Chapter 8: Ang Pag amin

1.3K 38 4
                                    

Lisa's POV

Matapos ang away namin nung nakaraan. Nakipag hiwalay si Jennie. Dahil sa taas ng pride ko ay pumayag ako at hindi ko sya kinausap. Pero ilang oras lang, pag lipas ng ilang oras ay natauhan ako at gusto ko ng ayusin namin kaya lang ay hindi na sya pumayag. Hindi nya na gustong makipag balikan sakin. Akala ko, pareho naming marerealize na hindi namin kayang mag hiwalay ng matagal. Pero mali ako, ayaw nya na kahit anong pilit ko. Kahit anong sorry ko ay hindi tumatalab. Kaya sinubukan ko syang puntahan sa telexperts para makapag usap kami kaya lang ay hindi nya ako nilabas. Ayaw nya akong makita. Nag mukha lang akong tanga kakaintay sa labas ng telexperts sa wala.

Pero hindi pa din ako sumuko, sumunod na araw ay sa terminal naman ako ng bus nag antay, kung saan sya sumasakay.

Umaasang makita sya doon. At hindi ako nag kamali, naabutan ko sya.


"Jennie, mag usap tayo!" Sabi ko ng maabutan ko sya na papasok na sana sa bus.

Tumigil sya at humarap lang sakin ng walang reaksyon. Nangingilid na yung mga luha ko pero pinigilan ko. Sobrang sakit sakin na ganito nya na ako tignan ngayon. Hindi ko na maramdaman yung pagmamahal na naramdaman ko sa loob ng isang taon.



"Alam mo yung pakiramdam na mag mukhang ewan kakapabalik balik sa trabaho mo makita ka lang? Hindi mo ba alam kung anong pakiramdam ko na hindi mo ako labasin kahit alam mong andun ako. Sobrang sakit! Jennie, ano bang nangyayare? Jennie bakit ganto? Bakit mo ginagawa sakin to? Bakit ka naging sobrang tigas sakin? Nasan na ang pag mamahal natin? Nasan na ang pag mamahal mo sa akin? Kasalanan ko ba? Deserve ko ba ang lahat ng to Jennie? Sabihin mo sakin." Naluluha ako habang tinatanong sya. Pero para syang bato na hindi man lang nakakaramdaman ng kahit ano saakin. Hindi nya rin ako sinasagot. Nag titinginan na samin yung mga pasaherong papasok ng bus pati na yung kundoktor pero wala akong pakialam! Ang mahalaga si Jennie. Masabi ko sakanya ang nararamdaman ko ngayon at masagot nya ang mga tanong ko.

"Jennie, bakit pakiramdam ko ayaw mo na? Bakit pakiramdam ko sumusuko kana? Bakit parang wala na akong halaga sayo? Ganon kabilis Jennie? Ganon kabilis mo lang itatapon ang halos isang taong pag sasama natin? Si Leo? Paano si Leo? Paano yung anak natin Jennie?!" Sa rami ng tanong ko ay ganun din karami ang luhang nag uunahang kumawala sa mga mata ko.


"Lisa." Halos pabulong na tawag nya sa pangalan ko.

"Hindi mo kailangang mag sinungaling. Nakikita ko Jennie. Nakikita ko sa mga mata mo na wala na akong halaga sayo. Pero ang kinakataka ko ay bakit kumakapit pa din ako?" Tanong ko habang umiiling iling. Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa puntong ganto. Masaya kaming dalawa pero bakit ganto yung kinahinatnan ng relasyon namin? Parang kahapon lang ay ang saya saya naming dalawa, tapos ngayon halos ipamukha nya saking wala lang ako sakanya.

Ano bang mali?

Kasalanan ko ba?




Wala man lang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig nya. Nakatitig lang sya sakin na animo'y nag aantay lang ng kahit anong sasabihin ko.

"Alam mo yung feeling na nakakabaliw yung nararamdaman ko ngayon? Oo di ako victim dito, ako may kasalanan. Alam ko. Kaya ka naman napuno e. Kaya ka naman nakipag break." Dagdag ko. Mailabas ko lang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Kasi sa tingin ko eto na ang huli.

Kasalanan ko, tiniis ko sya. Hinayaan ko syang bitawan ako. Ako ang may mali dito.



"Sorry. Sorry talaga kung gago ako di ko inopen up agad sayo. Pride ko pinairal ko. Di ko naisip na nasasaktan ka din. Di ko naisip na busy ka na nga stressed kana nga pagod kana nga sumabay pko. Kaya nga siguro di mo ko sinuyo e. Yun kinatampo ko lalo, inisip ko inaantay lang kita mag sorry, suyuin ako kasi alam ko ganun ka naman pero hindi na pala. Mas dumadalas na din yung pag susungit mo, di ko alam kung bakit. Pero sorry pa din di naman yun yong pinopoint ko, ang gusto ko lang sabihin at malaman mo na nag sisisi na ko na di kita inintindi at tiniis kita ng dalawang araw dahil sa pride ko. Sorry sa pagiging immature sa pag iisip ng kung ano ano sa pag paparamdam sayo na di ka na mahalaga sakin. Sorry hindi yun totoo, akala ko lang kasi kahit gaano kalala away natin di na tayo mag hihiwalay. I mean naging sobrang kumportable ako na wala na makakapag hiwalay satin pero mali ako, maling mali na naging kumportable ako at nabulag ako sa kabaitan mo. Na laging ako yung tama, sorry. Sinusubukan ko naman minsan lalo na kapag nakikita ko ng wala na tayong pag asa, alam mo naman di kita matitiis ng matagal, konting hawak lang konting lambing lang lumalambot nako agad. misunderstanding lang naman to dapat e pero sumuko ka. Sana mag bago pa isip mo, kasi di ba usapan natin na tayo na habambuhay? Kaya ko naman tiisin lahat ng magiging away natin e. Na hindi tayo mag hihiwalay, away lang di ba? Sabi mo oo. Sana oo pa din. Mahal mo pa naman ako di ba? Sana oo. Sana nadala ka lang, sana gusto mo pang maayos to. Kaya kung pwede lang, kung may natitira pang pag mamahal, pag unawa, saka pag aalala mo para sakin, ayusin na natin to Jennie. Sayang naman lahat ng binuo natin ng mag kasama, lahat ng memories, lahat ng pictures, yung pag aaway na nalampasan natin, yung mga celebration na sinelebrate natin, lahat ng masasayang nangyare satin, wag mo naman yun itapon ng ganun nalang oh, may anak din tayo Jennie kaya nakikiusap ako sayo kung mahal mo pa ko ayusin na natin to. Ayokong mawala ka sakin lalong lalo na si Leo. Mahal na mahal kita, hindi ko man naiparamdam yun sayo nung mga nakaraan pero alam nating pareho yun. Ang daming bagay na sayo ko lang nagawa, pinakita at pinaramdam. Hindi ko na alam ano mangyayare sa future ko kung hindi ikaw yung kasama ko. Patawarin mo na ko oh. Sorry kung pumayag ako na makipag break ka nung araw na yon, nadala lang naman ako. Saka di ko inisip yung mga susunod na mangyayare, di ko inisip kung ano yung pwedeng kahinatnan ng desisyon ko. Etong sinasabi ko sayo na to sobrang mahalaga sakin, kaya sana bigyan mo ng pansin. Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko. Mahal na mahal kita kahit gago ako minsan. Miss na miss na kita." Lahat ng gusto kong sabihin sakanya ngayon ko lang malalabas lahat kaya hindi na ko papaawat pa.

EXtensyonWhere stories live. Discover now