Chapter 18: Talong

1.4K 30 2
                                    


Lisa's POV

Nakahiga ako sa kama dito sa bahay namin ni Mama. Dito ako ngayon umuwi dahil ayoko ng bumalik sa bahay na maaalala ko lang ang lahat. Kaya sa araw na gumaling ang mga kamay ko ay agad kong papanguhain yung mga gamit ko sa bahay na iyon at hahanapan na rin ng buyer. Kahit kailan ay ayoko ng makita ang lugar na yon. Ayoko ng isipin na nag eexist yon kagaya ng babaeng kinamumuhian ko ngayon.

"Lisa! Sinabi ko naman sayong pumunta kana sa kusina at kakain na tayo. Ano ba?" Inis na sabi ni Chaeng. Oo nandito sya ngayon at araw araw syang nandito. Mula nung pangatlong araw ko sa ospital ay na discharge na din ako. Nalaman ko din na nag paalam na pala sya sa parents nya na mag stay sa bahay para tulungan ako. Kilala ako nila Mrs. Park dahil nung kami pa ay pinakilala ako ni Chae sakanila at gusto nila ako para anak nila. Kaya lang ay hindi kami nag tagal dahil pinilit ko syang isama sa Thailand para mag bakasyon kaso lang ay hindi naman sya papayagan ng magulang nya. Pinag talunan namin yon dahil gusto ko na syang ipakilala kina Grandma, at dahil don bigla nalang syang nakipag break sakin at hindi na ulit kami naging okay.


"Eto na, eto na." Sabi ko at nag lakad na pababa. Dalawang linggo na ang lumipas at nakacast pa rin ang dalawa kong kamay. Nakakahiya mang sabihin pero si Chae ang nag aasikaso sakin, mula sa pag kain, pag suklay ng buhok, pag lilinis ng kwarto ko at pag aayos ng mga damit ko. Maliban sa paliligo at pag cr dahil pinauwi pala ni Mama yung pinaka sa lahat ng pinaka close kong pinsan, si Ate Baifern. Sobrang close kami noon, hanggang sa bago sya mag asawa. Nung kinasal sya ay hindi na kami nag karoon ng time para makapag bonding pa. Pero ngayon dahil nasa hospital si Grandma sa thailand at inaasikaso ni Mama ay pinakiusapan nya si Ate Baifern or Baba for short na asikasuhin ako.

Pero araw araw ding umaalis si ate baba dahil may inaasikaso sya dito sa Pilipinas pero hindi nya yon nakwento saakin.


Pag baba ko ay nakita ko si Chae at ate Baba na nakaupo na sa dining table.

"Ang tagal Lalisa. Tara na at maliligo kana pag tapos bago ako umalis." Sabi ni Ate Baba. Napansin ko naman ang pamumula ni Chae. Naupo ako sa tabi nya at saka ako sinubuan. Pag tapos ko yung malunok ay parang nabulunan ako kaya nanghingi ako ng tubig. Pinainom nya naman ako ng marahan kaya lang...

"Tinanong ko si Chae kung pwede syang mag paligo sayo kaya lang ay sa tingin ko ay hindi pa sya handang makita ang talong mo." Pag kasabi nya non ay bigla nalang akong nasamid sa iniinom ko kaya nag alala naman agad si Chaeng.

"Okay ka lang?" Natatarantang sabi nya at hinimas yung likod ko.

"Ate Baba naman e." Sabi ko at tinignan sya mg masama. Hindi pa rin ako kumportable na pinag uusapan yung ganon sitwasyon ko lalo na sa harap ni Chaeng. Pakiramdam ko ay naiilang din sya.


Lumipas ang dalawa pang linggo at gumaling na ang kanang kamay ko pero yung kaliwa ay naka cast pa din. Nanibago lang ako dahil parang may kakaiba sa kanang kamay ko, nagagalaw ko naman sya ng maayos pero parang may kakaiba. Hindi ko nalang pinansin dahil baka matagal ko lang hindi nagalaw kaya parang kakaiba sa pakiramdam.


Pumasok na ako ng cr para maligo. Kasunod ko pa rin si Ate Baba para tulungan pa din ako. Kanina lang ay nakauwi na si Chae sakanila dahil Christmas Eve na bukas ng gabi. Tutulong muna sya sa bahay nila ngayon. Buti nalang at walang lakad si Ate Baba para samahan ako hanggang bukas ng umaga. Pero uuwi din syang thailand bukas para mag celebrate kasama sina Kuya Mario, ang asawa nya.


"Akalain mo yun, ang laki pala talaga nyang nasa pagitan ng mga hita mo. Akala ko dati tatanda kang supot dahil ayaw mong mag patuli nung bata ka pa." Pang aasar ni Ate Baba habang nakasandal sa pinto na nakatitig sa junior ko. Agad ko yung tinakpan ng mga kamay ko.


EXtensyonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora