Chapter 21: Understanding Girlfriend

1.1K 23 0
                                    


Jennie's POV

"Jen?" Tawag ni Jisoo na nasa pintuan ng kwarto nya. Wala kasi akong pasok ngayon kaya naisipan kong bisitahin sya.

"Yes?" Tanong ko.


"Gusto ko maging honest ka sakin." Sabi nya at naupo sa gilid ng kama. Nakasandal naman ako sa headboard.


"Oo naman." Sagot ko.


"M-may anak kana?" Tanong nya na nag pagulat sakin sa dalawang dahilan. Una ay kung saan nya nalaman ang bagay na yon at ang pangalawa ay yung ekspresyon nya na parang disappointed sya sa nalaman nya.

Pakiramdam ko ay hindi nya matatanggap kung sasabihin ko yung totoo.



Pero kailangan nyang malaman yon.



"O-oo." Nauutal na sagot ko. Umayos naman sya ng upo at humarap sakin.



"P-paano? E ang pag kakaalam ko ay limang buwan pa lang yung baby mo." Naguguluhang tanong nya. Hindi ko alam kung sino nag sabi sakanya kaya tinanong ko.


"Paano mo nalaman yun Jisoo?" Tanong ko.


"Nakita ko sa phone mo kanina nung nag luluto ka. Yung first picture nyo ng baby mo kasama si Lisa sa hospital." Sabi nya at iniwas yung tingin. Hinawakan ko naman sya sa magkabilang kamay.



"Jisoo, itersexual si Lisa. Meron syang ano between her legs. Ayun yung dahilan kung bakit kami nakabuo." Sagot ko at medyo ikinagulat nya.


Hindi ko na kailangan itago kay Jisoo yung totoo. Kaya lang...


"Yung baby ba, nasan? Nakay Lisa ba?" Tanong nya na ikinailing ko.


"W-wala na yung baby namin Jisoo." Sabi ko saka ako yumuko. Naiiyak nanaman ako. Tuwing naiisip kong hindi ko na makakasama ang anak ko ay nasasaktan pa din ako. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ngayong wala na yung nag iisang anghel sa buhay ko.


"Oh, I'm sorry. Shh. Wag kana umiyak Jen." Sabi nya saka ako niyakap ng mahigpit. Hinalikan nya yung ulo ko.




"Bakit... hindi mo sinabi agad?" Tanong nya habang nakayakap pa din ako sakanya.



"Hindi k-ko pa rin kasi m-matanggap." Sagot ko habang humahagulgol.


"I'm sorry Jisoo. Kung hindi ko sinabi sayo agad. Pero k-kung gusto mo akong iwan okay lang. Sorry. Sana noon pa lang nag pakatotoo na ako sayo. Natakot lang ako sa magiging reaksyon mo." Sinasabi ko habang tuloy lang sa pag iyak sa balikat ni Jisoo.



"Jen, tama na. Hindi kita iiwan okay? Hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. At kahit kailan hinding hindi kita iiwan. Pangako yan." Ayun ang mga salitang nag pakalma saakin. Ang sabihin nya saking mananatili sya hanggang dulo.

Natatakot akong mangyare sakin ang ginawa ko kay Lisa. Natatakot akong mangyare yung nangyare saming dalawa. Iniwan ko sya at alam kong may malaking karma akong haharapin sa nagawa ko. Pero sana ay hindi si Jisoo iyon.


Masaya ako kay Jisoo. Pakiramdam ko ay buo ako tuwing kasama ko sya. Pag sya ang nasa tabi ko wala akong iisipin na itatago kay Mama at sa buong pamilya ko. Si Jisoo yung taong hinahanap ko. Sya yung kulang saakin at hindi si Lisa.



EXtensyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon