Chapter 33: Apologies

1.1K 30 0
                                    


Jennie's POV

Pag tapos namin mag usap ng gabing yon at pag tapos malaman ni Kai na si Lisa ang Papsi nya, halos hindi na nya na tinantanan si Lisa.


"Papsi! Papsi! Can we go dance again?" Tanong ni Kai habang nakabuntot kay Lisa na papunta sa kusina.


"Kai, as long as I want to but we need to finish unpacking first. Then after we will dance, is it okay?" Nakangiting sabi ng Papsi nya na nag pupunas ng pawis. Kinuha na kasi namin sa bahay ni Papa lahat ng gamit at damit namin. Dito na kami titira ni Kai, bubuohin na namin ni Lisa ang pamilya na matagal na naming pinangarap. Pero hindi pa namin napag uusapan kung ano na nga ba ang estado naming dalawa.



"Yay! Okay Papsi!" Masiglang sagot ni Kai. Ngumiti lang si Lisa saka kumuha ng tubig sa ref. Ginaya naman sya ng anak namin at sumunod na papasok sa kwarto. Nakangiti akong pinag mamasdan ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Hahayaan ko nalang muna sila ngayong mag bonding. Pumunta na ako sa kusina at nag simula na akong gumawa ng agahan. Alam kong napagod yung dalawa sa pag aayos ng gamit namin. Nag luto ako ng bacon, eggs at hotdogs. Nag prepare din ako ng chicken spread at tinapay. Inaayos ko yun sa lamesa ng makita si Lisa na lumabas ng kwarto kasunod ang anak namin.


"Papsi! Let's watch Spongebob Squayepants." Sabi ni Kai at naupo sa couch.

"Sure baby." Sagot ni Lisa at binuksan ang tv at unang una naming narinig ay ang tawa ni Spongebob na halos mag echo sa buong bahay.


"Wag masyadong malakas Lis." Paalala ko.


"Sorry."



Hininaan naman ni Lisa yun at naupo sa tabi ni Kai.


"Lis, coffee or juice?"


"You." Pang aasar ni Lisa na ikinainit ng pisngi ko. Aish! Tumatalab pa din sakin ang mga simpleng pag banat mo, kainis ka.


"Seryoso ako." Kunyareng naiinis na tanong ko na ikinatawa nya.

"Coffee nalang Love." Nabato naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig muli sakanya ang tawagan namin noon. After 5 years mag kasama na ulit kaming dalawa at buo na ang pamilya namin. Hindi pa nga lang ako sigurado kung anong relasyon meron kami pero ang mahalaga kasama ko na ulit ang pinaka mamahal ko.



Nag pakulo na muna ako ng tubig para sa kape at gatas ng mag ina ko. Nang may narinig akong nag dodoorbell. Pupuntahan ko na sana ng tumayo si Lisa.


"Ako na." Ngumiti sya sakin bago pumunta sa pintuan.




--
Lisa's POV

Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan kung sino man ang bumisita samin ngayon. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa tapat ng pintuan namin.



"Chaeng??" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nakangiti sya ng malapad at kumaway sakin.


"Jisoo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jennie na nakatingin din mga bisita.


"Hindi mo ba kami papapasukin Lisa?" Tanong ni Chaeng kaya binigyan ko sila ng daan para makapasok.



"Hi Jen. Pasensya na biglaan ang pag bisita ko. Hi little man!" Sabi ni Jisoo at binati si Kai.


EXtensyonWhere stories live. Discover now