Chapter 39: Her Decision

1.1K 28 2
                                    


Lisa's POV

Nasa rooftop ako ngayon ng hospital matapos akong kausapin ni Dr. Park tungkol sa naging reaksyon ni Kai pag gising nya kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doctor. Parang panaginip lang ang lahat.


"Anong sabi ni Doc?" Bungad ng kakarating lang na si Jennie. Sinabihan ko syang dito namin pag usapan kung anong mga bagay na nalaman ko at kung anong makakabuti sa anak namin. Tumitig ako sa kawalan bago nag salita.


"Jennie may amnesia si Kai. Sabi ni doc, pwedeng temporary memory loss lang daw pero hindi nya pa masisigurado saatin hanggang hindi natatapos makumpleto lahat ng test na gagawin sakanya. May dalawang araw pa para matapos ang lahat bago sya payagang makauwi." Paliwanag ko. Sinubukan kong maging kalmado dahil mula ng mag sagutan kami ay eto na ang pinaka mahaba kong sinabi kay Jennie.


"Pag tapos ng lahat ng test, iuuwi na natin sya at susubukan nating ibalik ang memorya nya hindi ba?" Umaasang tanong ni Jennie. Sumulyap ako sakanya bago tumitig muli sa kawalan.



"Hindi Jennie."

"Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong nya.



"Ako ang mag uuwi kay Kai. Sakin sya titira. Ikaw, babalik ka sa pamilya mo o kung gusto mong manatili na muna sa bahay na pinatayo natin. Uuwi kami sa bahay ni Mama, doon sya magpa--"



"Lisa! Anak ko rin ang pinag uusapan natin dito! Bakit nag dedesisyon ka ng ikaw lang?!" Gulat at galit ang namamayani sa boses nya.


"Jennie, hindi ba sinabi mo sakin kanina lahat gagawin mo? Eto lang ang gusto kong hilingin sayo. Pumayag kang sakin titira si Kai at bibisitahin mo lang sya o aalis kami ng bansa at tuluyan mong hindi makikita ang anak natin?" Walang emosyon kong tanong. Namamanhid na ang pakiramdam ko sa dami ng nangyayareng hindi ko inaasahang mangyayare.


"Bakit mo ginagawa sakin to Lisa? Anak ko din si Kai. Bakit mo naiisip na ilayo sakin ang anak ko?" Basag na ang boses nya kaya panigurado ay umiiyak na si Jennie ngayon. Pero wala akong ibang gustong mangyare kundi ang maging safe ang anak ko sa pangangalaga ko.




"Nakalimutan mo na ba Jennie? Limang taon mong nilayo sakin ang anak ko. Limang taon mo kong ginawang tanga." Medyo madiin na pag kakasabi ko at ng lingunin ko sya ay halos maawa ako sa itsura nya. Puro luha ang pisngi nya at pulang pula ang mga mata nya. Agad kong iniwas ang tingin ko.



"Mahal na mahal kita Lisa. Alam kong mali ang nagawa ko noon, pero pinag sisisihan ko na yun lahat Lisa. Bakit hindi mo ako mapatawad? Hindi mo ba ako mahal?" Hinawakan nya ang mga kamay ko na halos lumuhod na para mag makaawa.


Tinignan ko sya sa mga mata.



"Mahal kita Jennie. Pero hindi ko pa kayang ibigay yung buong tiwala ko sayo. Pag tapos ng nangyare kay Kai, minulto ulit ako ng nakaraan. Yung bigla mong pang iiwan sa ere, pag sisinungaling mo sakin, at pag tatago mo sa anak natin. Lahat ng yon, nag dulot ng malalim na sugat sa puso ko. Akala ko tuluyan ng nag hilom yon, akala ko peklat nalang ang lahat. Pero nung sinubukan kong mapalapit sayo ulit, at nangyare ang mga bagay na hindi natin inaasahan, naging sariwa ulit ang sugat na naidulot mo saakin Jennie. At etong desisyon ko ngayon, sana pag bigyan mo ako. Gusto ko munang mag hilom ng tuluyan, gusto ko ng kalimutan ang lahat. Hindi tayo matatawag na buo at matibay na pamilya kung ipipilit natin ang mga sarili natin sa isa't isa ngayon. Hayaan mo muna akong huminga at tanggapin ang lahat. Hindi ko ilalayo si Kai pwede mo syang bisitahin pero hindi mo sya pwedeng kunin."







Pumayag si Jennie sa set up namin. Naiuwi ko na din si Kai, napag desisyunan ko na ding tawagin sya ulit na Leo dahil yun naman talaga ang pangalan nya mula pa noon. Hindi naman ako nahirapang alagaan at ipaintindi sakanya ang mga bagay bagay. Sumusunod sya sakin at madalas ay nag tatanong tungkol sa sarili nya. Minsan ay bumibisita din si Jennie at dahil mas marami syang alam tungkol sa anak namin ay mas naging close silang dalawa. Wala namang kaso saakin yun dahil ngayon ay parang nag simula ulit kami sa umpisa, sabay kaming nakilala ni Leo sa pag kakataong ito. Sabay namin syang dinidisiplina, inaalagaan at sabay naming nakikita ang pag laki nya.


EXtensyonOnde histórias criam vida. Descubra agora