Chapter 2: Celebration

2.3K 53 3
                                    


Lisa's POV

Eto na yung araw na pinakaaantay nila, araw na ng pag perform nila sa cheerdance. Syempre hindi ako pwedeng mawala para suportahan ang girlfriend ko.

"Kinakabahan ako." Sabi nya sakin.

"Kaya mo yan! Galing galing mo nga sa mga practice nyo e." Sabi ko sakanya.

"Baka makalimutan ko." Pangangamba nya.

"Hindi yan. Suportahan naman kita kahit ano mangyare." Sabi ko at tinap sya sa balikat.

At ng tinawag na sila para mag perform, sobrang proud ko sa girlfriend ko dahil sa galing na ipinakita nya. Lalo tuloy akong nainlove sakanya.

Nanalo sila ng 1st place.

"Ang galing nyo." Sabi ko sakanya.

"Sayang di nag champion." Sabi nya.

"Ikaw pa rin naman ang champion sa puso ko." Sabi ko sakanya.

"Ay! Hahaha. Korni!" Sabi nya. Hinubad nya yung medal at sinabit yun sa leeg ko.

Bigla naman ako nakaramdam ng pag kurot sa puso ko. Na touch ako sa ginawa nya. Feeling ko sakin nya dinededicate yung pag kapanalo nila, na para sakin lahat ng effort na ginawa nya.

Sobrang sarap sa puso ng pakiramdam na yon.

"Tara kain tayo." Aya ni Hwasa. Kaibigan nya na kasama sa cheerdance nila.

"Sige, gutom na rin ako e." Pag payag ni Jennie.

"Coach, alis muna kami para kumain ah? Sunod nalang kami don mamaya." Paalam ni Hwasa at Yoonie kay Coach Siwon. Pumayag naman yun at umalis na kami.

Pumunta kami sa Mexican restaurant. Eto lang kasi yung malapit sa auditorium ng university nila. Kumain lang kami at nag kwentuhan tungkol sa mga nangyare nung araw na yon. Kung gaano ako kaproud sa girlfriend ko, at kung gaano sila kagaling.

"Tara na daw sabi ni Coach, dun na daw sila sa bahay nila kuya Jerald." Sabi ni Yoonie.

May inuman kasing magaganap dahil sa pagkapanalo nila. Pambawe sa mga araw ng practice. At dahil kasama ang girlfriend ko dapat kasama din ako.

Gusto ko lang masiguradong safe sya sa pag uwi. At ayoko ng may ibang mag aalaga sakanya kung sakaling malasing sya ng sobra.

Nung matapos ang inuman, lasing na si Jennie. Hindi ko pa kasi alam kung hanggang saan lang kaya nyang inumin dahil first time lang namin iinom ng mag kasama, kaya wala akong idea kung kaya nya pa ba o hindi na.

"Lasing ka na." Bulong ko sakanya. Nakasandal na kasi sya sakin at minsan ay nakapikit na.

"Hindi ako lasing. Nahihilo lang ako." Sagot nya na halata namang antok na antok na sya.

"Pag pahingahin mo na muna sya dun sa kwarto." Sabi ni Coach Siwon.

"Timplahan ko ng kape." Sabi ni Yoonie na parang tatay tatayan ni Jennie.

"Paypayan ko baka naiinitan." Sabi naman ni Hwasa. Yung kaibigan nyang nanay nanayan nya. Bagay sila ni Yoonie pero hindi daw talaga sila dahil kaibigan lang daw ang turing  nila sa isa't isa.

"Oh painom mo sakanya." Sabi ni Yoonie na nag abot sakin ng isang tasa ng kape.

"Jen, inom ka muna kape oh." Sabi ko sakanya habang unti unti syang inuupo.

"Kape? Bakit? Umaga na ba?!" Tanong nya na medyo ikinatawa ko.

"Lasing kana kasi e. Para mahimasmasan ka." Sagot ko. Pinahawak ko naman yun sakanya pero inaalalayan ko pa din.

EXtensyonWhere stories live. Discover now