Chapter 27: Selos

1.3K 31 5
                                    


Lisa's POV


"Let's dance and enjoy the night Jen." Aya ko kay Jennie ng makarinig ng music.


Pumayag naman sya at ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ko. Nag lakad kami hanggang makarating sa dance floor. Nandun na din si Chaeng with Jimin, Hanbin, Chanwoo, Seulgi, Miyeon, Jongin, Whee In with their dates.


Pero si Jisoo ay nanatili lang nakaupo, mukhang badtrip sya sa itsura nya at wala na din si Bobby sa tabi nya.



Slow dance lang ang sinasayaw namin kaya nakahawak si Jennie sa mga balikat ko at ako naman sa bewang nya.

"Jen."

"Lisa"


"Sorry."


Sabay na sabi naming dalawa. Pareho din kaming nagulat sa isa't isa.



"Jen, I'm sorry sa mga nasabi ko sayo nung mga nakaraan. Alam kong nagkamali ako. Nadala lang ako ng galit kaya hindi ko na nagawa pang isipin kung tama pa ba yung lumalabas sa bibig ko." Panimula ko.


"And I'm sorry rin Lisa. I know hindi ko kayang baguhin ang lahat sa isang sorry lang. Pero gusto ko pa ding mag sorry sa lahat ng nagawa ko, nasaktan kita ng sobra at hindi ako nag iisip. I'm sorry. I caused you a lot of pain." Malungkot na sabi nya.


"Look, okay na ako ngayon. Nakaraan na yon na dapat kalimutan na natin. It made me better Jen. And look at you, you're more mature than before. I'm so proud na makita kang strong independent woman ngayon." Nakangiting sabi ko. Sa mga oras na to, ito lang ang gusto ko. Acceptance and forgiveness. Hindi na ako yung dating Lisa na mahina at walang kasiguraduhan sa buhay. At hindi na rin kami yung Jennie at Lisa na para sa isa't isa.


"Lisa gusto kong ma--"

"Jennie, umuwi na tayo." Napalingon naman ako ng marinig ko yun. Si Jisoo.



"Jisoo, bakit?" Nag tatakang tanong ni Jennie. Pero imbis na sagutin, hinablot ni Jisoo yung wrist ni Jennie at hinila nya ito.


"Ouch. Nasasaktan ako Jisoo." Mahinang sabi ni Jennie pero narinig ko yun. Agad kong hinawakan si Jisoo sa balikat at hinarap sakin.



"Nasasaktan sya sabi." Inis na sabi ko kaya lang ay may mabilis na kamaong dumapi sa mukha ko at napaupo ako. Narinig ko naman ang sigawan ng mga tao sa paligid.



"Anong problema mo?" Inis na sabi ko saka tumayo.


"Ikaw ang problema ko! Hindi mo ba nakikita nakikipag landian na sa iba yung girlfriend mo?! At anong ginagawa mo, nilalandi mo naman ang girlfriend ko!" Galit na sabi nya.


"Lisa? Jisoo?! Ano ba! Lisa okay ka lang?!" Nag aalalang tanong ni Chaeng at hinawakan yung pisngi ko.



"At ikaw! Anong karapatan mong suntukin si Lisa?! Puro nalang ba talaga pang gugulo gagawin mo?!" Inis na sabi ni Chaeng. Sa totoo lang ngayon ko lang nakitang magalit si Chaeng, yung totoong galit.


"At ikaw, hindi ka naman marunong makuntento! May Lisa kana nga nakikipag landian kapa sa iba! Napaka landi mong babae!" Bigla naman nag pintig yung mga tenga ko sa narinig ko mula kay Jisoo.

The next thing I knew, pinag susuntok ko na sya.


"Anong sabi mo?! Bawiin mo mga sinabi mo kay Chaeng! Hindi mo sya kilala! Hindi sya malandi! Wala kang respeto sa babae!" Sigaw ko habang pinag susuntok sya.

EXtensyonWhere stories live. Discover now