Chapter 25: Confused

1K 27 0
                                    


Jennie's POV

Pag tapos kong mag overnight sa unit ni Chen, gumulo yung utak ko.

Hindi dahil sa dami ng gawain kundi dahil sa mga nalaman ko.


Nakunsensya ako sa mga nasabi ko kay Lisa. Akala ko ay simpleng dahilan nya lang na aalis sya dahil ayaw nya akong makasama pero hindi pala. Sobrang hirap pala ng hinaharap nya ngayon.


Nandito na ako sa apartment ni Jisoo. Isang linggo na din ang nakakalipas pero hindi pa ulit kami nag kikita. Sa makatuwid ay hindi pa sya umuuwi dito.

Nag iwan sya ng message sakin at sinabing may aasikasuhin daw muna syang business sa ibang bansa kaya hindi sya makakauwi. Dinala nya na din daw muna sina Kuku sa Mama nya dahil alam nyang minsan umaalis ako ng bahay at walang maiiwan para mag bantay at mag pakain sakanila.





Pero hindi yun ang inaalala ko. Gusto kong makausap si Lisa. Gusto ko syang makita. Gusto kong mag sorry sa mga nagawa at nasabi ko.




Pero paano ko gagawin yon? Dun pa din kaya sya umuuwi sa bahay namin? I mean bahay na supposedly samin. Pwede pa kaya akong pumunta doon? Sakali bang maabutan ko sya kung doon ako mag aantay?




"Champ?" Tawag ko sa alaga ko. Nakahiga lang ito sa couch. Nilapitan ko at pinat.


"Uwi tayo sa bahay natin baby. Hindi na ako makakatulog ng maayos hanggat hindi ko sya nakakausap."



Nag empake ako ng ilang damit at inilagay yun sa backpack ko at nilagay ko din si Champ sa kulungan nya. Nag rent ako ng taxi papunta sa bahay ni Lisa.




Pag dating ko ay napansin kong sarado ang pinto at mga bintana.



Bakit parang hindi lang isang linggo tong walang nakatira?



Nasa akin pa din ang duplicate key kaya nabuksan ko yung pinto at dinala ko na yung gamit ko sa loob.


Tumambad sakin yung mga gamit at kalat sa living room na parang nung mga huling araw na mag kasama kami.


Naluha ako ng makita ko sa kabilang gilid, sa pader nakadikit yung "Happy 20th Birthday Jennie" tapos yung ibang mga lobo na nag shrink na na nakadikit pa din sa kisame, yung iba nasa sahig na.


Naalala ko yung araw na yon, yung araw na masayang masaya ako dahil kay Lisa. Pero anong ginawa ko, sinaktan ko lang sya matapos nyang iparamdam sakin ang buong pag mamahal nya at ibigay lahat ng meron sya.


"Paano ko nagawang iwan ang taong to?"


Tanong ko sa sarili ko ng kuhain ang nakataob na picture frame na may picture naming dalawa. Nakangiti at puno ng pag mamahal sa isa't isa. Naupo ako sa couch na puro alikabok na pero hindi ko pinansin yon at iniyakan ang litrato naming dalawa.



Nasasaktan ako.



Ang sakit sa pusong balikan at alalahanin ang lahat.



Bakit?


Hindi ba't ito ang pinili ko?


Ang iwan sya at piliin ang taong napamahal na sa akin?



Pero bakit parang hindi pa rin ako masaya?



Bakit sa tuwing nakikita ko pa rin si Lisa, hindi ko maiwasang hindi sya mamiss?




Pero masaya ako kay Jisoo.



Kapag kasama ko sya alam kong sigurado ako sakanya.



Pero bakit laging pumapasok sa isip ko si Lisa?



Bakit kahit anong pilit kong kalimot sakanya nandito pa din sya?















Nagising ako ng marinig ang pag tunog ng phone ko. Nakatulog na pala ako sa sobrang pag iyak.

Kinuha ko iyon at sinagot.


"Hi Jen. Nasa apartment ka ba?"



"Ah e, wala ako don ngayon. Umuwi muna ako. Naboboring kasi ako. Kailan ka uuwi?"



"Sa isang linggo pa. Pwede ka naman dyan muna sainyo habang wala pa ako."


"Okay. Mag ingat ka dyan."


"Ikaw din."

Pag tapos namin mag usap. Nilapag ko na muna sa side table yung picture namin ni Lisa at inayos ang sarili. Pinakawalan ko na din muna si Champ para makapag ikot ikot sya.



Pumasok ako sa kwarto at nakita kong wala na doon ang paboritong unan ni Lisa. Mukhang matagal na nga syang umalis sa bahay na to.


Siguro nung nag hiwalay kami, bumalik na sya sakanila.



Nag simula na akong mag linis ng sala. Nag walis at pinunasan ko lahat ng alikabok. Inalis ko na yung mga lobo pero tinira ko yung Lettering na gawa nya nung birthday ko.

Inalis ko na rin yung mga balat ng mga chips at yung mga bote na nakakalat sa sahig.

Ang buong nakikita ko sa bahay na to, si Lisa.





The wasted Lisa.



Hindi yung Lisa na organized at may patutunguhan.




Ako ang may kasalanan kung bakit sya nag kaganun at ang sakit sa part kong ngayon ko lang naisip kung gaano ako kasamang tao para maging maayos ang buhay sa piling ng iba habang sya halos ikamatay nya na.







Pag tapos kong mag linis ng buong bahay at kumain ng hapunan ay nahiga ako sa kama.






Halos isang oras na akong paikot ikot pero hindi ako makatulog. Nakatitig ako ngayon sa isang unan.


Hindi ko pinalitan ang isang punda ng unan na yon dahil yun ang madalas ding yakapin ni Lisa.




Kinuha ko yun at niyakap.





Amoy Lisa.


Pakiramdam ko ay yakap ko sya ngayon.




Hanggang sa dinapuan na ako ng antok.















"Lisa." Bulong ko.








"Jennie?" Napadilat ako ng makita ko ang mukha ni Jisoo.





Hay! May Jisoo na ako ngayon. Bakit ba ikaw pa din ang iniisip ko?




Lumabas na lang ako ng kwarto at nahiga sa tabi ni Champ sa couch.






Si Jisoo at si Champ na lang ang meron ako ngayon. Hindi si Lisa dahil may Chaeng na sya ngayon at hindi ko alam kung gugustuhin nya pa ako sa mga nagawa ko sakanya.




--

EXtensyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon