Chapter 36: Fought

1K 26 4
                                    


Lisa's POV

"Hindi ako nag bibiro Lisa. Nawawala si Kai."

Huminga ako ng malalim bago ako nag salita.


"Nawala lang ako ng ilang minuto Jennie! Ilang minuto lang Jen pero anong ginawa mo?! Hinayaan mong mawala si Kai? Nandyan ka di ba?! Ikaw ang kasama nya! Ano ba Jennie?! Hindi mo ba kayang bantayan ng maayos ang anak mo?! Oo nga pala! Iba ang nag palaki sakanya kaya hindi mo alam kung paano maging responsableng ina. Napakaires--" hindi ko natapos ang pag lalabas ko ng sama ng loob ng maramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Sinampal nya ako.


"Tumigil ka Lisa! Hindi mo alam kung anong pinag daanan ko! Hindi mo alam kung gaano ko pinapahalagahan ang anak ko. Oo hindi ako nag palaki sakanya pero mas marami pa ding araw na kasama nya ako kesa sayo! Kaya wala kang karapatang pag salitaan ako ng ganyan!" Inis na sigaw ni Jennie. Hindi na ako nahihiya kahit pa pinapanuod kami ng mga tao ngayon. Hindi na bago samin ang mag away ng ganito. Nangyare na to noon at hindi ko inaakalang
Mauulit lang ulit ang lahat dahil sa kagagawan nanaman ni Jennie.


"Hindi ko nakasama ang anak ko ng dahil sayo Jennie. Ng dahil sayo! Kaya wag mo rin akong sisihin na may kasalanan ako dito kasi alam nating dalawa kung anong totoong nangyare!"


"Tumigil na kayo." Kalmadong sabi ng isang babae at lumapit kay Jennie. Kumunot ang noo ko, walang dapat na nakikialam sa away naming dalawa. Sino ba tong taong to?



"Wag kang makialam dito! Wala kang alam sa nangyayare samin. Dahil sa babae na yan kaya nawawala ang anak ko ngayon!" Turo ko kay Jennie. Wala akong pakialam kahit sino pa tong babaeng pakialamera na to. Umiiyak pa din si Jennie pero pinapakalma na sya ng babaeng bigla nalang sumulpot.



"Anak ko rin si Kai! Nag aalala din ako sakanya, hindi lang ikaw! At wag na wag mong sisigawan ang ibang tao ng dahil sa away nating dalawa." Sigaw pabalik ni Jennie.


"Mas nag aalala ako sa anak ko dahil pangalawang beses mo na tong ginawa! Ang ilayo sakin ang dapat ay saakin!"



"At saka sino ba yan?! Kilala mo ba yan? O siguro yan yung bago mo?! Kaya sinusubukan mo nanamang ilayo sakin ang anak ko?! Palabas mo nanaman ba to Jennie ha?! Kasi kung oo hinding hindi na talaga kita mapapata--"



"Tumigil kana sabi!" Sigaw ng babaeng nasa tabi ni Jennie at bigla nya akong sinugod at tinulak. Pero nakabawi ako agad at sinuntok ko sya. Napaupo sya sa sahig.

"Seulgi!" Sigaw ni Jen at naupo sa tabi nya



"Lisa pwede ba! Tumigil kana! Nakakasakit kana ng ibang tao!" Pag mamakaawa nya. Bakit parang mas may pakialam pa sya sa babaeng yon kesa saakin? Kesa sa anak namin?



"Kung hindi nya pinakialaman ang away nating dalawa. Hindi sya madadamay!" Sabi ko at susugod na sana ako ng may humawak sa balikat ko mula sa likod. Nag lakad sya papunta sa harapan ko. Nanlilisik ang mga mata nya at namumula ang buong mukha nya. Na halos umusok na ang ilong nya sa galit.



"Sa tingin mo ba sa pakikipag sigawan mo kay Jennie maibabalik ang anak nyo?! Kung sinimulan mo ng mag hanap kesa sigaw sigawan ang babaeng to edi sana may naitulong kana!" Pakiramdam ko ay nabuhay ang demonyo sa katawan ng babaeng to sa sobrang nakakatakot na itsura nya at pati ang pananalita nya. Halos makalimutan ko na ang galit ko at mapalitan ng takot dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Pero ng makita ko kung paano alalayan ni Jennie yung babaeng nasapak ko ay biglang bumalik ang lahat ng galit ko.


"Hindi na ako mag aaksaya ng panahon pa dito! Hahanapin ko ang anak ko." Inis na sabi ko at tatalikod na sana pero tumigil muna ako at humarap kay Jennie.



"Pag may nangyareng masama sa anak ko, hinding hindi kita mapapatawad. Mag sama kayo nyang babae mo!" Madiin na pag kakasabi ko saka na nag lakad papunta sa kotse ko.



"Siraulo! Asawa ko yung sinapak mo! Jennie bitawan mo nga ako! Bubugbugin ko yung gago mong ex!" Rinig kong sigaw nung babae na ikinatigil ko.


"Irene! Please kumalma ka."

Asawa? A-asawa nya yung sinapak ko? Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko at huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kotse ko.


"Ano bang pumasok sa kukote mo Lisa?!" Ano bang pinag sasabi mo kay Jennie? Bakit binalik mo pa yung mga nangyare noon? Bakit sinisisi mo sya e hindi nya nga alam na ganun ang mangyayare!


Pero lagi nalang may nangyayareng hindi maganda sa tuwing nag kakasama kami. Siguro ay hindi talaga kami para sa isa't isa.

Natigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa bintana. Si Jennie? Tinuturo nya yung lock ng pinto. Huminga ako ng malalim bago ko yun iunlock. Agad syang pumasok at naupo sa shotgun seat.



"Sabay nating hahanapin ang anak natin di ba?" Nakatingin sya sakin at halata ang pag mamakaawa sa boses nya. Hindi ako sumagot at tumitig lang sa manibela.



"Lisa, I'm sorry. Pero hindi ko na hahayaan na mag kahiwalay pa tayo ulit. At alam mo na ayaw ni Kai na mag away tayong dalawa." Mahinahong sabi nya saka nya hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam naman ako ng pag kalma ng buong katawan ko sa paghawak nya.



"Hahanapin natin si Kai."


--

EXtensyonWhere stories live. Discover now