Chapter 32: Visitor

1.1K 34 2
                                    


Lisa's POV

Pabalik na ako ngayon sa bahay namin ni Jennie. Dala dala ko na ang mga damit at mga gamit ko at doon na ako ulit titira. Tinawagan ko na din si Jennie na kung pwede ay pumunta din sya kasama si Kai dahil gusto ko silang makita. Nung una ay ayaw nyang pumayag at sa tingin ko ay may galit sya sakin pero mabuti nalang at napilit ko sya ng sabihin kong may importante akong sasabihin.



Pag dating ko sa bahay ay pinasok ko na sa kwarto ang mga gamit ko at sinimulan ko ng ayusin yon. Kaya lang nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta na muna ako sa kusina. Pero ngayon ko lang narealize, wala palang laman ang ref at kahit anong pagkain dito.


Aish! Nakalimutan kong mag grocery muna. Palabas na sana ako ng bahay ng marinig kong may nag bukas ng pinto.


"Lisa? Andyan kana pala." Malamig na bati ni Jennie.



"Ah oo. Nga pala Jen, aalis muna ako. Walang pagkain sa ref." Sabi ko habang mag susuot na sana ng sapatos.



"Hindi na kailangan. Nag grocery na kami bago pumunta dito. Kai?!" Sabi nya saka tinawag ang anak namin.


Pumasok sya kasunod si Kai at..








Jisoo?!



Anong ginagawa nya dito? Bakit nandito ang taong to?




"Yes Mamsi?" Tanong ni Kai at lumapit kay Jennie.


"Hi Lisa." Bati sakin ni Jisoo na may hawak na mga pagkain na nasa plastic bags.




"Jisoo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.




"Hinatid ko na sila kasi ayoko naman na mag commute pa sila." Paliwanag ni Jisoo saka pinatong sa lamesa ang mga plastic bags.



"Jen, may tatawagan lang ako saglit ah." Paalam nya saka lumabas ng bahay.



Agad naman akong lumapit kay Jennie na nag lalagay ng sapin kay Kai.




"Hi Kai." Bati ko muna sa mini version ni Jennie. Kumaway naman sya sakin at ngumiti.



"Hi Lisa." Bati nya ng matapos syang lagyan ng sapin ng Mamsi nya.




"Mamsi, can I play theye?" Tanong ng anak namin habang nakaturo sa nakabukas na kwarto. Nakita nya siguro yung mga teddy bear na nasa kama.



"Sure baby." Sagot ni Jennie at nag tatatakbo na si Kai papasok.



"Jen, anong ginagawa ng ex girlfriend mo dito?" Seryosong tanong ko na may kaunting pag kairita sa boses ko. Nag lakad naman sya papunta sa lamesa at nag kalkal sa mga plastic bag.



"Binisita kami ni Kai." Sagot nya saka nag labas ng mga karne at mga gulay na pinamili nila.



"Bakit hindi pa sya umaalis?" Kunot noong tanong ko. Dinala nya naman yung karne sa lababo. Sinundan ko sya at tumigil sa likod nya. Pinanuod ko kung paano nya hugasan ang karne ng baboy.




"Inaya ko syang mag lunch dito." Sagot nya saka humarap sakin.


"Ano??" Gulat kong tanong at hindi lang yun ang ikinagulat ko. Ang bigla nyang pag harap dahil ang lapit namin sa isa't isa.





"Lisa, bakit ba ang dami mong tanong? Dun ka nga muna sa sala. Ginugulo mo ako dito." Sabi nya saka mabilis na tinulak ako ng mahina at humarap na ulit sa lababo.





EXtensyonWhere stories live. Discover now