Chapter 5: Soon to be Mrs. Manoban

1.9K 43 2
                                    


Lisa's POV

"Love, bilisan mo maligo." Inip na sabi ni Jennie sa lanas ng cr. Napangiti nalang ako. Madalas kasi syang nandito sa bahay. Hindi na sya pumapasok sa university nung sumakit yung tyan nya nung nakaraan. Dito na sya sa bahay dumidiretso kahit ang alam ng mama nya ay pumapasok pa sya.

Dahil dito sya dumidiretso ay lagi nya akong inaasikaso. Tulad ngayon, pag labas ko ng cr ay nag tututo ako ng buhok. Nakasuot ako ng sports bra at boxers. Lumapit sya sakin at sya ang nag tuloy sa pag tutuyo ko ng buhok, pati ang pag susuklay at pag aayos ng buhok ko ay sya ang gumawa. Sya din ang nag handa ng susuotin kong damit ngayon, kulang na nga lang ay sya ang mag suot sakin nito.

Pag tapos kong suotin ang black polo long sleeves at black slacks ay lumapit sya sakin para ayusin ang collar ko.


"Goodluck." Sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"Thank you." Ngayon kasi ay defense namin sa thesis. Kinakabahan ako dahil halos hindi ako nakapag review dahil sa pag aalaga ko kay Jennie, napadalas kasi ang pag hilab ng tyan nya kaya madalas akong puyat. Isa pang dahilan ay yung business namin. May stall na kasi kami at may inaayos akong papers dahil may mga gustong mag invest sa negosyo namin.

"Swerte swerte ko talaga sa soon to be wifey ko." Sabi ko sakanya nung nilapag nya sa lamesa yung bread toast at gatas.

"Uto naman ng husband to be ko." Tapos natawa sya.

"Payag ka ganto yung set up natin sa future? I mean, ako asawa mo tapos simpleng buhay, simpleng bahay. Ganto?" Tanong ko sakanya bago uminom ng mainit na gatas.

"Oo naman! Basta kasama kita. Wala ng mas sasaya pa sa buhay na kasama ka Lisa. Tsaka kumportable ako sayo, kung nasaan tayo ngayon at kahit saan pa tayo dalhin ng bukas." Sagot nya habang nakatitig at nakangiti sakin.

"Sweet talaga! Aray!" Sabi ko at hinawakan yung likod ko.

"Oh bakit? Anong nangyare?" Pag aalala nya na lumapit pa sya sakin.

"Kinagat ata ko ng langgam sa kasweetan ng girlfriend ko." Natatawa kong sabi.

"Ayy. Ewan ko nga sayo." Natatawang sabi nya na may kasamang hampas.

Minsan kapag nasa kanila sya at ako lang ang naiiwan dito sa bahay mag isa, nirereview ko yung social media accounts ng Jellysa Sweets at yung mga comments. Mas nakikilala na ito ngayon at madami na din ang gustong umorder. Nakakatuwa na nakakaipon pa ako ngayon para sa future na pangarap ko para sa mag ina ko.

Kinausap nya din ako tungkol sa plano nya pag tapos nyang ipanganak si Leo. Gusto nya na daw mag work para hindi na sya mag stay sakanila. Gusto nya ng makaalis sa bahay nila dahil lagi nalang daw syang sinesermonan ng magulang nya.

Kaya naisip kong ipang bawi sakanya ang pag surprise sa araw ng birthday nya. Pag tapos nyang ipanganak si Leo ay ilang araw lang mag didiwang na sya ng ika-20 nya.

Nag bukas ako ng data para mag search ng magagandang ideas para sa birthday nya ng may mag pop up na notification sa phone ko.

From: Miyeon
Gawa ka ng lettering na Happy 20th Birthday Jennie! Tapos idikit mo sa wall ng sala nyo. Don natin isurprise.


Pag kasabi nya non ay nakabuo na agad ako ng plano. Pero bago ako mag simula ay may nahagip ang mata ko sa messages ko.

EXtensyonWhere stories live. Discover now