Chapter 16: Leo is dead

1.3K 27 2
                                    


Lisa's POV

Bakit ba ngayon ko pa nakalimutang mag laba ng damit? Aish! Wala na pala akong masuot.


Sa totoo lang meron naman kaso puro matingkad o kaya basta may kulay. Lahat kasi ng black shirt at black pants ko nasa labahan na. No choice ako kundi itong navy blue Harley-Davidson printed longsleeve na croptop ang suot ko ngayon with denim loose jeans at stan smith shoes. Pupunta pa naman ako ngayon sa kumare ni Mama para kunin yung inorder nyang desserts.

Nasa mall na ako ngayon nag lalakad. Dito kasi kami mag kikita, sa food court daw. Pag  sakay ko ng escalator paakyat sa 2nd floor ay pinag masdan ko yung mga tao sa paligid.



"Jennie?" Nasabi ko ng makita yung babaeng nasa 2nd floor. Nasa tapat sya ng escalator nag po-phone. Mabilis akong nag lakad paakyat pero sumakay na sya sa escalator kaya tumakbo na ako ng makarating ako sa 2nd floor ay tinakbo ko na din agad ang pababang escalator, mabuti na lang at walang ibang tao kaya mabilis ko syang nalapitan. Hinawakan ko sya sa braso dahilan ng mabilis na pag harap nya sakin.


"Lisa?!" Gulat na tawag nya sa pangalan ko.


"Jennie, kamusta?" Tanong ko habang pinag mamasdan sya. Namiss ko sya. Kahit di ko aminin sa sarili ko, ay gustong gusto ko syang mayakap ngayon.

Nung isang araw lang ay napagkamalan kong sya yung nakabangga sakin nung nasa mall din kami ni Chaeng. Pero sabi nya hindi naman daw si Jennie yon. Hindi ko nalang sya kinulit kasi iba maasar ang babaeng yon.



"Ayos lang. Ikaw? Mukhang masaya ka na ngayon ah. Bagong lovelife?" Tanong nya na ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay parang may pait sa tanong nya. O baka iniisip ko nanaman kahit hindi? Pinapaniwala nanaman ako ng isip ko, masyado na ba akong ilusyunada?


"Ako? Mag isa, gusto ko lang ng tahimik na buhay." Sabi ko na ikinasama ng tingin nya. Bakit kaya?

Hindi ko na sinabi yung tungkol kay Chaeng kasi hindi nya narin pa dapat malaman ang mga ganung bagay. Hindi naman na kami para alamin pa ang mga ginagawa ko sa buhay ko.



"Talaga ba? Okay." Sabi nya at dumiretso na ng tingin.



"Jennie, si Leo? Gusto kong makita si Leo." Sabi ko ng maalala ko yung totoong dahilan kung bakit gustong gusto ko syang makausap. Bigla naman syang parang nakakita ng multo, nanlaki ang mga mata nya at tingin ko ay bigla syang nanigas.



"Jennie, kahit si Leo lang. Kahit para sakanya lang, mag usap tayo." Pag ulit ko dahilan para tignan nya ako.


"Hindi mo na sya makikita." Mahinang sabi nya pero narinig ko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Wag mo naman ipag damot sakin ang anak ko. Anak ko rin yon Jennie! Dugo't laman ko yon." Inis na sabi ko. Wala ba talaga syang awa? Para itago sakin ang anak ko.



"Lisa, pwede ba? Wag mo na akong kausapin tungkol sa bagay na yan." Sabi nya at nag lakad na pero agad ko syang hinila sa braso paharap sakin.


"Ano ba! Nasasaktan ako." Sabi nya at inalis ang kamay ko sa braso nya.



"Wala ka ba talagang puso?! Oo iniwan mo ako, pinag palit mo ako sa iba na hindi man lang iniisip yung kapakanan ng bata. Pinag damot mo na nga syang makasama ako noon pati ba naman ngayon? Ibalik mo na lang sakin si Leo at mag pakasasa ka sa bago mong babae! Wag mo ng turuan ng kalandian ang anak ko." Sa sobrang inis ko ay sumabog na ang matagal ko ng pinipigilang galit.

EXtensyonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang