Chapter 40: Ready to let go?

1.2K 27 8
                                    


Lisa's POV

Pumasok ako sa bahay na napakapamilyar sakin, mula sa pintuan papasok hanggang sa pinaka sulok sulok ng bahay na ito. Dito nag simula ang lahat at dito na rin mag tatapos ngayon.

Halos labing isang taon, labing isang taon na ang nakakalipas mula ng ipatayo ko ang bahay na ito para sa pamilyang pinangarap ko. Pamilyang ginusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko. Pero lahat ng yon ay nauwi lang din sa salitang pangarap. Hanggang pangarap na nga lang ang lahat. Dahil ngayon, ngayon mag tatapos ang kwento naming dalawa ni Jennie.


Naupo ako sa sofa at nag liparan ang mga alikabok na ikinaubo ko kaya agad akong tumayo at pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay ko. Kainis! Hanggang sa huli napakapalpak ko. Mula sa pag katao hanggang sa love life ko.


Sa inis ko ay padabog akong naupo sa silya na nasa kusina at sa kamalasan ko nga naman ay gumuho ang upuan at kasabay akong nahulog sa sahig.


"Argh!"

Ang rupok naman ng upuan na to?!

Dahil ba sampung taon na yung upuang kahoy na yun kaya hindi na ako kinaya?

Sakit tuloy ng pwet ko. Inis na inis akong pumasok sa kwarto pero kagaya nga ng sofa e puro alikabok din yon at hindi na ako nag tangka pang subukan kaya wala na akong choice kundi sa gilid ng sahig nalang ako naupo at sumandal sa pader.




"Lisa? Nasan ka?" Rinig kong tawag ni Jennie.


"Dito sa kwarto." Sagot ko at maya maya ay nakatayo na sya sa harapan ko.



"Bakit dyan ka nakaupo? Saka anong nangyare sa silya sa kusina? Ikaw ba may gawa non?" Sunod sunod na tanong ni Jen.



"Lahat ata ng gamit dito marupok na, ayoko na din subukang maupo sa kama. Masakit pa yung pwet ko sa pag kakabagsak ko sa sahig, kasalanan yan ng silyang nasa kusina." Reklamo ko na ikinatawa nya.

"Limang taon ko palang hindi napuntahan ang bahay na to, akala ko naman ikaw ang nag aasikaso dito. Pinabayaan mo din pala." Iiling iling na sabi nya at naupo sa harap ko. Hindi na ako sumagot kaya nag tanong sya ulit.


"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"


"Bakit may ginagawa ka ba? Naistorbo ba kita?"


"Wala naman. Nag paalam lang ako kay Jisoo na aalis muna ako saglit." Sagot nya. Tama. Si Jisoo at Jennie, hindi ko alam kung anong meron sakanilang dalawa maliban sa tumutulong na syang mag manage ng restaurant nila Jisoo. Isa na din yun sa dahilan kung bakit dapat na nga namin putulin lahat ng nag uugnay saming dalawa.



"Mabuti naman kung ganon. Ngayon, gusto ko lang ipaalam sayo ang desisyon ko para sa bahay na ito. Kung papayag kang ibenta nalang natin. Hindi naman natin nagagamit, sayang naman kung walang makikinabang." Panimula ko. Kumunot ang noo nya.


"Akala ko ba ipapamana mo sa anak natin to? Bakit gusto mo ng ibenta?" Sa pag kakasabi nya ay parang gusto nya akong tirisin sa inis nya.



"Uhm. Gusto ko sana, kaya lang baka ma--"


"Nasan ang titulo? Ako na ang mag hahanap ng buyer. Kung yan ang gusto mo." Inis na sabi nya at nilahad ang kamay. Hindi na ako kumibo ay kinuha ko nalang ang folder na nasa gilid ko at inabot iyon sakanya.


"Sasabihan nalang kita pag may bumili na. Mauuna na ako." Walang emosyon na sabi nya at tuluyan ng lumabas ng bahay. Napahinga ako ng malalim.


Eto na talaga to. Once na mabili ang bahay na ito, si Leo nalang ang nag iisang mag uugnay saming dalawa. Tatlong taon na din ang nakakalipas mula ng napag desisyunan namin ni Jennie na may tag tatlong araw kami kay Leo sa isang linggo, pwedeng sakin ang Monday to Wednesday at sakanya ang Thursday to Saturday or vise versa, at ang Sunday ay family day namin kahit hindi naman talaga kami isang buong pamilya. Si Leo ang humiling noon saamin dahil gusto nya daw kaming kasamang dalawa, hindi naman naging mahirap dahil close naman kami ni Jennie as friends. Na hanggang doon lang.


"Ano nanamang iniisip mo? Tulala ka." Sabi ng kaharap ko habang nakatitig lang sakin. Tumungga ako ng beer na nasa bote bago nag salita.

"Naalala ko yung sinabi ni Leo kanina." Panimula ko. Binagabag ako non mula pa kaninang umaga bago ako nakipag kita kay Jennie sa lumang bahay namin.


"Ano bang sabi ni Leo?" Tanong nya at kumuha sa ref ng yelo. Nandito kami ngayon sa bahay ni Mama. Wala si Leo dahil araw nya kila Jennie ngayon.



"Nahihirapan na daw sya sa set up namin ni Jennie. Bakit hindi ko nalang daw ligawan ang Mamsi nya at mag sama sa iisang bubong." Sagot ko bago tumungga ulit.

"Hindi na talaga baby si Leo. Parang gusto ko na tuloy mag karon ng baby para may aalagaan na tayo ulit." Pag iiba nya ng topic. Ayaw ni Chaeng pag usapan ang pag babalikan namin ni Jennie kasi paulit ulit ko lang sinasagot sakanya na hindi pa ako handa at paulit ulit lang syang naiinis sakin.



"Edi gumawa tayo." Pag bibiro ko na ikinatawa naming dalawa. Nag inom kami hanggang madaling araw na halos gumapang na ako papunta sa kama.






Nagising ako ng may naramdaman akong nakadagan saakin. Dumilat ako at kisame ang una kong nakita saka ko pinakiramdaman ang paligid. May babaeng nakayakap saakin, wala akong suot na kahit ano at ganun din ang babae sa ilalim ng kumot na tanging tumatakip sa katawan naming dalawa.


"Chaeng? Oh fuck!"














Tatlong linggo makalipas ang hindi kapanipaniwalang araw na yon ay nandito ako ngayon kila Chaeng. Halos araw araw akong pumupunta dito dahil gusto kong makausap ang best friend ko kaya lang ay lagi nya akong pinag tatabuyan.



"Lisa! Umalis ka na nga! Ang aga aga! Ayaw kitang makita!" Inis na sabi nya. Naka pajama pa sya at halatang bagong gising. Hindi ko sya pinansin at tumuloy ako sa kusina. Kumuha ako ng gatas sa loob ng ref at uupo na sana ako sa silya kaya lang dali daling tumakbo sa lababo si Chaeng at sumuka.

"Chaeng okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko habang hinahagod ang likod nya. Pag tapos nyang sumuka ay nag hilamos na sya.


"Ang baho mo kasi. Sinabi ko sayong ayaw nga kitang makita." Inis na sabi nya. At doon pakiramdam ko ay tama nga ang hinala ko.


"Buntis ka ba Park Chaeyoung?"








"Oo. At ikaw ang ama!"



--

EXtensyonWhere stories live. Discover now