Chapter 3: Unang Hadlang

2K 45 4
                                    


THIRD PERSON's POV

Dahil nasa mag kaibang building at course sina Lisa at Jennie ay madalas na inaantay ni Lisa si Jennie sa labas ng building ng Business Ad Department. Ngayong araw ay ang last day ng exams nila kaya napag desisyunan nilang mag date bago umuwi.


"Kamusta exam mo?" Tanong ni Lisa habang nag lalakad sila sa loob ng isang cosmetics store sa mall.

"Okay naman. Inspired sayo e." Sagot naman ng girlfriend nya.

"Pero buti nalang hindi ka nag BA, baka sumabog ulo mo sa accounting." Pag bibiro ni Jennie.

"Grabe ka love. May alam naman ako tungkol sa accounting." Sagot ni Lisa habang nag titingin ng lipsticks.


"Sige nga. Anong alam mo sa accounting?" Pag hahamon ni Jennie.


"May numbers. Billions of numbers that can make damage to my braincells." Sagot ni Lisa na busy sa pag tingin ng shades ng lipstick. Natawa naman ang girlfriend nya at hinampas sya nito sa braso.


"Sabi ko na, dapat di na kita tinanong." Iiling iling na sagot ni Jennie.


Pag tapos nilang mag tingin sa cosmetic store ay kumain muna sila bago umuwi.


"Hatid kita sa sakayan." Sabi ni Lisa at dinala nya rin yung bag ni Jennie saka umakbay dito. Hindi naman pumalag ang dalaga at hinawakan nya nalang ito sa bewang.



Nang makarating sila sa labas ng mall patawid sa pedestrian lane ay may sumalubong sakanilang nang gagalaiti sa galit.

"Sinasabi ko na nga ba?! Kaya hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, mag kasama pala kayo nyan!" Bungad sakanila ng may edad ng babae.

"Ma." Tipid na tawga ni Jennie para pakalmahin ang kanyang ina. Ngunit parang wala itong narinig at madiing itulak palayo ang gulat na gulat na si Lisa.

"Mag usap nga tayo! Ikaw ha?! Uggh! Nang gigigil ako sayo!" Sabi ng mama ni Jennie kay Lisa habang dinuduro duro nya ito.

Hindi naman nakaimik si Lisa. Dahil sa kaba na nararamdaman nya ng mga oras na iyon.

"Pumasok tayo sa loob. At papakita kita sa Ama neto! Anong ipapakain mo sa anak ko ha!? Ayaw kita para sakanya. Hindi kayo nababagay sa isa't isa! Nakakadiri kayo!" Tuloy tuloy na salita ng Nanay ni Jennie habang hila hila ang kanyang anak.

"Sorry po." Nasabi nalang ni Lisa na medyo nakayuko tanda ng pag respeto nya sa ina ng babaeng mahal nya.

Pumasok sila sa loob ng mall at naupo sa bakanteng upuan sa food court.

"Layuan mo tong anak ko! Malas ka sa buhay namin. Hindi babae ang para sa anak ko. Bakit? Kaya mo bang buntisin tong anak ko?! Hindi di ba?! Hindi ka na dapat pa magpakita sakanya. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para ilayo sya sayo! Hindi na kayo mag kikita pa! Malas ka." Galit na galit na sabi ni Mrs. Kim. Napayuko nalang si Lisa dahil sa sakit ng mga sinabi ng ina ni Jennie. Kahit na alam nya sa sarili nya ang kundisyon na meron sya ay hindi nya nalang ipinilit pa sa ina ng babaeng mahal nya ang totoo, baka lalong magalit ito dahil sa abnormal na kondisyon nya.

"At ikaw Jennie. Umayos ka, kung gusto mo pang mag aral. Hiwalayan mo tong babaeng to!" Sabi nya sa anak.

Hindi na nag sasalita si Jennie. Pero buong pag aalala na din ang nararamdaman.

EXtensyonWhere stories live. Discover now