Chapter 29: Kai's Mamsi

1.2K 29 3
                                    


Jennie's POV

"Jennie, kakain na." Rinig kong sabi ni Papa sa pintuan ng kwarto ko.



"Susunod na." Sagot ko at narinig ko na ang pag lalakad nya palayo.


Naupo muna ako at humarap sa salamin na nasa gilid ng kama ko.


Limang taon na ng huling beses kong nakita si Lisa. Pag tapos ng araw na nag away yung mama ko at mama nya wala na akong naging balita sakanya. Dalawang buwan din akong hindi kinontak ni Chen. Kaya napag desisyunan ko nalang bisitahin sya. Kinamusta ko yung Jellysa at hinanap si Lisa. Sabi nya lang ay umuwi si Lisa ng Thailand kasama yung Mama nya at iniwan muna sakanya yung Jellysa. Wala naman na daw akong dapat ipag alala dahil inayos na ni Lisa lahat ng problema bago sya umalis.



Hindi ko na inalam kung kelan sya babalik kasi alam kong aasarin naman ako ng baliw na lawyer na yon. At inantay ko nalang na muli kaming mag kasalubong pero lumipas ang limang taon ng kakaantay ay hindi ko pa din sya nakikita.




Two years ago, Jisoo and I broke up. Nalaman ko kasi na kaya lang ako nilapitan ni Jisoo noon dahil kay Mama. Para lang ilayo ako kay Lisa. Para sirain kung anong meron samin ni Lisa. Lahat ng yon dahil lang sa plano ng sarili kong ina. Nasira yung relasyon namin, nasaktan ko si Lisa, nawalan kami ng anak ng dahil lang sa galit na galing sa nakaraan.


Hindi ko alam kung paano ako babangon ng panahon na yon, maayos kaming nag tapos ni Jisoo dahil pinaliwanag nya sakin ang lahat at humihingi sya sakin ng kapatawaran.


Pumayag ako at nag paalam na syang aalis sya ng bansa para hanapin ang taong pinaka mamahal nya. Sa makatuwid ay hindi lang ako ang nasira ni Mama, kundi pati ang buhay ni Jisoo, ang relasyon nila ng babaeng mahal nya. Umalis na ako sa apartment nya pero hindi ako umuwi sa bahay. Umuwi ako sa bahay ni Papa. Nag hiwalay sila ni Mama nung nag hiwalay kami ni Lisa, ngayon ko lang nalaman na kaya pala nakipag hiwalay si Papa dahil sa hindi nya na makontrol si Mama. Ilang beses din silang nag talo dahil ayaw pumayag ni Papa pero wala syang magawa.



"Anak? Sana mapatawad mo ako. Hindi man lang kita natulungan na maayos yung sainyo ni Lisa noon." Sabi ni Papa. Hinawakan ko yung kamay nya kasi naiintindihan ko naman na ginawa nya lang yon dahil tinakot sya ni Mama na ilalayo nya ako kapag nakialam sya.





Ngayon dalawang taon na din akong nandito sa puder ng ama ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Lisa. Gusto ko syang makausap. Gusto kong mag sorry sa lahat lahat ng sakit na naidulot ko sakanya.


Gusto ko ding sabihin na mahal ko pa din sya hanggang ngayon at hindi yon nag bago. Nag kamali ako at nag padala sa pag lason ni Mama ng utak ko. Naalala ko pa yung sinabi nya sakin noon kaya tuluyan kong nilayuan si Lisa.

"Mas gusto ko yung Jisoo na ipinakilala mo saakin nung nakaraan kesa dyan sa Lisa na yan. Mamili ka, pipiliin mo si Jisoo at kikilalanin kong apo yang anak mo o yang Lisa na yan at itatakwil ko kayong pareho?"

Dahil takot ako noong itakwil ng pamilya ko at nag pakatanga ako. Pinili ko si Jisoo, hindi sya mahirap pakisamahan at lalong hindi sya mahirap magustuhan.


Pero sa huli, si Lisa.




Si Lisa pa din ang kailangan ko.


Si Lisa pa din ang mahal ko.


Si Lisa pa din ang pangarap kong makasama sa iisang bubong at bumuo ng sariling pamilya.






Kaya lang, paano na ngayong hindi ko sya mahanap? Siguro ay kasal na sya ngayon kung nag katuluyan sila ni Chaeng. Siguro nga ay masaya na syang may ibang pamilya na.





EXtensyonМесто, где живут истории. Откройте их для себя