Chapter 35: Family

1K 25 1
                                    


Third Person's POV

"Baby slow down." Paalala ni Jennie sa anak. Tumatakbo si Kai papuntang claw machine kasama ang Papsi nya na parang bata ding tuwang tuwa sa mga game machines na nag kalat sa paligid. Iiling iling namang sumunod si Jennie sa kanyang mag ina.


"Papsi, I want that Spongebob plushie." Turo ng anak nya sa loob ng salaming kahon.

"Papsi sucks on that game." Malungkot na sagot ni Lisa. Mabuti nalang at kasama nila si Jennie.


"I'm the luckiest on that baby." Hindi hahayaan ni Jennie na malungkot ang kanyang mag ina dahil lang sa claw machine na hadlang sa gustong plushie ng anak. Nag hulog ng token si Jen at seryosong tinarget ang hiling ng anak. Matiim naman na nag dadasal sa gilid ang mag ina nya.


"I got it! I got it!" Tumatalon talon na sabi ni Jennie at agad syang niyakap ni Kai.


"Yey! Thank you Mamsi!" Masiglang sabi ng anak at kinuha na yung plushie.

Kung saan saan pa sila nag punta at nang magutom ay napag desisyunan ng pamilya na kumain na muna sa malapit na restaurant.

Lisa's POV

"Papsi! I like the sushi heye. Can we owdey some and eat at home?" Tanong ng anak ko na agad ko namang sinang ayunan. Anak talaga namin sya ni Jennie na pati ang favorite naming dalawa ay namana nya.


Pero bago pa kami makapasok sa loob ng restaurant ay tumunog ang phone ko.


"Jen, sagutin ko lang. Si Mama tumatawag. Kunin ko na rin yung kotse." Paalam ko. Tumango naman sya at ngumiti saka na sila pumasok sa loob. Nag lakad naman ako pabalik sa parking lot ng Arcade Haws. Malapit lapit lang naman kaya iniwan ko na muna doon ang sasakyan namin.


"Hello ma?" Sagot ko habang nag lalakad.


"Lisa. Your dad."


"Ma, umiiyak ka ba? Anong nangyare kay dad?" Nag aalalang tanong ko.


"Inaresto ang Dad mo. Hindi sya masama Lisa! Hindi sya masama." Humahagulgol na sabi ni Mama.


"Ma, please calm down. Hindi masama si Dad. Maayos din natin to Ma." Pag papakalma ko. Ang hirap kapag malayo sa pamilya kapag may nangyareng hindi maganda sa isa sa kanila.


"Lis, can you come here?" Tanong ni Mama na medyo kumalma na.


"Ma, I can't promise but I'll try. Tawagan kita mamaya Ma. Iuuwi ko muna sina Kai." Paalam ko kay Mama. Pumayag naman sya at nag paalaman na muna kami. Pumasok ako agad sa kotse.




Pag dating ko sa labas ng restaurant nakita ko si Jennie na nakatakip ang mukha ng dalawang kamay. Napansin ko ang pag taas baba ng mga balikat nya. Umiiyak ba sya? Bumaba ako agad ng kotse at lumapit sakanya.


"Jennie? Anong nangyare? Nasaan si Kai?"





Jennie's POV


Pag pasok namin ni Kai sa loob ng restaurant ay umorder na ako ng tatlong order ng sushi.


"Mamsi! I'll wait fow Papsi outside." Paalam ni Kai at mabilis na tumakbo palabas ng restaurant.


"Kai! Wait for me!" Sigaw ko pero hindi ako pinakinggan ng anak ko. Pag abot sakin ng paper bag at mag bayad ay agad akong lumabas.


"Kai? Kai?" Tawag ko sa anak ko pero wala akong makitang batang lalaki na nasa labas ng restaurant.


"Mamsi! I'm heye!" Agad akong lumingon sa bench na nasa gilid. Nakaupo sya doon habang nakangiti. Lumapit ako at tinitigan ang napakagwapong anak ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala sakin si Kai. Sya ang buhay ko, ang buhay namin ni Lisa.


Natigil ang pag iisip ko ng marinig ang ringtone ko. Agad kong sinagot ng makitang si Irene ang tumatawag.

"Hello Jen. Nasan ka?" Agad na tanong ng nasa kabilang linya.

"Nasa labas kami nila Kai at Lisa." Sagot ko habang nakatitig pa din kay Kai.

"Bakit ka pala napatawag?" Tanong ko.


"Nandito kami ni Seulgi sa labas ng bahay nyo e. Pero dahil nasa labas kayo, syempre dapat may pasalubong." Natatawang sabi ni Irene na ikinatawa ko din.


"Nahahawa kana sa asawa mo ah."


"Jennie! Gusto ko yung malapit sa restaurant nila Jisoo, yung sikat na beef burger at potato salad." Rinig kong sabi ni Seulgi. Beef burger? Lumingon naman ako sa paligid kung saan yung sinasabi nila.


"Wala akong makitang restaurant malapit dito maliban kina Jisoo."


"Nasa bandang kaliwa yun mula sakanila Jennie ya." Kaliwa? Naka harap ako ngayon sa kanan so...

Agad naman naman ako tumalikod kay Kai. At doon ko nga nakita ang restaurant na sinasabi ni Seulgi.


"Okay. Nakita ko na."


"Yey! Beef burger at potato salad ah!" Masiglang sabi ng mag asawa na ikinatawa ko.



"Kai, gusto mo ng beef bu--Kai? Kai!"


"Jen? Anong nangyare kay Kai?" Tanong ni Irene sa kabilang linya.


"Kai? Nasan ka?! Kai!" Sigaw ko ng hindi ko makita si Kai sa bench na kinauupuan nya lang kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Sinubukan kong pumasok sa loob ng restaurant nila Jisoo pero wala sya doon kaya lumabas ako ulit.


"Kai! Where are you?! Hindi ako nakikipag laro ngayon. Lumabas kana!" Nanginginig na ang boses ko habang sinisigaw iyon. Nasan na ba ang anak ko? Iginala ko din ang paningin ko sa paligid pero hindi ko sya makita. Tanging kaunting tao lang ang nag lalakad lakad sa paligid.



"Jen! Jen! Nawawala si Kai?!" Nag aalalang tanong ni Irene. Hindi na ako sumagot dahil tumulo na ang luha ko at hindi ko na napigilang humagulgol.


"Jennie! Pupunta kami ni Seulgi!" Tinakip ko sa mukha ko ang dalawa kong kamay.




"Jennie? Anong nangyare? Nasaan si Kai?" Naramdaman ko ang pag hawak sa balikat ko ng isang babae at iniharap nya ako sakanya. Agad ko syang niyakap at humagulgol.



"S-si Kai... na-nawawala si K-kai." Pinilit kong mag salita kahit nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak ko.

"Ano?! Paanong nawawala si Kai? Huh Jennie?" Inalis nya ang pag kakayakap ko at hinarap ako uli sakanya. Nakakunot ang noo nya at gulat ang makikita sa mukha nya.





"Hindi ko alam. Nandito lang sya nakaupo kanina! Tapos tapos tumawag si Irene kaya sinagot ko. Tumalikod lang ako sandali sa tapos pag harap ko... pag harap ko wala na si Kai." Paliwanag ko habang umiiyak pa din. Hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ang meron sa mukha ni Lisa ngayon.



"Jennie, please wag kang mag biro ng ganyan. Hindi nakakatuwa." Kalmadong sabi nya. Pero mas lalo akong kinabahan. Yung pagiging kalmado nya ang ikinakakaba ko ngayon.





"Hindi ako nag bibiro Lisa. Nawawala si Kai."


--

EXtensyonWhere stories live. Discover now