Chapter 15: Happy by your side

1.1K 22 4
                                    


JENNIE's POV


"Jennie, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Jisoo na kasabay kong lumabas ng Telexperts.


"Uh wala naman. Bakit?" Sabi ko saka sinukbit sa kaliwang balikat ko yung shoulder bag ko.


"Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Bibilhan ko lang si Mommy ng cake. Birthday nya kasi. Gusto ko syang surpresahin." Nakangiting sagot ni Jisoo. Napatingin naman ako sakanya, napangiti ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na Mama's girl pala itong babaeng to.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong nya.


"Wala po Mama's girl." Pang aasar ko na ikinapout nya.


"Hindi ako Mama's girl ah." Depensa nya na ikinatawa ko.


"Whatever. Tara na baka maubusan ka ng cake, kasalanan ko pa." Natatawang sabi ko habang nauuna ng mag lakad sakanya.








Pag dating namin sa mall ay agad kaming dumiretso sa favorite bakeshop ng Mama nya.

"Macadamia Sansrival please." Nakangiting sabi ni Jisoo sa cashier.


"Pili kana din ng gusto mo, kain muna tayo." Baling nya sakin.


"Uh, parang mas bet ko mag ramen ngayon." Nakangiting sabi ko na ikinangiti nya din.


"As you wish my favorite person." Pambobola nya kaya nahampas ko sya ng mahina sa braso.


"Macadamia Sansrival ma'am." Agad namang tumayo si Jisoo para kunin yung order nya at pag tapos non ay nag lakad na kami papunta sa Korean Ramen dito sa mall.


Pero napatigil ako ng may makitang pamilyar na mukha sa bagong bukas na arcade haws.


"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Jisoo. Tinignan ko sya saka tumango. Hinimas nya naman yung braso ko.


"Hindi ka ba masayang makita syang masaya?" Tanong nya.


"Masaya." Sagot ko na hindi ko alam kung totoo nga ba. Nilingon ko ulit si Lisa na nag lalaro ng shooting game habang nakayakap sakanya si Chaeyoung.


Si Chaeyoung na ex nya. Yung ex nyang minahal nya bago ako. Yung babaeng pinag awayan namin at yung babaeng gumawa ng lamat sa relasyon naming dalawa.

Bakit sya pa? Bakit sya pa yung taong nag papasaya sakanya ngayon? Pwede namang iba, pwede namang bagong babae na lang. bakit yung taong naging kakumpetensya ko pa sa puso nya noon? Parang hindi ko yata kayang tanggapin na sakanya sya ulit mapupunta. Ayokong si Chaeyoung ang makatuluyan nya. Ayoko yung babaeng yon para sakanya. Hindi sila ang dapat mag katuluyan.






"Jisoo, pwede bang umorder ka na. Mag cr lang ako." Paalam ko kay Jisoo pag dating namin sa Korean Ramen Restaurant.


"Okay. Bilisan mo lang para hindi lumamig yung ramen." Nakangiting sabi nya. Nginitian ko lang din sya saka na ako nag lakad palayo.




Agad akong nag tungo sa arcade haws. Pero wala na si Lisa doon. Kaya lumabas na ako para pumunta ng cr.

Habang nag lalakad ako ay iniisip ko kung umuwi na ba sya o mag kasama pa din ba silang dalawa. Nang biglang nakabangga ako.


EXtensyonWhere stories live. Discover now