Chapter 12: The Kiss

1.3K 16 2
                                    

THIRD PERSON's POV

"Sama kayo samin." Aya ni Whee In sa mga katrabaho nyang sina Jennie at Chaeryeong.

"Bakit ano meron?" Tanong ni Jennie habang kinukuha yung mga gamit nya sa locker.

"Sahod ngayon, kaya mag papainom ako." Nakangiting sabi ni Jinho.

"Sama ka na Jen." Pag aya din ni Jisoo.

"Sasama ka?" Tanong ni Jennie.

"Oo, kaya nga inaaya kita para di ako maboring dun." Sagot ni Jisoo na nakangiti.

"Baliw. Sige na sasama ako." Pag payag ni Jennie. Ang totoo ay gusto nya lang makasama si Jisoo kaya pumayag syang sumama sakanila.

Pumunta sila sa isang Restobar malapit sa school ni Jennie.

Kakatapos lang din kasi ng shift nila nang mag kaayaan.

Pag dating nila sa restobar ay nag order na agad si Jinho at Whee In, sina Chaeryeong, Jennie, Jisoo at mga bagong kaibigan nila na sina Hongseok at Shinwon. Lumipas ang isa't kalahating oras ng makaisang case na sila ng beer.

"Nakakainis yung Yeji sa wave natin no? Akala mo kung sinong magaling e, napaka yabang." Pag kekwento ni Chaeryeong.

"Wag mo ng patulan yon, baka mamaya mag sumbong pa. Ikaw pa lumabas na mali." Pag papakalma ni Shinwon.

Sa kabilang banda ay may busy sa pag papak ng pulutan.

"Hoy Whee In, wag mo namang gawing kanin yan." Sita sakanya ni Hongseok. Sinamaan sya neto ng tingin.

"Paki mo ba? Gusto mo bang subuan pa kita?" Iritang sabi ng babae.

At sa isang tabi ay may nag bubulungan.

"Jennie, okay ka pa? Kaya mo pa ba?" Nag aalalang bulong ni Jisoo sa katabi. Nakasandal na kasi ito sa backrest ng sofa na inuupuan nila.

"Oo naman. Konti pa lang ang naiinom ko." Nakangising sagot nito. Ang totoo ay medyo nahihilo na sya kaya sya sumandal, low tolerance sya pag dating sa alak kaya tuwing iinom sila noon ay alerto lagi si Lisa.

"Hoy kayong dalawa! Kung gusto nyo naman pwede na kayong umalis at mag check in sa hotel." Pang aasar ni Jinho dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nung dalawang babae.

Nag tawanan naman ang lahat at pati na din si Jennie ay natawa. Lumipas pa ulit ang isang oras ay si Jinho at Whee In nalang ang matino.

"Jinho, tignan mo yung Jensoo. Tingin mo ba, pag tapos dito may mangyayare na sakanila?" Wala sa sariling tanong ni Whee In.

"Hindi ko alam. Pero mas masaya kung meron. Alam naman nating gustong gusto ni Jisoo na makuha si Jennie una pa lang di ba? Kaya tulungan nalang natin ang kaibigan natin. Tumango naman si Whee In at nag check ng phone nya. Napakunot ang noo nito ng may mabasa.

Lisa Manoban

Alam mo ba kung nasaan si Jennie?

Pwede bang sabihin mo sakin kung nasan sya?

Pumasok ba sya ngayon?

EXtensyonWhere stories live. Discover now