Chapter 22: Unexpected

1.1K 30 2
                                    


Chaeyoung's POV

"Chae." Tawag nya sakin. Nakatigil na pala sya kaya nauuna na ako. Tumigil naman ako sa pag lalakad at humarap sakanya.



"May gusto akong itanong." Sabi nya. Tumingin sya sakin pero umiwas din. Kinakabahan ata ang loko.


"Ano yun Lis?" Tanong ko. Ano nanaman kayang kalokohan ang itatanong nito?























"Hindi ba ako masarap humalik?" Nabigla ako sa tanong nya pero natawa din ako.


"Ano bang klaseng tanong yan Lisa?" Natatawang tanong ko.


"Ah e ano, baka lang hindi ako marunong?" Tanong na hbang hindi mapakali. Aish! Di ko alam kung yun ba talaga yung itatanong nya pero siguro nga napaisip lang sya na baka yun ang dahilan kung bakit iniwan sya ni Jennie.


Pero nung inisip ko kung anong isasagot ko ay naalala ko yung kiss namin kanina at nag init yung mukha ko. Aish! Kainis.


"Hindi naman na masama." Sabi ko at nag lakad na palayo. Ayokong makita nya na namumula ako dahil don.







"Chae, tara na. Nagugutom na ako." Sabi ni Lisa sa labas ng kwarto ko kaya nabalik ako sa kasalukuyan.


Nag aya kasi syang lumabas ngayon dahil nag kecrave daw sya ng Japanese foods. Pag tapos pala ng Christmas ay lumipas na ang siyam na buwan. Sa tingin ko ay mas naging close kami ni Lisa ngayon. Halos araw araw din kaming mag kasama. Kung hindi dito sa bahay ay sa bahay naman nila. Kinuha nya na din ang mga gamit nya doon sa bahay na ipinundar nya kaya lang ay hanggang ngayon ay hindi pa din sya nakakahanap ng buyer.


"Oo na eto na nga oh." Sabi ko pag bukas ko ng pinto ay agad nya na akong hinila.

"Yaaaah! Lisa! Madadapa ako, bitawan mo nga ako!" Sigaw ko dahil kinaladkad ba naman ako ng unggoy na to pababa ng hagdan.


"Ang tagal tagal mo kasi. Pag tayo walang naupuan mamaya. Lagot ka sakin." Asar na sabi nya na ikinatawa ko ng mahina. Lagot ako kapag tumawa ako ng maririnig nya. Isusumbong nya nanaman ako kay Mama at etong nanay ko naman kakampihan nanaman sya. Kainis nga kaya wala akong magawa.









Ngayon ay papasok na kami sa bagong bukas na Japanese Restaurant malapit lang naman samin at eto yung sikat na Restaurant sa Japan kaya etong isa na mahilig sa Sushi at tempura nag madaling makapunta sa Opening. Akala ko nung una ay nag kecrave lang sya ng sushi yun pala eto talaga ang dahilan.




"Table for two." Nagulat ako ng may sumabay sa pag sabi ni Lisa non sa waiter na nakaabang malapit sa entrance ng restaurant.


Sabay din naming nilingon kung sino yun at parepareho kaming nagulat.


"Jennie?"

"Lisa?"



Sabay na sabi nila. At sa hindi inaasahang pagkakataon, kasama ni Jennie ang date nya.

"Ma'am, wala na po kaming available na table for two pero meron po kaming table for four. Mukhang magkakakilala naman kayo kaya kung gusto nyo po doon nalang kayo." Nakangiting sabi ng waiter. Hindi nya ba nakikitang hindi okay na mag sama kaming apat sa iisang table?! Aish!

EXtensyonWhere stories live. Discover now