Chapter 19: Christmas with you

1.2K 30 2
                                    


Chaeyoung's POV

Pag pasok ko sa cr agad kong hinawakan ang magkabila kong pisngi. Humarap ako sa salamin ng makitang namumula nga ako.

Aish! Nakakainis kasing utak to. Bakit ba kasi hindi ko maalis sa isip ko yung nakita ko?!

Nakita ko lang naman yung kulay puting brief ni Lisa habang sini-zipper ko yung pantalon nya. At hindi ko yun maalis sa malisyosa kong isip!


"Aarrgh!" Sigaw ko pero agad ko ring tinakpan yung bibig ko at nakiramdam kung narinig ba nila yon. Pero mukhang tahimik na sa kwarto ko, siguro ay lumabas na sila. Napag pasyahan kong maligo muna bago bumaba para naman mawala yung pag iinit ng pisngi ko at ng katawan ko. Kainis!






"Sa wakas bumaba na din ang prinsesa. Tara na." Pang aasar ni Alice at nag lakad na palabas. Sumunod naman sina Mama at Papa. Si Lisa naman sumusunod lang sa likod ko.






"Ang una nating destination ay..." Sabi ni Alice. Na nasa left side ni Lisa, ako naman ang nasa right side nya. Si Papa ang driver at si Mama ang nasa shotgun seat. Kaming tatlo nasa passenger seat.


"Equestrian Center!" Sagot nya din sa sarili nya.


Nasa isang oras ang byahe namin bago kami nakarating sa Equestrian Center na sinasabi ni Alice. Pag dating namin don ay agad namang kinausap ni Papa yung guard at agad din kaming pinapasok. Dumating din si Uncle Theodore. Sya yung may ari ng Center na to.

"Mah brotha! Long time no see." Bati ni Uncle kay Papa at nag bro hug naman sila.

"Hi Greta. Ang ganda mo pa din hanggang ngayon, kaya in love na inlove sayo tong kapatid ko e." Biro ni Uncle na ikinatawa naman ni Mama.

"And to my lovely princesses! Alice and Chaeyoung, wow. You have grown too much." Hindi makapaniwalang sabi ni Uncle. Hinampas naman sya ni Alice sa braso ng mahina.

"Uncle talaga! Nung nakaraang taon lang nandito din kami ah." Sabi ni Alice na ikinatawa naming lahat.

"Oh, wait lang. I'm sure that this pretty lady here, it's the first time I saw her. Who is she?" Nakangiting tanong ni Uncle Theodore. Nakatingin sya kay Lisa.


"Anak ko sa ibang babae Theo." Biro ni Papa. Tinignan naman ni Uncle si Papa saka bumalik ng tingin kay Lisa at umiling iling.

"Hindi ako naniniwala you liar!" Sabi nya kay Papa na ikinatawa nila.

"Wag ka talagang maniwala Uncle. Kaibigan namin sya ni Alice." Pakilala ko kay Lisa. Ngumiti naman si Uncle at humarap kay Lisa ulit na halatang hindi alam ang gagawin habang kaharap si Uncle.

"Hi young lady. I'm Theodore. Kung kaibigan ka naman ng mga magaganda kong pamangkin ay pwede mo din ako tawaging Uncle." Sabi ni Uncle at nag aantay makipag shake hands sakanya si Lisa. Nag aalangan naman si Lisa na nakipag kamay.

"Hello sir--uncle. I'm Lisa." Tipid nyang pakilala na halatang nahihiya.

"Oh my god! What happened to that?" Tanong nya ng mapansin yung cast ni Lisa sa kamay. Medyo nag panic naman si Lisa sa kung anong isasagot nya o dahil baka naalala nya nanaman yung dahilan kung bakit nya yun ginawa. Agad ko naman syang hinawakan sa bewang para pakalmahin. Tinignan nya naman ako, nginitian ko lang sya.

"She's a clumsy girl Theo. That's why." Mom saved us.

"Oh I see. Next time be careful. Okay guys! Just enjoy your stay. Yung mga kabayo nyo ipapadala ko na dito agad and for Lisa hmm, I don't think makakapag horse back riding sya." Sabi ni Uncle at agad namang sumagot si Lisa.

EXtensyonWhere stories live. Discover now