Chapter 13: Pag kikitang muli

1.3K 27 3
                                    

Chaeyoung's POV

"Nakakaboring naman." Sabi ko at nag lakad lakad papuntang palengke. Gusto ko lang mag ikot dahil wala akong magawa sa bahay. Pero hindi ko alam kung bakit sa palengke ako dinala ng mga paa ko.

"Tignan mo yun oh? Nababaliw na ata." Sabi ng isang babae na nakaturo sa taong nauuna sakin. Napatingin din ako sakanya at napakunot ang noo. Nag lalakad sya na nakayuko, naka cap sya, naka jacket, naka fitted jeans at vans shoes. All black!

Minsanang lumilingon lingon sya sa paligid na parang takot sya sa mga taong nakatingin sakanya tapos yuyuko lang sya ulit.

Kung hindi sya baliw, baka may balak syang masama sa mga tao dito. Baka holdaper to! O kaya snatcher! Oh my god!

Dahil nag lalakad kami, ay unti unti ko syang nasabayan. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tignan kung anong itsura ng taong to. Kalahating parte sakin ay naawa sa kalagayan nya.

Nang makita ko ng mabuti ang mukha nya ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Lisa?" Hindi makapaniwalang tawag ko sa taong kaharap ko ngayon. Unti unti naman syang lumingon sakin.


"Chaeyoung?" Sa palagay ko ay hindi nya din inaasahang makita ako dito.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam?" Magulong sagot nya.

Tinitigan ko sya, yung itsura nya ngayon malayo sa Lisa na kilala ko. Para syang patay, ang tamlay ng itsura nya, ang laki ng pinayat nya, ang lalim ng mga mata nya.

"Hoy? Adik ka ba?! Umayos ka nga." Sabi ko sakanya. Kalahati sa katauhan ko ay nasasaktan sa inaakto nya ngayon.

"Maayos ako." Sagot nya at nag lakad na ulit. Sinabayan ko sya.

"Mukha kang ewan alam mo yun?" Sabi ko sakanya kasi kung makikita ko sya noon sa ngayon, grabe ang layo! Yung Lisa noon na hinahangaan ko, eto ngayon parang down na down sa sarili nya.

"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siguro sya magkakaganito kung wala syang pinoproblema.

"Wala." Iwas nyang sagot. Hays! Lisa, hindi ako sanay ng ganyan ka. Pero dahil ayaw nya kong harapin ay nainis na ako.

"Ewan ko nga sayo. Bahala ka na nga dyan." Sabi ko at nauna ng mag lakad.

"Chae, teka lang!" Sabi nya habang humahabol sakin. Nag pigil naman ako ng ngiti. Sabi ko na e. Di mo pa din matitiis na talikuran kita.

Humarap ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Usap tayo." Pag mamakaawa ng mata nya.

"Ayoko." Sabi ko sakanya. Naalala ko biglang hindi nga pala tamang mag usap kami. Hays! Kumplikado naman oh. Kainis.


"Wala na kami." Sabi nya na nakapag patigil sakin.

"Please? Usap tayo. Wala na kasi akong ibang taong pwedeng makausap e." Pag mamakaawa nya. Ang lungkot ng boses nya, naawa ako sa lagay nya.

Pwede ko naman siguro syang pag bigyan kahit sandaling oras lang.

Pero kasi...


"Alam mo hindi porket wala na kayo kakausapin na kita." Pag mamatigas ko kahit na awang awa na ako sakanya.

EXtensyonWhere stories live. Discover now