Simula

606 14 4
                                    

Triana Godelaine Narvaez

"Who said you were invited to my birthday?" Taas kilay na tanong sa akin ni Laia. Napabuntong hininga na lang ako. Ayaw kong pumatol sa tulad niya.

"Our Papa." Simpleng sagot ko. It's her 16th Birthday today.

"This is my birthday. Not you!" Sigaw niya sa akin kasabay nang paghila niya sa braso ko papalabas ng mansion. Sa inis ko ay hinila ko ang braso ko pabalik pero diko sinasadya na masyadong malakas iyon kaya mas nauna siyang lumabas ng front door. Akala ko ay makakatayo siya pero hindi. Nahulog siya sa hagdan.

Naglakihan ang mga mata ko at akmang tutulungan siya ay dumating ang ina niyang si Tita Nathalia at agad na hinigit ang braso ko. "Sinong nagsabing magpunta ka dito?" Mariin niyang tanong. I can feel the eyes of people who think of me, of us.

Hindi na ako nakapagsalita. Alam kong sa akin nanaman ibabato ang sisi dahil ako nanaman ang lumalabas na mali. "God, anong nangyayari dito?" Tanong sa akin nang kakarating lang na si Papa.

"Hinila niya po kasi ako palabas-"

"You're so freaking lying!" Sigaw niya sa akin saka bumaling kay Papa. "Wag kang maniniwala sa kanya Papa. Nakita ng marami ang ginawa niya! Ikaw ang nang hila!" Tumulo ang luha niya.

Napahilamos na lamang si Papa sa mukha niya.

"Diba yan yung anak sa labas?" Rinig kong usap usapan ng mga babaeng mayayaman na nasa gilid ko. Hindi ako lumingon sa kanilang lahat.

"Oo. Mukha nga. Bastos pa." Kumunot ang noo ko at gusto ko sanang sugurin sila dahil sa pangiinsulto sa akin pero mas pinakatutukan ko ang problema na ito.

"Sinungaling ka." Sabi ko kay Laia. Parang may batong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Dinala mo yan dito, Thiago? Para guluhin ang party ni Laia?" Sakrastikong tumawa si Tita Nathalia. "Yang bastos na batang iyan? Hindi na ako mag tataka kung bakit ganyan ang batang iyan. Walang pinagkaiba sa ina niya." Nanunuyang sabi niya.

Bigla nalang nag pantig ang tainga ko. Bastos na ang tingin nila sa akin kaya wala na akong pakialam. Hindi ako naghuhugas ng kamay lalo na pagsinadya ko itong dumihan! "Wag mong dinadamay ang nananahimik kong ina!" Giit ko. Ang mga luha sa mga mata ko ay namunuo na.

"Godelaine!" Sambit ni Papa sabay hila sa akin papunta sa labas. Nagpatianod na lamang ako ito ang pinakauna sa buhay ko na napahiya ako.

Andito kami ngayon sa parking lot. "Wag mong pinapahiya nang ganoon ang asawa ko! Anak lang kita!" Para akong dinagukan sa narinig ko.

Basang basa ng luha ang mga mata ko dahil sa narinig ko. T*ngina ang sakit! Hindi ko maimagine na pati ama ko ginanito ako. At mas masakit pa yung. salitang "Anak lang kita!"

Tiningla ko siya. Umiling iling ako at tila hindi pa maniniwala. Hanep! "Ah....oo. Anak mo lang ako." Kunot noong sambit ko. Kita ko ang pagsisisi sa mukha niya. Natawa pa ako pero ang mga luha ay hindi ko na mapigilan pa. "Alam mo po ikaw yung lalaking parang ayaw kong maging ama."

[PS:This story is still about a woman who passed through the ordeal of life. Triana Godelaine Montreal is a señorita series number two.

Lahat ng mga tauhan at tagpuan ay pawang kathang isip lamang. Ito ay walang katotohanan]

[How to pronounce the names of the first appearing characters?

Triana Godelaine-Triyana Gadelayn
Laia Kryce-Laya Krys
Thiago-Tiyago
Nathalia-Natalya]

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now