinayaan ko nalang.

EXtensyonWhere stories live. Discover now