Chapter 20: Christmas with you II

1K 25 0
                                    


JENNIE's POV

"Jen, anong kulay ang gusto mo?" Tanong ni Jisoo sa care bears na nasa harapan namin.

"Yung pink." Sagot ko.

"Okay. I got this." Sabi nya at determinadong binabaril yung mga balloons. Nasa amusement park kasi kami ngayon dahil etong baby damulag na to gustong icelebrate ang Christmas sa palaruan.

Hapon na kami nakarating at puro laro tong isa. Gusto ko na nga sana sumakay sa mga rides e. Gusto kong itry yung Drop Tower at yung Super Viking tapos para sa ending yung Ferris Wheel habang may fireworks.

"Gotcha! Jen look. Nakuha ko si pink care bear." Masayang masaya na sabi ni Jisoo na ikinatawa ko. Ang cute naman kasi nya pag para syang bata.


"Ngayon? Saan naman tayo?" Tanong nya.


"Ayun. Dun tayo!" Turo nya sa bowling na laro. Maliliit lang naman yung bola na tama lang pambata pero itong damulag hindi pinalampas.

Pag tapos nya don ay bumili naman kami ng ice cream na nasa apa. Naupo kami sa isang bench sa gilid ng puno.

Pinag masdan ko ang paligid. Gabi na pala. Sobrang dami na din kasing nilaro ng babaeng to.

"Woa. Isang oras na lang pala pasko na. Hindi ko akalain na, kasama kita ngayong pasko. At hindi lang itong pasko ngayong taon, next year, next next next next next year at marami pa." Nakangiting sabi ni Jisoo. Ngumiti naman ako ng bahagya, kunyari ay hindi ako kinikilig. Pero sa totoo lang excited na akong harapin ang maraming bukas kasama sya.


"Alam kong hindi kita napag bigyan mula pa kanina sa mga gusto mong rides. Alam mo kung bakit? Kasi hindi pa ako nakakasakay sa mga yan, lalo na yung Drop Tower at Vikings. Makita ko palang parang bumabaliktad na agad yung sikmura ko e." Malungkot na paliwanag ni Jisoo tapos bigla syang tumayo sa harapan ko.

"Pero, ngayon. Alam kong gustong gusto mong sumakay sa ferris wheel. So, pwede mo ba akong samahan?" Tanong nya habang nag aantay na ipatong ko sa kamay nya ang kamay ko.

Hindi ko napigilang ngumiti ng malapad sa ikinikilos nya saka ko iniabot ang kamay ko. At sabay kaming nag lakad papasok sa isang maliit na cabin ng ferris wheel.



Mag katabi kami sa upuan. At habang dahan dahang umaakyat ay mas lalo syang sumisiksik saakin. Takot kaya sya? Hinawakan ko naman ang mga kamay nya.

"Jen, may fear of heights ako." Naiiyak na sabi nya. Ako naman nataranta bigla dahil ngayon nya pa sinabi kung kelan pataas na kami.

"Jisoo bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi na tayo makakababa." Natatarantang sabi ko. Bigla nya namang hinawakan yung magkabilang pisngi ko.

"Shh. Just kiss me."


At doon otomatikong nag lapat ang mga labi namin.

Nung una ay dahan dahan at maingat pero habang pataas ng pataas ay bumibilis din ang halik at naging mapusok. Naramdaman ko na din ang init na nararamdaman ni Jisoo. Sigurado akong gusto nya ng may mangyare samin ngayon.


"Jennie." Rinig kong tawag nya sa pangalan ko. Nakaupo na ako ngayon sa lap nya habang pinipilit igrind yun sakanya.








Lisa.



"Shit." Nasabi ko na akala siguro ni Jisoo ay nasasarapan ako kaya mas lalo nyang dinidiin ang sarili nya saakin.

Pero ang totoo ay naalala ko si Lisa kaya ko nasabi yon.

Pero bakit?


EXtensyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon