Chapter 38: Wake up, baby

1.2K 27 1
                                    


Lisa's POV

Parang kahapon lang ang saya saya naming pamilya pero ngayon nandito ako ngayon sa labas ng operating room, inaantay ang pag bukas ng puting pintuan na may magandang balitang sasabihin ang doctor na nasa loob. Bakit kailangan si Kai pa? Bakit ang anak ko pa ang kailangang makaranas ng ganito? Napakabata at napakabait pero bakit sya pa? Hindi ko makakayanan kapag nawala ang anak ko. Hindi ko kayang mabuhay ng normal kung malalaman kong mawawala ulit ang anak ko saakin.

Lord, nag mamakaawa po ako sainyo. Wag nyo po muna sanang kunin ang anak ko. Hindi ko po kayang makitang walang buhay ang nag bibigay ng saya sa araw araw na pag hinga ko. Alam ko pong hindi ako madalas kumausap sainyo pero hindi ibig sabihin ay hindi ako naniniwala sainyo. Lord, kahit eto lang. Kahit si Kai lang, ibalik nyo muna sya samin. Nag mamakaawa po ako sainyo. Mahal na mahal ko po ang anak ko at pinapangako ko pong aalagaan ko sya hanggang sa kaya ko.




Nakatulala ako sa kawalan ng marinig ko ang mahinang pag iyak at si Jennie ang una kong nakita, nakaupo sa bench na katapat ko, nakapatong sa mga hita ang mga siko habang naka subsob sa mga palad ang kanyang mukha. Nakatayo ako sa kabilang side ng hallway at nakasandal sa pader katapat ang babaeng umiiyak ngayon. Gusto ko mang lapitan sya para patahanin kaya lang ay ayaw gumalaw ng katawan ko na para bang may sarili silang buhay para pigilan ako. Pero napagtanto ko na kahit pala ilang taon na ang nakakalipas, isang pangyayare lang ang kailangan para bumalik sakin ang lahat. Hindi ko pa lubusang napapatawad si Jennie. Hindi ko pa lubos na nakakalimutan ang trauma na naidulot nya sa buong pagkatao ko noon. Hindi pa nag hihilom ang sugat sa puso at isipan ko. Ang akala kong peklat nalang ay may malalim pa palang sariwang sugat sa loob ng aking pag katao. Mahal ko sya, mahal ko si Jennie pero hindi ko pa kayang ibigay ang buong tiwala ko. At hindi ko alam kung kailan kaya ko ng muling mag tiwala ng buo sa babaeng nasa harapan ko. Lalong lalo na ngayong may malaking problema sa Jellysa, nakulong si Dad at nag aagaw buhay ang anak ko sa loob ng operating room. Sa dami ng problema ko, pagod na pagod na ang utak ko sa pag iisip ng pwede kong gawin para mabawasan at gumaan ang dinadala ko. At hindi ko rin itatanggi na iyon ang dahilan kung bakit kung ano ano ang nabitawan kong salita kay Jennie kanina. Gusto ko mang humingi ng sorry kaya lang ay wala akong lakas ng loob.


Lumipas ang limang oras. Tahimik lang kaming nakaupo sa bench. May pagitan ang upuan naming dalawa at parehong walang lumalabas na salita saamin. Parehong nakatulala sa kawalan. Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng operating room. Lumabas si doc at mabilis namin syang sinalubong ni Jennie.


"Doc, kamusta po ang anak namin?" Agad na tanong ni Jennie.


"Sabihin nyong okay na ang anak ko." Pag mamakaawa ko. Ngumiti naman si doc ng kaunti bago nag salita.


"Don't worry Lisa. Your son is brave. Stable na sya ngayon pero unconscious pa rin. But he's fine. He'll wake up soon, and I'm sure of that. Ililipat na sya ng room ngayon. Maya maya pwede nyo na syang puntahan. Instruct ko nalang yung nurse para iinform kayo once na matapos syang ilipat."


"Thank you Dr. Park." Pag papasalamat ni Jennie. Ngumiti naman si doc Jimin. The same doctor na nag asikaso saakin noon.


"Uhm. May you excuse me? May gagawin pa  kasi ako. By the way Lisa, kung may time ka pa kamusta naman ako kay Chaeng."


Lumipas ang dalawang araw, nandito ako ngayon sa kwarto ni Kai sa hospital. Inaantay pa din ang pag gising ng anak ko. Mula ng matapos syang operahan ay hindi pa rin sya nagigising. Dalawang araw na din na hindi ko kinikibo si Jennie. Sinusubukan nya akong kausapin pero iniiwasan ko sya o di kaya ay hindi ako sumasagot sa mga tanong nya. Kahit gusto ko mang kalimutan ang galit sa puso ko ay hindi ko magawa. Hindi ko pa kayang kausapin si Jennie. Wala pa din akong sapat na tulog. Isa o dalawang oras lang kung makaidlip ako sa tuwing umaalis si Jennie. Bumisita na din sina Irene para piliting umuwi at mag pahinga si Jennie na nakikipag sabayan din sakin sa pag iintay sa anak naming mag kamalay. Nung una ay wala talaga syang balak sumama, pero sinermonan sya ng kaibigan nya kaya napilit nila itong umuwi at kahit papaano ay kumain. Hindi nila ako kinikibo dahil alam kong galit pa din sila sakin na inasta ko nung nakaraang araw. Si Jennie ang nag lalakas loob na subukang iwanan ako ng pagkain dito sa kwarto sa tuwing lalabas sila para kumain pero wala akong gana. Puro kape at tubig lang ang laman ng sikmura ko sa loob ng dalawang araw.



EXtensyonWhere stories live. Discover now