Chapter 28: Lisa meets Kai

1.3K 34 2
                                    


Lisa's POV

Pag tapos ng araw na sinabi sakin ni Mama ang tungkol kay Papa, agad na sumama ako sakanya sa Thailand para makita ko na sya.

Sobrang saya ko ng makita ko ang ama ko. He's super tall and handsome! Ngayon alam ko na kung kanino ako nag mana.


By the way, binibisita din ako ni Chaeng dito. Nag stay na muna ako kasi gusto ko pang maranasan na buo ang pamilya ko. Inaasikaso nya kasi dito yung totoong tatay ni Bambam, which is brother nya. Inako nya lang na anak nya si Bambam kasi yung tatay nya may cancer and it's his last months at hiniling nito noon pa man na maging pangalawang ama ng kanyang anak.

Yung araw din na umalis kami sa Pilipinas wala na din akong naging balita kay Jennie. Naliwanagan na ako ngayon na hindi talaga kami para sa isa't isa dahil sa mga nangyare sa mga magulang namin noon. Malabong pumayag ang Mama nya saaming dalawa pag tapos ng pangyayare.



"Lisa! Lisa!" Sigaw ng isang babae at biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.



"Surprise!" Sigaw ni Chaeng. Napangiti naman ako.



"Akala ko hindi mo ako susunduin e."



"Pwede ba naman yon? Tara na dali! Kakain muna tayo bago umalis." Sabi nya saka ako hinila papunta sa dining area. Napatingin naman samin sina Mama, Papa at Bambam saka sila natawa.



"Hindi naman halatang excited kayong umuwi ng Pilipinas nyan?" Natatawang tanong ni Papa. Uuwi na kasi ako ng Pilipinas ngayon para doon na ulit tumira. Iniwan ko nalang bigla yung Jellysa kay Chen. At lagi nya pa din akong kinukulit para balikan yung business ko.


"Goodmorning bro and Chae!" Bati ni Bambam saka kami kinawayan. Naging close kami dahil same age lang kami saka hindi sya mahirap pakisamahan. Nag kakilala na kami dati dahil sa auction nung araw din na nagkagulo dahil samin nila Jennie.



"Lisa, Chae maupo na kayo dito at sabayan nyo na kami kumain." Nakangiting aya ni Mama.


"Yey! Goodmorning din Bam, Tito and Tita." Sabi ni Chaeng at hinila na ako paupo.



"Kamusta ka naman sa New Zealand Chae?" Tanong ni Mama. Two years ago ng binalita sakin ni Chaeng na sa New Zealand na sya titira. Sabi nya gusto nya lang daw umalis ng Pilipinas tinanong ko sya kung bakit pero hindi nya sinabi. Ayaw nyang iopen sakin kung ano ba talagang nangyare pero alam kong malungkot sya sa tuwing kukulitin ko sya kung bakit sya umalis ng Pilipinas. Binibisita nya naman ako dito isang linggo buwan buwan.


"Okay naman po Tita. Masaya na ako don, kaya lang pinilit ako netong anak nyo na samahan sya pabalik ng Pilipinas kaya wala na akong magawa." Natatawang sabi nya. Hinampas ko naman sya sa braso ng mahina.



"Nako iha, pasensya kana dyan kay Lisa. Sigurado ay namiss ka lang nyan, lalo na nung nasa Pilipinas kayo. By the way, Chaeng maraming salamat sa pag aalaga sakanya nung mga panahong wala kami ng mama nya sa tabi nya. Especially the day na sinugod ko sya sa hospital." Sabi ni Papa na ikinata ko. Tinignan ko naman si Chae kung may alam sya dito. Halata naman sa mukha nyang nag tataka sya kaya lang biglang nanlaki yung mga mata nya.


"Oh my god! Tito! Ngayon ko lang napagtanto sa loob ng limang taon! Kaya pala pamilyar kayo sakin! Hindi ko lang maalala kung saan ko kayo nakita. Kayo pala yung nag bayad ng lahat ng expenses ni Lisa noong na hospital sya. Tito naman bakit ngayon nyo lang sinabi?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chaeng na ikinatawa naming lahat.


So si Papa pala ang nag ligtas sa buhay ko nung araw na gusto ko na lang mag pakamatay. Napangiti ako.

Salamat sa pag bibigay ng pangalawang buhay sakin.










EXtensyonWhere stories live. Discover now