Chapter 7: Effort

1.4K 34 1
                                    




Lisa's POV

Matapos isilang ni Jennie si baby Leo, nag pahinga lang sya sakanila at ako naman ay busy sa pag aasikaso para sa birthday celebration nya dito sa bahay.

Kinontak ko na si Soojin at Miyeon para kuntsabahin sa surprise namin para kay Jennie. Hindi naman sila nag reklamo dahil gusto rin nilang pasayahin ang kaibigan nila.

Sobrang excited na ako, dalawang araw na lang at birthday nya na at ako eto nag iikot ikot para makahanap ng mga pwedeng iregalo sa mahal ko.

"Tara na." Sabi ni Soojin at hinila ako papasok sa isang Clothing Line. Nakailang ikot kami sa loob ng store dahil sa hirap pumili ng ireregalo. Hindi dahil hindi babagay, pero dahil lahat ay bagay sakanya. Kung pwede ko lang bilhin yung buong store binili ko na para sa nag iisang babaeng napakaganda kahit anong suotin.

"Eto oh. Kasya to sakanya sigurado." Sabi ni Soojin habang hawak yung dress na white floral.

"Maganda ba? Baka kasi hindi nya magustuhan." Nag aalala kong tanong.

"Ayan kana naman e, nega mo." Sabi nya saka binalik at nag hanap pa uli.

"Eto kaya?" Tanong ko na hawak yung black na uhm? Di ko sure kung anong tawag sa damit na yun e. Hays pero parang blouse.

"Yan maganda." Nakangiting sabi nya.

"Sabi mo naman diba, lahat bagay sakanya." Dagdag nya pa na parang gustong gusto ng umalis ng store. Paano ba naman kasi, kanina pa kami pinag titinginan ng mga sales lady dahil pabalik balik kami.

"Oo, pero dapat yung maganda sya para sa pang date namin." Nakangiting sabi ko.

Kinuha namin yung black na napili ko. Sigurado bagay yun sakanya. Naeexcite ako makitang suot nya.

Binilhan ko din sya ng pabango, yung strawberry at hand sanitizer pati ng ipit sa buhok na may design na maliit na heart, cute lang tignan e. Eehee!

Nakapili na din kami ng isa pang damit, yellow shirt na may print na pocket sa left side nakalagay GRL PWR. Cutie din kasi mukhang bagay sakanya talaga.

Pag uwi ko, inayos ko na agad yung box na pag lalagyan ko ng gift. Buti naman nag kasya yun lahat sa box. Inihanda ko na rin yung nabili kong tape para sa balloons at yung red balloons na iniisip ko paano ko papalobohin. At dahil medyo creative naman ako ay naisipan ko ng paraan.

Kinabukasan, bumili na ako ng mga ingredients para sa lulutuin. Carbonara at mango float kasi ang naisipan kong ihanda sa birthday nya tutal kami lang dalawa, sina Soojin at Miyeo pati si Mama lang naman.

Nag pasama ako kay Soojin para sa pag bili at pag pili ng bibilihin. Buti nalang at pumayag sya na tulungan ako mag buhat ng mga pinamili.

"Salamat sa pag sama Soojin." Sincere na sabi ko sakanya nung nag lalakad na kami pauwi.

"Wala yun, malakas kayo sakin ni Jennie e." Sabi nyang nakangiti.

Mabuti nalang at may ganto kami kabait na kaibigan.

Pag uwi ko, inilagay ko muna sa ref lahat ng kailangan ichill at iniayos yung ibang pinamili.

Narinig ko naman ang pag tunog ng phone ko. At nalangiti ako ng makita kung sino yug tumatawag.

"Hello love." Bati ko.

"Kamusta naman ang love ko? Mukhang pagod ka ah?" Tanong nya sa kabilang linya.

"Medyo, pero okay lang para sa birthday mo." Nakangiting sabi ko habang kumukuha ng malaking bowl para sa mango float.

"Sus. Sabi ko naman sayo kahit wag na, ang importante kasama kita." Sabi nya. Ilang beses nya na sinabi sakin na wag nalang mag handa at okay lang naman daw basta nasa tabi nya ako. Kaya lang ayoko naman na wala akong ieffort para pasayahin sya sa birthday nya. First time ko mag effort ng ganito para sa birthday ng girlfriend ko kaya mahalaga to para saakin.

EXtensyonWhere stories live. Discover now