Chapter 34: Big Brother

1.2K 32 4
                                    


Lisa's POV

"Hindi na ako mag tatagal. Ayoko na makaistorbo pa sainyo. Pasensya na sa abala. Jennie anak, Lisa. I'm very sorry." Malungkot na sabi ni Mrs. Kim. Buti nalang at pumasok na ulit sa kwarto si Kai pag tapos kong ibigay ang isang cup ng ice cream.



"Bago kayo umalis, mag tanghalian muna kayo." Walang emosyong sagot ko. Na agad ikinalingon ni Jennie saakin. Hinawakan ko yung kamay nya para sabihing ayos lang.


Gulat at pagkinang ng mga mata naman ang nakita ko kay Mrs. Kim. Kahit naman papaano ay ina sya ng babaeng mahal ko at ayokong maging masama kahit na may mga nagawa syang hindi maganda saamin. Lumabas naman ang anak namin para ipakitang tapos na nya agad kainin ang ice cream na binigay ko.


Tinulungan kong mag luto si Jennie habang nakikipag kwentuhan si Kai sa Grandma nya sa sofa.


"Sigurado ka bang okay ka lang?" Nag aalalang tanong ulit sakin ni Jennie.


"Sa pangatlong beses, oo pa rin ang sagot ko." Paninigurado ko habang nag hihiwa ng repolyo. Lumapit naman sakin si Jennie at niyakap ako mula sa tagiliran.


"Ayoko lang na nakikita kang naiilang kay Mama." Malambing na sabi ng babaeng napakacute sa gilid ko.


"Kung okay na sayo. Okay na din sakin. Tsaka gusto ko na din maging maayos tayo ng pamilya mo para maging maayos na din kung anong meron tayo." Nakangiting paliwanag ko. Ngumiti din sya at tumuloy na sa pag luluto.





"Mag sasama na ba kayo ulit?" Tanong ni Mrs. Kim bago sumubo ng ulam. Katabi ko si Jennie na kaharap si Kai at si Mrs. Kim naman ang kaharap ko.




"Opo." Maiksing sagot ni Jennie. Inabot ko yung baso ng tubig sa gilid ng plato ko para uminom.


"Kailan ang kasal?" Bigla naman akong nabulunan sa tubig dahil sa narinig ko. Agad na hinagod ni Jennie ang likod ko habang umuubo ako.


"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nya. Tumango ako habang umuubo pa din.


"Mas mabuti pang mag pakasal na kayo agad para naman maging legal na ang pag sasama nyong dalawa."


Yan ang tumatak sa utak ko hanggang sa matapos ang tanghalian namin kasama ang Mama ni Jennie. Nakaupo na ako sa sofa habang naririnig ko ang legendary na tawa ni Spongebob sa tv. Bakit laging Spongebob ang palabas sa tv namin?

Anyways, ready na nga ba akong ikasal kay Jennie? Kung noon ako tatanungin oo agad ang sagot ko. Pero ngayon, sa totoo lang hindi ako sigurado. Mahal ko si Jennie kaya lang ay matapos ang lahat ng pangyayare, hindi ko alam, parang may kulang pa.

Sinusubukan naman naming dalawa na mabuo ulit. Katulad ng kung paano kami nabuo noon, siguro ay konting panahon lang ay maayos na ang lahat at aayain ko na syang mag pakasal.


Lumipas lang ang ilang minuto ng marinig ko ulit ang doorbell sa pangatlong pagkakataon ngayong araw may bisita nananaman kami. Kumunot ang noo ko. Sino nanaman kaya ang nasa labas ng bahay namin? Hindi pa nga ako nakakarecover sa mga nangyare kanina meron nanamang panibagong bisita.

Tumayo ako at pinag buksan kung sino mang istorbo ang nasa labas.


"Hi." Nakangiti ng malapad ang siraulo kaya mabilis kong sinarado ang pintuan.


"Hoy Lisa! Anong problema mo? Buksan mo to." Sigaw nya habang kinakalabog yung pintuan namin.


"Umalis kana Chen! Wala ako sa mood makipag usap sayo ngayon." Sigaw ko pabalik.


EXtensyonWhere stories live. Discover now