Chapter 24: Sweet Chaeng

1K 29 2
                                    



CHAENG's POV

Dalawang linggo kaming nag stay sa Thailand ni Lisa. Tinapos lang namin maiayos at mailibing ang kanyang lola saka kami bumalik sa Pilipinas.


Dalawang linggo ring matamlay si Lisa at hindi nakikipag usap. Mabuti lang ay hindi ito kagaya nung mga panahong nadepressed sya. Malungkot lang talaga sya sa pagkawala ng kanyang lola.


Si Auntie naman ay nag paiwan pa dahil may mga bagay pa syang aayusin sa Thailand, kasama na ang mga pamanang iiwan sakanila.


Pag balik na pag balik namin sa bahay ay dumiretso lang si Lisa sa kwarto nya at nahiga.




Sinundan ko sya kasi gusto ko syang pasayahin pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yon. Isang linggo na nga akong nag iisip kung anong pwede kong gawin para pasayahin sya e.


Pumasok ako sa kwarto nya at nag dive ako sa kama nya, ngayon nakadantay na ang kanang kamay ko at paa ko sakanya. Nakadapa kasi sya.



"Kain tayo." Sabi ko.


"Anong gusto mo papadeliver ako." Walang ganang sabi nya.



"E gusto ko sa labas tayo kumain." Pag lalambing ko saka ko siniksik yung mukha ko sa leeg nya. Nakaharap kasi sya sa kabilang side kaya yung likod lang ng ulo nya ang nakaharap sakin.



"Chae, alam mo namang wala ako sa mood lumabas ngayon." Sabi nya. Kahit naman kasi wala sya sa mood hindi nya naman ako sinusungitan.


Saka kahit anong kausap ko sakanya ay sumasagot naman sya.



"Minsan lang naman tayo lalabas e. Saka parang gusto kong uminom ngayon. Hmm, kung hindi mo ako sasamahan. Ako na nga lang. Kakain ako sa labas at mag babar hanggang umaga. Bahala ka dyan." Gumana ka gumana ka please.

Pag ka sabi ko non ay lumabas na ako ng kwarto nya at lumabas na rin ng bahay nila. Kakauwi nga lang pala namin. Wala pala akong dalang kotse o kaya motor. Aish! Paano ako aalis?


Nagulat ako ng dinaanan ako ni Lisa at pumunta sa kalsada. Maya maya lang may humintong taxi sa harap nya. Binukas nya naman yung pinto non sa passengers seat at humarap sakin.


"Ano? Kala ko ba mag babar tayo?" Nakangiting tanong nya. Napangiti na din ako at nauna nang pumasok sa taxi.




"Akala ko ba wala ka sa mood?" Pag iinarte ko.


"Matatanggihan ko ba ang alak?" Natatawang tanong nya. Hay sa wakas tumatawa kana ngayon.



"Mas bagay sayo yang nakangiti. Kesa yung naka busangot buong araw." Sabi ko na ikinangiti nya lalo.


"Chaeng kasi e, ang kulit." Pag kasabi nya non tumawa naman kaming dalawa na parang baliw.






Una naming pinuntahan ay restaurant syempre. Pagkain muna bago ang lahat.


Pag tapos namin kumain sa Italian restaurant ay dumiretso na kami sa bar na malapit lang sa kinainan namin.


Naupo lang kami sa bar stool at umorder ng beer. Tamang chill lang para hindi malasing agad.


"Gusto mong sumayaw?" Tanong ko kay Lisa na naka tatlong baso na. Umiling naman sya.


"Hindi mo ako mapapasayaw kasi hindi pa ako lasing." Nakangising sabi nya.


"Ah ganon!" Sabi ko at inubos yung pangalawang beer ko. Ubos nya na din kasi yung pangatlo nya.


"Dalawang basong beer pa nga dito." Sabi ko sa bartender at agad naman syang kumuha.


EXtensyonWhere stories live. Discover now