Chapter 23: Don't Care

1K 31 3
                                    


ALICE's POV

Kainis talaga! Pinag tripan nanaman ako ni Chaeng.


Yung wallet ko nawawala nanaman. At sa tuwing nawawala yon ay si Chaeng lang ang kumukuha dahil puro nalang daw pustahan ang alam ko. E sa masaya makipag pustahan.


Kakatok na sana ako sa kwarto nya ng marinig ko syang mag salita. Bukas pala ang pintuan nya. Nakahiga sya sa couch habang nakalagay sa tenga nya yung phone nya.



"Ano bang kailangan mo bakit ka tumawag?"

"Tigilan mo na ako. Ayoko na makipag usap sayo!"

"Pwede ba wag mo nga ibalik sakin ang mali mo."

"Sa tingin ko ay mas malala ka pa sakin kaya wag mo kong pag bintangan ng kung ano ano."


"Ayokong makipag usap sa sinungaling!"


Tapos hinagis nya yung phone nya sa kama nya. Kala ko naman babasagin nya na, sayang!


"Sinungaling kaaaa!" Sigaw nya.


Pero sino yung kausap nya?


"Chaeng?" Tawag ko sakanya na ikinagulat nya.


"Kanina kapa?" Tanong nya. Umiling ako.


"Kakarating ko lang." Sinungaling ka Alice. Shhh!

"Ahh! Okay. Yung wallet mo nandon sa kama ko. Kunin mo na lang wala ako sa mood makipag talo sayo." Sabi nya at sinubsob yung mukha sa unan.


Agad ko namang hinanap yung wallet ko sa kama nya.

Gotcha!


Nung makuha ko na yun ay aalis na sana ako kaya lang may nag vibrate sa gilid ko kaya tinignan ko yun. Cellphone ni Chaeng. May message kaya nakita ko yun.



From: 🐢
Mag usap tayo mag papaliwanag ako. Puntahan mo ako mamayang 5pm sa secret place natin. Please?




"Ano hindi kapa ba aalis?" Nagulat naman ako ng mag salita si Chae kaya agad na akong lumabas ng kwarto nya.




Sino kaya yung pagong na kausap nya? Si Lisa ba yon? Pero hindi naman sila ganyan mag usap. Tsaka unggoy naman si Lisa at hindi pagong.


Aish! Ewan ko! Baka may kabet ang kapatid ko.

May kabet si Chae?

O wala?


Pustahan tayo gusto nyo?


--

Jennie's POV

Pag tapos ng nangyare sa restaurant nila Jisoo, inaya ko na syang umalis kasi sobrang nasaktan ako sa sinabi ni Lisa. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot yung puso ko ng sabihin nyang wala syang pakialam kahit anong gawin sakin ni Jisoo.


Kaya lang pag dating namin sa labas ay napansin ata ni Jisoo na hindi ko naayos ang eyeliner ko kaya binura nya yung sumobra sa gilid ng mata ko kaya lang ay medyo mahirap iyong burahin kaya nag tagal kami sa ganong posisyon.










Limang buwan na din ang nakalipas pag tapos ng tagpong iyon at mula non minsan ay wala sa sarili si Jisoo, hindi ko alam kung bakit pero parang may malalim syang iniisip. Minsan din ay hindi sya umuuwi pero ang sabi mya tumutulong lang sya sa company at restaurant nila.

EXtensyonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang