Chapter 37: Rescue

1K 27 1
                                    


Third Person's POV

Pumunta si Jennie at Lisa sa Police Station para ireport ang pagkawala ng anak nila. Si Seulgi at Irene naman ay nakipag usap sa restaurant nila Jisoo para makahingi ng footage ng CCTV nila sa labas ng restaurant, nag pakilala silang kaibigan ni Jisoo at madali lang silang nakakuha ng access, mabuti nalang ay sa tapat lang ng restaurant nila ang bench na inuupuan ni Kai. At nang mapanuod nila ay napag alaman nila na may dalawang lalaking nag mamasid sa batang lalaki. Nung oras na tumalikod si Jennie ay mabilis na lumapit ang isang lalaki sa likod ni Kai at tinakpan ang ilong nito gamit ang panyo at nakatulog ang bata. Mabilis na kinarga ito ng lalaki at tumakbo na sila papunta sa puting van na nag aantay sa di kalayuan.

Dalawang oras mula ng makausap nila ang mga pulis at ngayon ay kilala na ang mga suspect. Hindi lang ang anak nila ang napabalitang kinidnap ng mga ito, madami na ding bata ang nabalitang nawawala at parepareho lang ang lead nila.


Makalipas ang tatlo pang oras ay napag desisyunan na nilang sugurin ang pinag tataguan ng mga suspect. Pumasok na ang mga pulis sa mga mobil nila at mabilis ding pumunta si Lisa sa kotse nya.


"Saan ka pupunta?" Tanong ng isang Police Officer.


"Sir, gusto kong masiguradong maliligtas ang anak ko. Sasama ako kahit anong mangyare!" Desididong sabi ni Lisa at inalis ang pag kakahawak ng officer sa balikat nya. Pumasok sya sa kotse at pumasok din si Jennie.


"Sasama ako."


Hindi na sya nag salita at sinundan ang mobil ng mga pulis.








Sa abandonadong gusali sa tagong lugar, iyak ng mga bata ang maririnig. May limang batang nasa edad apat hanggang pitong taong gulang ang nakatali ang mga kamay at paa. Tatlong babae at dalawang lalaki.


"Tumahimik kayo!" Sigaw ng lalaking nag lilinis ng kanyang baril na lalong nag paiyak sa mga bata.


"Tang *na! Patahimikin mo nga yang mga batang yan Yoonie!" Sigaw na umalingawngaw sa buong lugar.



"Yes boss." Nag bow naman ang kanyang alagad bago tuluyang makalabas ang kayang amo.


"Wag na kayong umiyak. Para hindi nagagalit ang dragon." Mahinahong sabi ni Yoonie sa mga bata. Pero umiyak pa din ang  apat na bata maliban sa isa.



"Good boy. Ganyan, sumunod ka." Masayang sabi ng lalaki at ginulo ang buhok ng batang lalaki na tahimik na nakatingin sakanya.


"Because my Mamsi told me not to cwy so hayd. It's bad fow kids like us." Nagulat naman si Yoonie dahil sa pananalita ng bata.



Mukhang mayaman ang pamilya ng batang ito dahil sa pagiging englishero. Sabi nya sa sarili.



"Can you untie me? I want to pee."


"Mapapagalitan tayo ng dragon bata." Sabi ni Yoonie at sumandal sa sandalan ng kanyang silya.



"But I need to pee. It huwts down theye." Pag mamakaawa ng bata na malapit na ding umiyak.



"Aish! Sige na nga, basta behave ka lang ah."  Wala ng nagawa ang lalaki at kinalagan na nga ang bata. Tinawag nya ang isa sa mga nag babantay sa pintuan para tignan tignan ang mga batang naiwan sa loob ng gusali. Saka sila pumunta sa labas kung saan pwedeng umihi ang bata.

"Wheye's the c-aw?"


"Umihi kana lang dyan sa gilid ng pader. Dalian mo na." Palingon lingong sabi ng lalaki. Kinakabahan sya baka mahuli sila ng kanyang boss. Kapag nangyare yun ay malalagot sya.




Pumunta na sa isang gilid ang bata at umihi na ito.


"Shit! Shit! Shit!" Natatarantang sabi ng lalaki ng makita ang mga mobil ng pulis na naka park sa mga gilid ng gusali. Agad nyang nilingon ang bata pero wala na ito doon.



"Bwiset!" Sigaw nya at hahanapin na sana ang bata ng hilahin sya ng isa pang bantay.



"Saan ka pupunta?! May mga pulis! Hinahanap ka ni boss!" Madiing sabi ng lalaki at umalis na habang hawak ang kanyang baril.



"Bakit ba kasi ako pumayag sa trabahong to?!" Inis na sabi nya sa sarili at kinuha ang baril ng makarinig ng putok ay tumakbo na sya papasok sa loob ng gusali.


Sa kabilang banda, tumatakbo patungo sa malapit na kalsada ang batang lalaki palayo sa gusali. Nang makarating sya sa gitna ng kalsada ay may malakas na busina syang narinig bago sya mawalan ng malay.






"Kai?!" Sigaw ni Lisa ng makarinig ng busina ng sasakyan sa bandang likuran ng gusali. Mabilis syang tumakbo papunta sa lugar kung saan nya narinig ang malakas na busina at hindi sya nagawang pigilan ng mga pulis.

Nabato sya sa kinatatayuan ng makita ang batang lalaki na nakahandusay sa gitna ng sementadong kalsada, dumudugo ang bandang uluhan at walang malay ang kawawang bata.

"K-kai." Halos walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Napadako naman ang kanyang tingin sa lalaking nasa gilid ng sasakyang nakasagasa sa kanyang anak na may hawak na telepono.




"Lis--oh my god!" Gulat na sabi ni Jennie ng makalapit kay Lisa. Agad namang sumugod si Lisa sa lalaki at pinag susuntok ito.



"Wah! Tama na! Tama na!" Sigaw ng lalaki habang sinasalag ang mga suntok ni Lisa.



"Bakit?! Bakit? Bakit?!" Yan lang ang salitang paulit ulit na lumalabas sa bibig ni Lisa na patuloy lang sa pag suntok sa lalaking nakahiga ngayon sa kalsada.



"Lisa, tama na." Pag awat ni Jennie at hinila na si Lisa patayo kasama ng dalawa pang pulis.


"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw ni Lisa na may umaagos na mga luha sa kanyang mga mata. Pinipilit nyang makawala sa mahigpit na hawak sa kanyang mga balikat at kamay pero dahil sa lakas ng mga ito ay hindi nya na nagawang sugurin ang lalaki na ngayon ay naitayo na din ng isang pulis.


"Tumawag na ako ng ambulansya." Sabi ng isang officer na lumapit sa kinaroroonan nila. Napadako naman ang tingin ni Lisa sa anak na nag aagaw buhay ngayon. Buong lakas nyang pinag tutulak ang mga lalaking nakahawak sakanya at lumuhod sa gilid ng batang nakahandusay.



"Kai! Gumising ka! Kai! Nandito na si Papsi! Kai!" Sigaw ni Lisa na gustong hawakan ang anak ngunit ay nag dadalawang isip sya na baka makasama lalo sa bata kung gagalawin nya ito.


"Anak! Lumaban ka! Para kay Papsi Kai. Lumaban ka." Humahagulgol na sabi nya.

Lumuhod naman si Jennie sa tabi ng kanyang anak at lumuluhang pinag masdan ang walang malay na bata. Hinawakan nya ito sa kamay at umiyak ng tahimik. Walang maayos na salita ang nabubuo sa kanyang isipan ngayon kaya't nanatili na lamang syang tahimik. Hindi nya lubos maisip na maaaring maranasan ng napakabatang anak nya ang ganitong klase ng sitwasyon. Naaawa sya kung bakit kailangan pag daanan iyon ni Kai, hinihiling nya na sana ay sya nalang ang nakikipag laban kay kamatayan sa mga oras na ito at hindi ang walang kamuangmuang sa mundong limang taong gulang na bata.




--

EXtensyonWhere stories live. Discover now